Chapter 14

27.9K 555 45
                                    


PAGGISING ko hindi kwarto ko ang bumungad sa akin, kundi kwarto na palagi kong pinagi-stay-an sa probinsya, sa bahay ni Lola!

Napabangon ako at prenoseso pa ang pangyayari. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil medyo sumakit iyon. Napatingin din ako sa kabuohan ko, mas lalo na ang suot ko na nag-iba na.

Kung gano'n nasa bahay ako ni Lola. At ang lalaking iyon ay kilala ko lamang. 

Tipid akong ngumiti at bumango para bumaba. Nasa hagdan pa lang ako nang makita ko ang tatlo kung pinsan na may kanya-kanyang ginagawa. 

Abala sa pagbabasa ng libro si Kuya Ralgy. Telephone naman ang hawak ni Khiel na mukhang naglalaro. Laptop naman ang hawak ni Egieboy habang nagtitipa. Naka-upo silang tatlo habang ginagawa nila iyon. 

Hindi ko mapigilan matawa ng mapait. Sa panahong ngayon, hindi mo talaga malalaman ang isang bagay kung wala kang gagawin. Kahit alam mo naman at may clue ka na, ngunit ayaw mo pa rin paniwalaan, mas gusto mo pang kusa malalaman sa ibang tao. 

Nang mapansin nila ang pagbaba ko ay natigilan sila sa ginagawa nila at napatayo. Hindi ko sila pinansin at nagtungo lamang palabas. Hindi ko rin pinansin ang pagsunod nila sa akin. 

Nang makita ko si Lola, na nakaupo sa gawaing kahoy na upuan, nang makalapit ay niyakap ko siya at gano'n din ang ginawa niya sa akin. 

"Kamusta ang aking apo?" Ngiti niya ang nasilayan ko habang ako ay pilit lamang.

"Hindi ko po alam kong masasabi kong ayos ako, La. Ayoko rin tanungin kung bakit ako nandito." Tumanaw ako sa ibang direksyon. 

Naramdaman ko ang paghawak niya sa isang kamay ko na nakapatong sa hita ko, ngunit ang paningin ko ay nanatiling nakatuon sa isang direksyon. 

"Melissa, may sasabihin ang Lola, ngunit huwag sanang sasama ang iyong loob." Sa sandaling pananahimik namin pareho at sa mga pinsan kong nakatanaw sa amin sa malayo ay muling nasalita si Lola.

Kinabahan man ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Wala akong kutob pero hindi ko mapigilan sumikip ang aking dibdib.

"Ayos lang, La. Hindi ho sasama ang loob ko." Bumaling ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Mahal na mahal ka ng lola, Melissa. Gano'n din ang inyong Mommy at Daddy. Pagpasenyahan mo na ako kung ngayon ko lamang ito sasabihin sayo." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang mapansin ko ang paging emosyonal niya. "Ang tunay mong mga magulang ay nanatiling buhay pa rin, Melissa."

ANG byahe naming magpi-pinsan pauwi ng maynila ay tahimik lamang. Kung meroon man magsalita, iyong sila lamang tatlo. Kakain man kami ay hindi na lang ako nagsasalita. 

Malaki ang pagtatampo ko sa kanila. Hindi dahil sa nalaman kong hindi kami magpi-pinsan, kundi parang wala lang sakanila ang nangyari.

Pagkarating namin ay bumaba agad ako at nagtungo sa kwarto. Ni-lock ko iyon at nanatiling nakadapa sa kama. Maraming iniisip na mga kung anu-ano. Sa gano'ng posisyon ay nakatulugan ko iyon.

Nagising na lamang ako nang may kumatok sa kwarto. 

"Melissa, anong oras na, hindi ka ba papasok?" si Khiel. 

Tumingin ako sa orasan. Tanghali na at mukhang late na ako kaya nanatili na lang muna ako sa loob ng kwarto ko habang hinihintay silang umalis. 

"Hindi pa ba lumalabas? Hayaan mo na, baka tulog pa iyan. Tara na!" boses iyon ni Egieboy. 

Rinig ko naman ang papalayo nilang mga yapak. Tumayo ako at tumingin sa bintana para tanawin silang nagmamadaling umalis patungong trabaho. 

Bumuntonghininga ako at nagtungo sa bathroom para maligo. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Nadaanan ko pa ang kwarto ni Kuya Ralgy, kaya naman hindi ko mapigilang tumapat sa pinto nito. 

Hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na pumasok doon. Kinakabahan man ngunit pinihit ko iyon kahit alam kong bawal pumasok sa kwarto niya. 

Lumunok pa ako bago pumasok. Bumungad sa akin ang malinis niyang kwatro at hindi makalat. Black & white theme ng kwatro niya. Simpleng-simple lang.

Pinalibot ko pa ang paningin ko. Wala namang importante sa kwatro niya kaya bakit ayaw na ayaw niyang magpapasok? Tsk! Arte talaga.

"Wala namang ka-special-special sa kwarto na 'to," bulong ko sa sarili ko at umiling.

Akmang aalis na sana nang mapansin ko at maliit niyang bookshelf na puno ng libro. Malapit iyon sa isang medyo malaking salamin, kaya naman napatungo ako roon saka tinignan iyon. May kinuha akong libro na nagpa-interest sa akin. Ngunit nang nakuha ko iyon ay umawang ang bibig ko dahil biglang bumukas ang bookshelf sa gilid na parang pintuan. 

Tinulak ko iyon at isang hagdanan ang bumungad sa akin. Madilim kaya kinuha ko sa bulsa ang telepono ko saka binuksan ang flashlight. 

Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko at bumuga ng hangin saka tumapak sa mga baitang patungong baba. 

Limang minuto bago ko nakapunta sa paroroonan ko. Isang pinto ang bumungad sa akin at nang pihitin ko iyon ay bukas iyon. 

Hindi ko alam pero may kaba akong naramdaman sa aking sarili. Sumisikip ang dibdib ko, na para bang may pumipilipit dito. 

Nang makapasok ako ay isang kwarto ang bumungad sa akin. Hindi madumi at gano'n din ang ayos sa kwarto sa taas. Ngunit mas malaki ito kumpara doon. Malinis din, malamang kasi may gumagamit. Pero ang nakapansin sa akin ang mga bagay na ngayon ko lamang nakita. 

Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw niya kaming papasukin sa kwarto niya dahil may tinatago pala siyang lihim sa ibabang ito. 

Katana, pana, baril, at maskara. Natigilan ako sa maskara. Doon tumuon ang pansin ko.

Nanghina ang mga tuhod ko nang mapamilyaran ko ang maskara na gamit-gamit ng lalaking nagtutungo sa kwarto ko gabi-gabi. 

Kusang tumulo ang mga luha ko. Ngayon ko lang naalala na marunong pa lang magpaiba-iba ng boses si Kuya Ralgy at ang mga galawan niya. At ang kwartong ito. . . ang kwartong ito ang dahilan kung bakit nabaliw ang tatlo kung pinsan sa akin sa simula pa lang.

MAHIGPIT na yakap ang binungad ko kay Encila nang pagbuksan niya ako ng pinto. 

Nagulat pa siya ngunit nang makita niya ang daladala ko ay pinapasok niya agad ako. 

"Anong nangyari?" may pag-alala niyang tanong nang makaupo kami sa sofa. 

Hindi ko naman mapigilang mapaluha. "Encila, tatlo sila. . . tatlo silang pumupunta sa kwarto ko." 

"Ay pukingina. Kamusta naman kipay mo? Buti buhay ka pa." 

"Encila, ano ba! Magseryoso ka nga!" Gaga talaga 'to. May balak pa siyang kamustahin ang kiffy ko.

Umirap siya at umayos ng upo. "Gago pala 'yang mga pinsan mo. Sobrang ganda mo naman kasi kaya sino bang hindi mababaliw sayo? Lalandiin ko pa lang sana iyong pinsan mong si Egieboy, mukhang nagbago na ang isip ko." 

"Kahit na. Mag-pinsan man kami o hindi, kailangan pa rin nila ako irespeto. Syempre, sino bang masasaktan sa ginagawa nila. Pinagkatiwalaan mo ngunit ginago ka."

Bumuntong-hininga siya at tumingin sa mga bagahe ko. "Huwag kang mag-alala, may kilala ako kung saan ka pwedeng manatili muna."

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon