Untold Story #5

281 8 2
                                    

Untold Story 5

Kyst's POV

Hawak-hawak na ni Hames ang kwelyo nito at handa pa sanang sumuntok pang muli subalit natatawang nagsalita si Zed.

"Nasaan ba kayo noong mga panahong iyak siya nang iyak habang kayo'y kumakain sa café kasama ang taong pakiramdam niya'y sumira ng buhay niya?" Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Hames sa kaniya.

"Nasaan kayo no'ng mga panahong basang-basa na siya ng ulan dahil pinaalis niyo?"

"Nasaan kayo noong mga panahong nanakawakan siya at muntikan nang hindi makauwi? 'Yong mga panahong takot na takot siyang umiiyak sa kalsada dahil hinabol ng ilang hindi kilalang lalaki? Ah! Oo nga pala! You're having a party in Milliana's house!" Humalakhak pa ito habang nakatingin sa amin. Pare-pareho kaming nahinto sa sinabi nito.

"What?" Napaawang ang labi ko roon habang si Hames ay natulala na lang din nang mabitawan niya ang kwelyo nito.

Tumawa pang muli si Zed habang nakatingin sa aming lahat.

"Of course hindi niyo alam kaya sino kayo ngayon para magalit nang ganiyan? I just give her a gift." Para pa itong nasisiraan ng bait.

Si Reed ang naunang nakabawi kaya siya ang una niyang nasuntok. Nahila na rin kami palabas ng bar ng ilang bouncer. Tanga rin. Kanina pa kami nandoon, saka lang naisipang paalisin.

"I won't even fucking going to say sorry if I'll take vengeance on that stupid cousin of yours, Reed," sambit ko kay Reed.

"Don't worry, naunahan na kita. I already told Tito about what he did. If they won't punish him, I will," seryoso niyang saad kaya napatango ako.

"Dapat lang," ani ko.

We are so fucking mad about what happened pero mas lalo lang talaga si Hames.

"Where's Hames?" tanong ko kay Reed na siyang nilingon din ang kinatatayuan ni Hames kanina.

"Convenience store I think," saad ko bago nagtungo sa convenience store na madalas naming puntahan ni Hames. Nahinto lang ako nang makita kong naroon si Milliana.

"I found him, Reed. Ready your condo unit," sambit ko kay Reed mula sa kabilang linya. Pareho naming alam na kailangan mag-inuman ngayong araw.

Naglakad na ako palapit kay Hames na siyang kausap si Milliana. Milliana was just smiling but in the verge of crying while Hames was looking blankly at her.

"I already clean your sister's name and your name. I already send money for your father's debt. Let's just distance ourselve to each other now," ani Hames kay Milliana na siyang malungkot lang na nakangiti.

"Are you ending things between the two of us when we didn't really started anything?" natatawang tanong ni Milliana subalit nangilid na rin ang luha mula sa mga mata.

"But still... I'm thankful that I met you... That I manage to be happy just by a short period of time... Thank you, Hames..." ani Milliana. Why does it sound like they are breaking up? As if they won't see each other after this.

"Sana... Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin," malamig na saad ni Hames bago tinalikuran ang napatulalang si Milliana.

Napaawang ang labi ko roon. It's not really Milliana's fault that things happened. But I feel like it was supposed to be her who should think that she shouldn't meet us. I know. I know na nagkakasakitan lang kaming lahat. Sonata is hurting but that doesn't mean that Milliana isn't. Hames looks like he doesn't care about Sonata but that doesn't mean that it was the real case. And even the asshole Gael probably have some burden he was carrying. Everyone has a story to be told.

Who Made The Antagonist RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon