Chapter 20

140 3 0
                                    

Chapter 20

Sonata's POV

"Thank you, Tita!" Malapad ang ngiti kong saad kay Tita.

"No problem," aniya sa akin bago nilagyan ulit ang pinggan ko.

"We're going to island hop later. And you said that you would like to learn how to surf, right? Marunong si Kuya, Ate," ani Ciane na hindi man lang nilingon ang kaniyang kapatid na napatingin din sa gawi namin dahil sa sinabi ni Ciane sa kaniya.

"Nat doesn't like that at all. And you also know how to surf. Why don't you just teach her?" tanong niya na tila hindi interesado sa sinasabi ni Ciane. He was just interested on making Milliana comfortable kahit na halos hindi na rin nagsasalita si Milliana siyang kasama namin ngayon dito. I don't know if she's distracting herself or what pero tahimik lang siya habang kumakain.

We're already here on their family trip. Hindi naman ni kinukwestiyon kung bakit ako nandito ngayon. Mas pinag-iisipan pa nga nila kung bakit nandito si Milliana. I actually feel bad that they treating her like air but maybe I was really evil too because I feel like that should be the thing. I feel bad when they are saying things that shouldn't say to her. I should be the only one saying mean things to her.

Naririnig ko pa ang pasimpleng pakikipag-usap ni Gael dito. Malambing na malambing pa ang tinig kay Milliana. Milliana was actually acting too but I feel like she's getting uncomfortable being with us.

"We'll go island hopping now, Mommy," ani Gael tila ba hindi rin gustong isama si Milliana sa amin. Tila ba ang purpose niya lang naman talaga ay solohin ito. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko roon. Nanatili ang malamig na tingin ko sa kaniya.

"It's a family trip. Ano bang gusto niyo? Lagi na kayong magkasamang dalawa. Hindi ba pupuwedeng sumama ka naman muna sa amin ngayon?" tanong ni Tita subalit na kay Milliana ang tingin. Hindi ko mapigilan ang paninikip ng dibdib para rito. If I were her, baka umiyak na ako ngayon at nag-rarant na kay Mama sa lamig ng tinig ni Tita. Lagi kasing mahinahon ang tinig nito kapag ako ang kausap at halos lahat ng gusto ko'y pinagbibigyan din. Saka ko lang talaga napagtanto na maski sa pamilya nina Gael ay sobrang spoiled na spoiled din ako.

Nakita ko ang paghawak ni Milly kay Gael nang magsasalita sana ito. May binulong din na hindi ko rin naman narinig.

"But if Milliana really want to go now. She can go. Nariyan naman ang yate. Pupuwede naman siyang magtungong mag-isa roon," ani Tita. Nakataas pa ang kilay habang nakatingin kay Gael na agad kumunot ang noo ngayon. Hinawakan ni Tito ang balikat ni Tita tila ba pinagsasabihan ito.

"Mommy, why are you so mean to Milly?" Sinubukang pakalmahin ni Gael ang kaniyang tinig subalit hindi rin talaga nakalagpas ang iritasiyon mula sa kaniyang tinig.

"Bakit hindi? Dapat ba akong maging mabait sa taong wala namang respeto sa ibang tao?" tanong ni Tita na kay Milly pa rin ang mga mata. Hindi ko mapigilan ang pagkagat sa aking labi dahil kita ko rin ang sakit sa mga mata ni Milliana. I can't help but to feel bad but I also ended up hurting her when Tita let me ride the yatch with Gael.

They said that it's actually a family trip pero nakita ko na lang ang sariling kasama si Gael sa yate at magtutungo sa iba't ibang isla rito sa Cebu. Napapikit na lang dahil na rin ang kasasabi lang nila na hindi pupuwedeng mag-solo pero ang totoo'y hindi lang talaga pupuwedeng magsama si Gael at si Milliana.

"You don't want to try scuba diving?" tanong ko kay Gael na todo simangot ngayon dahil si Milliana ang dapat na kasama niya ngayon dito.

"I don't want to. Mag-scuba diving ka kung gusto mo. And can't you even say that we should go back?" Malamig niyang saad at sa akin ibinubuhos ang iritasiyon ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot doon dahil kanina niya pa ako sinusungit-sungitan. Hindi rin kasi siya pinapansin ng kapitan ng yate nang sabihing gusto niyang bumalik. Mukhang ibinilin din talaga nina Tita ang dapat na gawin.

Who Made The Antagonist RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon