Chapter 26
Sonata's POV
"Ganda mo kaya, Mhie. Tanga na lang 'yang mang-iiwan sa 'yo!" anila kaya tumawa lang ako.
"'Di ba? Ganda ko tapos iniwan lang ako?" Humalakhak pa ako roon.
"Ganda ka nga, Beh, pero tanga ka. Hindi ka dapat naghahabol. Ikaw dapat itong hinahabol. Kahit sino kayang-kaya mong bingwitin sa mukha mong 'yan! Hindi mo deserve tratuhin ng ganoon." Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito. I heard it from Milliana pero sarado ang isipan ko ng mga panahong 'yon but right now, kahit paano'y natauhan naman ako. She's right. Bakit nga ba ako habol nang habol? I don't need to chase after them.
"Pero sobrang mali rin naman nang ginawa niya. Hindi naman tama na saktan mo sila dahil nasasaktan ka. At the end of the day, ikaw lang din ang nahirapan," ani Gina sa akin. Napatango na lang ako roon dahil tama rin naman talaga sila. Sa huli, doble-doble ang sakit na natamasa ko dahil sa mga bagay na ginawa.
"True lang. Hindi rin naman deserve no'ng Milliana 'yong mga pinaggagawa mo sa kaniya. Siguro kung ang una naming napapakinggan ngayon ay ang side no'ng Milliana, baka hate ka na namin ngayon. Ganda lang ang mayroon ka at ligwak agad sa ugali," natatawang saad ni Soledad na umakto pang kikitilin ang leeg niya. Natawa na lang ako roon. Sa pang-ilang ulit na pagkakataon, tama na naman sila. If I was the one who's listening to myself, I'll hate myself too.
"Hindi madaling mag-move on, Beh, pero I hope na mag-heal ka," ani Soledad sa akin. I don't know how I ended up talking about myself to them. Maybe because that's I want all along. Basta magaan din kasi talaga silang kausap. They will say things that you needed to hear and of course their own thoughts. Ilang days pa lang ako rito sa Pampanga subalit nagawa ko silang pakibagayan agad.
"Pero seryoso na, sana pagbalik mo sa Manila, you won't chase after the wrong guy. Ayos lang maghabol pero sana naman do'n na sa tamang tao, Beh," ani Gina.
"Paano mo ba malalaman kung tamang tao na 'yon para sa 'yo?" tanong ko na kumunot pa ang noo.
"If that person never made you feel that you're less than what you think you are. Someone who will make you feel your worth." Funny how I'm thinking of one person because of what they said.
"I hope that you'll feel that way. That you're enough. That you don't need to bow down to that level again just for someone's attention. Hindi lang sa iisang tao, Beh. Even to those people around you. And of course, your biggest enemy is yourself. If you really love yourself, you will let those people who wanted to go away from your life. Just hold your door open, kung gusto nilang umalis sa buhay mo, let them be. If you really love yourself, hindi mo ibaba 'yong sarili mo sa puntong na maski ikaw mapapatanong kung sapat ka nga ba talaga," Soledad said to me. They don't even know the whole story but they are saying those things I really wanted to hear again right now.
"I hope you find your peace once you come back to Manila. We would like to see a better version of Ms. Sonata once you came back here," saad oa ni Soledad kaya napangiti na lang din ako sa kaniya.
"Thank you..." mahinang saad ko kaya napangiti ang mga ito sa akin.
They were really right when they said that you can talk to strangers more than the people you know.
I never really apologize to Milliana so I'll do that too kapag nakauwi na ako. I want to sincerely apologize to her in person. For everything that I have done.
Baon ko ang mga salita nina Soledad hanggang sa umuwi ako ng Manila. I want to practice what they said too.
Agad akong sinalubong ni Mama nang makarating sa bahay.
BINABASA MO ANG
Who Made The Antagonist Ruthless
ChickLitKnow Me Well Series #2 (Antagonist) Jet black hair na may cat eye na mga mata. Idagdag mo pa ang bitchy rest face that even she's not doing anything, mapagkakamalang maldita. That's how they describe Sonata. Spoiled brat who always gets things she...