Chapter 6
Sonata's POV
"It's not okay with me," ani Tita kaya napatingin ako sa kaniya.
"Same with me," sambit ni Ciane na nang lingunin ko'y nakatingin sa akin. She look sad while looking at me. Ilang emosiyon din ang mababasa mula sa mga mata nito.
"If it's not Ate Sonata, kahit tumanda na lang si Kuya mag-isa," ani Ciane kaya napahalakhak ang kupal na si Hames. Ni hindi niya pa inalintana ang mga mata ng mga matatandang nakatingin sa kaniya ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot dahil do'n.
"Mama, Ciane," ani Gael na para bang nagbabanta.
"What? Valid naman ang opinyon ko. I don't want anyone else if it isn't Ate Nat." Matigas na paninindigan ni Ciane. Napanguso naman ako at medyo na-guilty sa sarili dahil nagawa ko pa talagang hindi pansinin si Ciane when she's always been my number 1 supporter. Ako nga pala ang favourite ng isang 'yan.
"Right. Ganoon din ako. Kung hindi si Sonata ang magiging daughter-in-law ko, hindi ko tatanggapin ang kung sino. Lalo na kung first impression pa lang, pangit na," sabi pa ni Tita na may pinahihiwatig kay Gael.
I don't know what happened between those two. I know Gael won't cheat. He's a man of principle. Hindi niya gawaing gumawa ng bagay na masama so I don't know how everything happens. But who knows, right? Maybe he did, Sonata. Maybe you just keep on thinking that he's not capable to do so.
"This engagement should be off. Sasaktan lang niyan ang kapatid ko. He cheated, right?" nakangising saad ni Hames kay Gael na siyang kalmante pa ring nakaupo roon. Natahimik naman ang lahat at napatingin kay Gael ngayon. Mayamaya ay bumalik ang tingin nila sa akin. Nilingon ko naman si Hames doon. He knows. No. Everyone knows that we doesn't really have a relationship together if it weren't for our family. We know that he was just treating me as his younger sister pero ako 'tong si tanga na laging umaasang higit pa roon ang nararamdaman niya. That's the truth.
We didn't really promise anything to each other except the fact that we will marry in the future but that was years ago. Noong mga panahong wala pa halos kaming puwang sa mundo but still, fault niya pa rin. Sana nilinaw niya ang lahat. No, your fault too, Sonata. Everytime he'll tell you something about that goddamn wedding, you choose to ignore his words dahil akala mo'y panay biro lang.
"Maybe I did..." aniya kaya agad napatingin sa kaniya sina Tita.
"Really? With that girl? The girl in the church? Kung 'yon ang dadalhin mo sa bahay, mabuti pang itago mo na lang habambuhay dahil maski isang simpatya'y hindi mo ako makikitaan," ani Tita sa kaniya.
"Mama." Nagmatigas lang si Tita na wari'y seryoso rin siya sa kaniyang sinasabi.
"What? Huwag ka na ring umuwi kung ganoon nga." Magtatalo pa sana sila sa hapag nang magsalita ang Lola ni Gael.
"The only opinion that I'll take is your opinion, Hija. Ikaw ang lubusang nasaktan sa ginawa ng apo ko kaya gusto kong ikaw ang magdesisyon."
"Gusto ko bang ituloy o ihinto na lang?" tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Gael na siyang nakatingin din sa akin ngayon. Nangungusap ang mga mata nito. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Tila ba desididong-desidido sa gustong mangyari.
"I'll cancel the engagement po, Lola..." mahinang saad ko. One part of me decided about that. Naawa bigla kay Gael na siyang matatali sa taong hindi niya gusto at isang parte ng utak ay gustong tumutol. Gusto kong maging selfish pero ilang taon na nga palang ganoon lang ako lagi.
Nagdesisyon ako but I kept on thinking na baka higit pa sa pagkalaibigan ang nararamdaman nito. Baka... Baka sakaling mapagtanto niyang mahalaga pala ako kapag natapos na ang ugnayan naming dalawa. Baka mapagtanto niya pa na gusto niya rin ako kapag wala ng engagement na magaganap. Baka... Sana...
BINABASA MO ANG
Who Made The Antagonist Ruthless
Chick-LitKnow Me Well Series #2 (Antagonist) Jet black hair na may cat eye na mga mata. Idagdag mo pa ang bitchy rest face that even she's not doing anything, mapagkakamalang maldita. That's how they describe Sonata. Spoiled brat who always gets things she...