Chapter 22

21.3K 490 85
                                    

"AKALA ko hindi ka rito matutulog." Pagpasok ko sa room, iyon agad ang aking narinig galing kay Khiel.

Prente itong nakaupo habang nanonood ng tv. at kumakain ng chips. Kumunot ang noo ko dahil napansin ko kung ano ang pinapanood niya. 

Kdrama? Kailan pa siya natutong manoood ng Kdrama? 

"Bakit ka nanonood niyan?" I asked. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng chips. Hindi ko naman napansin ang pag-angal niya nang kumuha ako ng chips. 

"Bawal na ba akong manoood nito?" Tinaasan niya ako ng kilay at bumaling din muli sa pinapanood. 

"H-hindi naman. Nakakapagtaka lang kasi. . . dati hindi ka naman nanonood niyan."

Hindi rin siya mahilig manoood ng tv. noon. Puro bold lang nga ata makikita mo sa telepono niya. 

"Nakaka-gwapo raw kapag manoood ka ng Kdrama. Idol ko riyan si Lee Jung Suk. Ang galing niya nga sa W." 

Anong nakaka-gwapo? Naniniwala siya roon? Ako nga ilang taon nang nanonood ng Kdrama, pangit pa rin!

"Maniniwala lang ako kapag nagkatotoo." Umiling na lamang ako at nanonood sa pinapanood niya rin.

"Nga pala. Nakita mo ba si Ralgy at Egieboy sa labas? Bago ka pumasok wala pa si Ralgy. Ang sabi ni Egieboy hahanapin niya raw. Noong pagpasok mo, saka rin 'yong paglabas ni Egieboy," biglang wika ni Khiel. 

Natigilan ako at napabaling sa kanya. Mayamaya ay umiling din ako. "Si Egieboy lang nakita ko." Pagkatapos no'n, bumaling muli ang paningin ko sa tv. 

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. At iyong sinabi sa akin ni Egieboy. Hindi ko alam kung minumura niya ba ako. 

"Hindi ka ba nagtataka?" Napabaling muli ako sa kanya. Seryoso ang kanyang hitsura habang nakatutok ang paningin sa tv.

"Saan?" 

"Kay Ralgy."

Napalunok naman ako dahil ang seryoso niya talaga. Nahihilo na rin ako dahil kanina pa kami pabaling-baling sa tv. at isa't isa. 

"Anong meroon sa kanya?" Napalunok ako muli at hinintay ang muli niyang sagot. 

Ngunit magsasalita na sana siya nang mapalingon kami sa pintuan at lumuwa roon si Ralgy na may pasa ang kabilaang mukha at putok ang labi.

Napatayo kami pareho ni Khiel. Nagmamadali akong magtungo kay Ralgy at tinitigan nang maigi ang kanyang mukha. 

"Ano nangyari? Bakit ang dami mong pasa sa mukha?" pag-alala kong wika sa kanya. Maiiyak na.

"Anyari sayo, pre? Sino sumapak sayo?" anang ani Khiel nang makalapit sa amin. Naguguluhan din.

Ngumisi siya at umiling. "It's nothing." Bumaling siya sa akin. Nakita ko ang pag-ngiwi niya nang aakmahin niyang ngumiti sana sa akin. "Nag-alala ka ba sa akin?" 

Hindi ko naman mapigilang matawa at masama siyang tinitigan.

"Sinong hindi mag-aalala sayo riyan sa kalagayan mo? Puro pasa at putok ang labi mo, Ralgy!" sigaw ko dahil sa inis. Parang wala lang sa kanya ang lahat dahil nakaya niya pang ngumiti kahit napapangiwi siya. 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ko siya unang hahawakan. Nanginginig ang kamay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos. Natigilan naman ako nang malamlam niya akong titigan. "Relax. I'm sorry."

"Ano ba kasi nangyari? Sino ba ang gumawa niyan sayo? Tell me, Ralgy, huh?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang buong mukha niya. 

Habang nasa mukha niya pa rin ang kamay ko, kusa niyang hinawakan ang kamay ko roon. 

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon