Chapter 21

21.9K 480 59
                                    

"MELISSA," pagtawag sa akin ni Amaranth. 

Umangat ang paningin ko sa kanya. "Hmm? Bakit?" tanong ko habang inaayos ang dadalhin namin sa hundred island. 

Napansin ko naman ang ilang sa mukha niya. Ang bibig niyang ibubuka ngunit ititikom muli. Tila parang meroon sasabihin ngunit pinapangunahan siya ng kung ano sa sarili niya.

Bumuntonghininga siya at nagpilit ng ngiti. "Hindi naman sa nangingialam ako. Pero. . . pansin ko kasi hindi kayo masyadong nag-uusap ng mga pinsan mo. 'Di ba. . . ahm, close kayo?" Ngumiwi siya pagkatapos niya iyon sabihin. 

Tinapos ko ang ginagawa ko at humarap sa kanya. "Matagal na akong wala sa kanila, Amaranth. Dalawang taon na. Hindi ko rin sila pinsan. Oo close kami noon, pero ngayon hindi na. Minsan kasi, may mga bagay na kahit anong pilit mo sa sarili na gusto mong ibalik ang dati, ngunit kapag may mga masamang memorya ka naman doon, hindi na pwede."

Ang ayoko talaga sa lahat ay ang pag-usapan ito. Pero kaibigan ko sila at kilala na rin nila ako kaya hindi ko sila basta-bastang tatalikuran. 

"Mahirap bang pumili?" 

Natigilan naman ako roon. Nahihirapan ba talaga akong pumili o natatakot? Hindi ko masagot at hindi ko alam. Ayokong sagutin dahil alam kong magiging mali ako.

"H-hindi ko alam. . ." Umiling ako. "Huwag na nating pag-usapan 'to." Tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko at marahas niya akong pinaharap sa kanya.

Kita ko ang pangingilid ng kanyang luha dahilan para maguluhan ako. 

"A-Amaranth. . . bakit?" may pag-alala kong tanong 

"H-habang maaga pa huwag mo silang tatalikuran. Ikaw pa ang magsisisi sa huli." 

Huli niyang sinabi bago niya ako iwan. Nakatulala at inaalala pa rin ang kanyang sinabi sa akin. 

"AKO na ang magdadala niyan," ani Ralgy habang naghihintay kami na mabayaran ang sasakyan naming bangka patungong hundred island. 

Dala-dala ko ang kagamitan ko, na hindi naman masyadong mabigat. 

Tumingin ako sa kanya at umiling. "Hindi na. Ako na. Hindi naman 'to mabigat." 

"Kahit na, babae ka kaya ako na magdadala," si Khiel, na kasusulpot lang kung saan galing at aakmang kukunin sa akin ang bag ko. 

Inilayo ko iyon na may ngiwi sa labi. "Huwag na!" 

"Tsk! Tigas ng ulo. Akin na!" Hinablot iyon ni Egieboy sa akin at sinukbit sa balikat niya. 

Kingina 'to. Parang walang sinabing masasakit sa akin, ah. 

Sinipa ko ang paa niya upang mamilipit siya sa sakit at mapaluhod sa sahig. 

"Fuck it!" mura niya habang namumula ang buong mukha. 

Rinig ko naman ang tawanan ng mga kasamahan ko. Lumamang pa ang boses ni Khiel, na parang wala nang bukas. 

"Tangina, deserve!" Tumatawa pa rin ang Khalil. 

"Kaya lab na lab kita, Melissa," si Encila at inakbayan ako. 

Umiling ako at umupo na lamang sa may malapit na upuan at hinintay na kami ang susunod. 

Kumunot ang nuo ko nang mapansin ko ang malagkit na tingin ng ibang mga babae sa kabilang dako. Sila ang kasunod sa pila na magbabayad para sa bangka. 

Ang malalagkit nilang tingin ay nasa tatlo kong pinsan, na nasa ngayon ay pareho nang busy kakakulikot ng telepono nila. Maliban na lang kay Egieboy na namimilipit pa rin sa sakit.

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon