Chapter 8

159 5 0
                                    

Chapter 8

Sonata’s POV

“I’m going to bring my girlfriend here, Mama.” Agad naman kaming napatingin sa kaniya. Mayamaya lang ay nasa akin na ang mga mata nila. Natahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan. We all know that this will happen. Ilang linggo na rin naman niyang binabalandra ang mukha ng babae sa harap namin. Actually no. They always have their own worlds. Lagi nga siyang wala at kasama si Milliana.

Hindi ko rin alam kung bakit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung anong mayroon siya na wala ako? Oo, maganda siya pero maganda rin naman ako. Mabait siya. Medyo mabait ako. She was sexy. I also have the body that everyone keeps on dreaming to have. Lahat nang mayroon siya, mayroon din ako. Lamang lang ng kaunti. Wait. No. Wala akong Gael but she have him.

“What are you talking about, Gael? Hindi ka man lang ba talaga nahihiya kay Sonata? Ilang buwan pa lang nang tapusin niyo ang engagement mo.” Kita ko ang galit mula sa mga mata ni Tita habang nakatingin sa anak na mukhang panandaliang natigilan. Ni hindi niya ako tinignan. Alam kong madalas talaga ang pagtatalo nila ng kaniyang ina nitong mga nakaraang araw kaya hindi na ako nagtala nang mayroon na naman siyang panibagong nasabi.

“Iyan ang mahirap sa inyo ni Lola, Mama. Ulit-ulit na lang. Hindi ba kayo nagsasawa kapipilit? Nakamove-on na kami ni Sonata. Kayo na lang po ang hindi. We both decided to just be a friends. Sana naman respetuhin niyo rin po ‘yon.” Madalang lang magsalita si Gael kaya ngayong sumasagot ito sa harap ng ina, hindi siya makapaniwala sa inaasta ni Gael. Maski ako’y ganoon din.

He said that we both move on but no. I just act that everything’s not affecting me but the truth is it hurt when I see them both together. Ang tagal naming nagsama pero kailanman ay hindi niya ako tinignan na para bang anytime ay maglalaho ako sa harapan niya.

“What did you just say, Gael? Ganiyan na ba talaga ang naidudulot sa ‘yo ng babaeng ‘yan? Wala ka nang respeto sa ina mo, huh?” galit na tanong ni Tita kay Gael na nanatili lang ang malamig na tingin.

“You really think so, Mama? No. This is just the first time that I want someone and you can’t even respect that.”

“You know what, Kuya? Dalhin mo kung dadalhin mo but don’t expect us to treat her nicely. Once she step in this house, asahan mong para na rin siyang tumapak sa impyerno.” Malamig lang na tinignan ni Ciane ang kaniyang kapatid bago siya padabog na umalis sa harapan namin. Nakaramdam ako nang kakarampot na awa para kay Gael. Bumibigat din ang aking dibdib sa ideyang natutuwa ako na ako lang ang gusto ng pamilya niya para sa kaniya. Nakakaguilty pa lang maging masaya.

Napasubunot na lang si Gael sa frustration na nadarama. Umalis siya sa harapan namin na wala ni isang binalingan ng tingin. It was his birthday. His wish is to bring his girlfriend here. I know how much he wanted the approval of his parents. Kahit naman sinusuway niya ang mga ito ngayon, he was always the respectful and the ideal child.

Natahimik na kaming dalawa ni Hereth na siyang kasama ko ngayon dito. Hinawakan lang ako ni Hereth sa kamay bago ‘yon pinisil. Nilingon ko naman siya bago ngumiti nang tipid.

“I’m sorry about Gael, Hija,” ani Tita kaya napailing lang ako.

“Ayos lang po, Tita. What he said is true we’re just friends now.” Sinungaling ka talaga, Sonata.

Nang sumapit ang birthday ni Gael, he was the only one who’s not here.

“Where’s Gael?” tanong ni Hames na nakataas ang kilay bago umupo sa tabi ko.

“Saan pa nga ba? Of course with that girl, Kuya.” Umirap pa si Ciane na tinutukoy si Milliana. Ipinakita niya pa ang litratong kuha ng Kuya niya mula sa story nito sa ig. Hindi ko naman mapigilan ang pagbigat ng dibdib. Sa tagal ng panahon, he never  did that for me. I was always been the one who’s posting him in social media.

Who Made The Antagonist RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon