Chapter 20

24.8K 560 125
                                    

"TEKA, saan ako sasakay?" Nang mapagtanto kong wala nang space sa loob ng sasakyan. 

"Sa unahan ka na lang. Si Ralgy driver natin pala." Ngumiti nang sobrang lapad si Encila. 

"Ano? Pwede naman ikandong na lang ang ibang mga bagahe." Pinandilatan ko siya ngunit nagpatay malisya lang ang bruha. 

Kaya pala pinalabas niya lahat ng mga bagahe namin, pati na rin sa likod dahil may binabalak pala 'tong bruha na 'to! Nilagay niya lang naman lahat ang mga bagahe namin dito sa loob. 

"Kung hindi ka comportable sa unahan, ako na lang doon, ikaw na lang dito sa uupuan ko," ani Egieboy. 

"Hindi! Dito ka tatabi sa akin." Pinandilatan niya naman si Egieboy.

"What?" Naguguluhan nitong tinitigan si Encila. 

"Huwag kang magreklamo, kakatayin kita mamaya." Umiiling na pumasok sa loob si Egieboy. 

"Kung gano'n ako na lang sa unahan," ungat pa ni Khiel, na may malapad na ngiti.

"Sampal gusto mo? Sa tabi ka ni Mona." Itinaas pa ni Encila ang kamay niya, pawang na isasampal niya talaga kay Khiel. 

"Ang hirap intindihin ng mga babae," bulong ni Khiel at umupo na rin sa tabi ni Mona, habang kumakamot ng ulo. 

"Ikaw," turo sa akin ni Encila. "Chupeeee! Sa unahan ka." 

Umawang ang bibig ko nang saraduhan niya ako ng pinto ng sasakyan. Bumaba ang bintana at natanaw ko si Amaranth.

"Sabayan mo na lang ang trip ni Encila, bawi ka sunod," natatawang wika niya nang makita niya akong nakatayo pa rin sa labas. 

"Hoy, narinig ko iyon!" sigaw naman ni Encila. 

Bumuntonghininga ako at walang magawa kundi ang sumakay na lang sa unahan. Katabi ang lalaking iniiwasan ko!

Umaarangkada na naman tuloy ang puso ko. Maingat kong ikinabit ang seatbelt ko at tumanaw na lang sa labas ng bintana habang hinihintay na paandarin ang sasakyan.

Kung ano mang trip ng babaeng ito, sana kunin na siya, ngayon na!

Pahamak talaga ang babaeng ito!

"Paano niyo pala nalaman na mag-hundred island kami?" si Amaranth, na may pagtataka sa mukha.

Natanaw ko naman ang tulog niyang anak sa tabi niya nang lumingon ako sa kanila. Mukhang ginising niya lamang ito. Antok na antok pa kasi noong dumating sila, walang mood makipag-usap.

"True. Kami lang naman nakakaalam, pwera na lang kung may nag-imbita sa inyo," dagdag ni Angela.

"May nag-text lang sa akin," sagot naman ni Khiel, habang may kinakaing chips. 

Tamo 'tong lalaki na 'to, hindi pa nga umaandar ang sasakyan kumakain na. 

"Sa akin din," sagot din ni Egieboy. 

Tumingin ang lahat kay Ralgy, tango lang ang isinagot nito sa kasamahan namin.

"Hindi na ako magtatanong kung sino nag-imbita sa inyo." Tinuro ni Mona si Encila. "Kilos mo pa lang, halata na."

"Well. . ." pagmamayabang pa ni Encila. 

Masama ang timpla ng mukha ko habang nasa byahe. Limang oras ang byahe kaya nagpag-isipan naming 1AM na ng madaling araw kami aalis patungong hundred island. Para makarating din kami ng umaga at maraming mapuntahan. 

Alam ni Encila na ayaw kong makita at makasama ang mga pinsan ko, pero ano 'tong ginagawa niya? Nagsisisi na ba siya?

Mayamaya umandar na rin ang sasakyan, na panay ingay ang mga kasamahan ko. May asaran at tawanan. Ngunit natahimik din pagkatapos.

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon