Chapter 21
Sonata's POV
"What? You are all invited and I'm not?" tanong ko na hindi mapigilan ang iritasiyon na nadarama.
"Why would she invite you, Sonata? You're not even close with each other," sambit ni Hames sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapasimangot doon bago siya inirapan.
Hindi ko mapigilan ang iritasiyon sa akin kaya naman nagawa ko pang samaan sila pareho ni Kyst na siyang nagagawa pang mang-inggit.
"You're going too?" Kumunot lang ang noo ko.
"Of course," ani Hames na hindi ako nililingon at kinuha na ang ilang laruan. Panay lang ang lagay nilang tatlo nina Gael at Kyst doon. Halos naka-dalawang pushing cart na si Kyst at nagawa pang ipatulak sa akin ang isa.
They are actually going to Milliana's niece's birthday party. Maliit lang daw na celebration now that her niece is turning 2.
"You're not really invited. You just invited yourself," anila kay Kyst na siyang umirap lang at napakibit ng balikat. Hereth just laugh at them while I was just looking. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot doon. I feel out of place again.
Hindi ko maiwasan ang mapangiwi. After kong maging mabait sa kanilang dalawa, hindi niya ako iinvite?! I even let them together ni Gael when we are in the family outing although halos itago siya ni Gael at kulang na lang itakas doon. After kong magtiis silang panoorin ang pagbaba ng araw habang nasa dalampasigan? Aba! Utang na loob nilang hindi ko sila ginulo kahit napakadali lang gawin niyon!
Napairap na lang ako habang pinapanood ang mga kaibigan na abalang-abala sa pagbili ng mga ipang-reregalo nila.
And that birthday came. I said to myself that I'll never go to a party that I wasn't really invited but I can't help but feel annoyed when the evening came and they are not home yet. Hames is not in the house pa rin. Hindi ko maiwasan ang pag-irap when I saw Hames posting a pic with a little child. Medyo cute. Puwede na.
"I'll just go outside for a while, Mom," I said to Mama kaya naman nilingon niya ako.
"It's already late. Where are you going again?" tanong niya na nagtaas pa ng kilay sa akin.
"Diyan lang po, Ma," I said na tipid na ngumiti before going out.
I actually have a gift too. Kahit hindi ako invited ay balak kong idaan ang regalo. Bahala na. Sayang naman kung hindi ko maibibigay.
Napanguso nga lang ako nang nasa eskinita na nila Milliana or is this that street? Hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi. Ang daming batang pakalat-kalat sa daan at marami ring nagsusugal sa paligid. May mga nag-iinuman din. I don't know where Milliana house is. Ni hindi ko nga alam kung tamang eskinita ba ang napasukan ko. Pababa pa lang ako when someone already look at me.
"Excuse me, Miss. Do you know where the Feliciano is?" tanong ko sa isang babaeng kumakamot pa sa kaniyang ulo habang mukhang natatalo pa sa kanilang sugal.
"Ah, Feliciano? Sa dulong bahay 'yon," anang mga ito kaya napatango ako. Hindi kakasya rito ang kotse ko kaya naman dire-diretso lang ako sa paglalakad.
"Witwiw." Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng tingin ng mga ito. Yes, there are a lot of assholes and maniacs I met in bars, school, and everywhere but this is different. The way they look at me feels like they will really do something.
Napaawang ang labi ko nang hilain ng isang lalaki ang bag na hawak ko maski ang box na 'yon. My mind when blank especially when people was just laughing na para bang normal na senaryo na ito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Who Made The Antagonist Ruthless
ChickLitKnow Me Well Series #2 (Antagonist) Jet black hair na may cat eye na mga mata. Idagdag mo pa ang bitchy rest face that even she's not doing anything, mapagkakamalang maldita. That's how they describe Sonata. Spoiled brat who always gets things she...