Epilogue

358 8 0
                                    

Epilogue

Sonata's POV

"Nat, tapos na?" tanong ni Kendra na siyang kasama kong nakipag-collab sa isang vlogger. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Tapos na. Pupuwede na tayong gumala," nakangiti kong saad kaya napatango siya sa akin.

"Why are you doing this?" natatawa kong saad dahil nagawa niya pa akong pagbuksan ng sasakyan. Napanguso siya sa akin.

"Do you still feel guilty about telling me to lie low?" natatawa kong tanong. Hindi naman siya nagdalawang isip na tumango kaya napailing ako sa kaniya.

"I told you that you don't have too. Ang tagal na niyon. Isa pa talagang self-pity lang ako no'n kaya kung ano-ano nang nasa isip ko." Napahalakhak pa ako dahil mukha talaga siyang guilty'ng-guilty sa pangyayari noon. It's almost 1 year pero hanggang ngayon ay nanunuyo pa rin siya kahit na hindi naman talaga kailangan dahil naiintindihan ko rin. She also have a career and manager to follow. At tama rin naman talagang kailangan ko ngang mag-lie low nang mga panahong 'yon.

"Remember Milly?" tanong sa akin ni Kendra habang kumakain kami. Nahinto ako roon.

"Of course you remember her," aniya pa na nailing.

"Bumalik na ata. Mag-aaral ata ulit."

"Do you have her contact number?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin.

"She's studying in your school again I think? Baka mapuntahan mo rin siya roon," aniya kaya napatango na lang ako.

After our sembreak, akala ko babalik na si Milliana sa pagpasok sa eskwela but we never see her again. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Basta bigla na lang siyang nawala. Ang sabi-sabi nila'y nagkaanak daw ito but that's not possible. I think there's a family problem that she needed to quit school.

Hindi ko magawang humingi sa kaniya ng tawad dahil maski isa sa mga kaibigan ko'y walang contact sa kaniya. Hindi na rin sila mahanap pa sa kanilang bahay. I just don't really know what happened.

Hanggang sa matapos tuloy kami sa pagkain ni Kendra ay iniisip lang ang tungkol doon.

"Thank you," nakangiti kong saad kay Kendra nang matapos kaming kumain.

"No problem! Sa susunod ulit!" Paniguradong 3 or higit pang buwan kaming magkikita ulit. Well, we're all busy and have our own life. Maski ako'y abalang-abala rin sa trabaho ko ngayon.

Sinundo na rin naman siya ng kaniyang driver kaya naiwan na rin ako sa aking sasakyan.

"Papunta na ako riyan," ani ko kay Kyst mula sa kabilang linya.

"I thought you'll rest after your talk with Kendra?" tanong niya naman. Mukhang panandalian lang na inihinto ang kaniyang trabaho dahil sa tawag ko.

"May chika ako," ani ko kaya narinig ko agad ang tanong niyang ano. Natawa na lang ako sa pangungulit nito hanggang sa makapunta ako sa opisina niya.

"Ano?" salubong niya agad nang makapasok ako sa loob.

"Stupid ka ba? You won't even ask how my day went first?" tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin bago ako komportableng nahiga sa sofa niya rito sa opisina.

"Of course I will ask for the chika first," aniya na humalakhak pa. Inirapan ko lang siya.

"Milliana is back," ani ko kaya napatango siya.

"Ay, alam ko na 'yan," aniya kaya nanlaki ang mga mata ko bago hinagis ang unan dito sa sofa niya.

"Alam mo pero hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko na hindi makapaniwalang tinignan siya.

Who Made The Antagonist RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon