Agad kong tinanggap ang baso ng tubig na inabot sa akin ni ate felicia at daling-daling nilagok iyon.
"Lagot ka, ate..." Pananakot pa sa akin ni Yuki, masama ko siyang nilingon kaya mabilis siya tumigil.Badtrip na bwisit na potah kasing Avon 'yan.
Binuking tuloy ako ng 'di oras ni ate Felicia.
Sa sobrang pag-aalala niya kasi nasabi niyang buntis ako kaya hanggang sa makarating kami sa Condo ni Maverick tahimik lang siya at ayaw ako kausapin.
Kaya kinakabahan ako eh tapos itong si Yuki nagbibiro pa, sipain ko kaya 'to.
"Maverick, make sure she will put behind on bars." Sabi ni ate Felicia, tinignan ko kung iimik si Maverick pero tumungo lang siya. Mukhang galit nga talaga.
Gaga ka kasi, Sheena. Hindi mo masisi kung magalit sa iyo, itago mo ba naman. Gaga ka kasi. Karma is real talaga. Bwisit!
"Umimik ka, huwag mo ako tungo-tunguan diyan, Maverick..." Banta ni ate felicia.
"I will."
Suminghap ako, hmp! Ang daya ha! Si ate kinakausap, ako hindi?! Alam ko naman kasalanan ko pero, ako asawa 'no!
"Baliw talaga ang babaeng iyon," Si ate. "She's a trespasser tapos sasaktan niya si Sheena? Like what the fuck, Maverick? Ba't ka ba nagkagusto roon noon?!" Galit na sabi ni Ate, walang umimik sa amin, maski si Yuki na paluko-luko kanina ay tumahimik.
"Ate..." Tawag pansin ko, ayoko naman na kay Maverick na isisi nila ang lahat 'no. "Huwag mo na pagalitan si Maverick..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at bahagyang sinilip si Maverick na nakatingin sa malayo. "Pwede bang magpahinga na muna?" Tanong ko, kailangan ko na muna siguro umalis dito baka kasi kapag nandito ako magtagal ang usapan nila tungkol sa akin at mag-away pa silang mag-pi-pinsan.
Wala naman kasalanan si Maverick eh, kasalanan niya bang nagmahal siya noon? Ewan ko rin ba kay Ate Felicia, nakaka-ewan iyong tanong niya, ah.
Gagohan lang, charot.
"Go ahead, Sheena." Tumungo naman ako saka tumayo, mabilis akong lumakad papunta sa kwarto ko kung saan ako natutulog habang nag-stay ako ng ilang araw kay Ate Felicia, narinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Maverick kaya hindi ko mapigilan kabahan.
Ngayon ko lang siya nakitang ganto... Hindi ko alam kung galit ba siya o ano sa akin, basta tatanggapin ko nalang.
Malaki naman kasi talaga ang kasalanan ko, karapatan naman talaga niya ang magalit.
Hindi ako lumingon nang makapasok ako sa kwarto, hindi na rin ako nag-abala na i-lock ang pinto dahil alam kong naka-sunod sa akin si Maverick.
Mabilis ako huminga nang malalim ng makaupo na ako sa kama at narinig ko na sumara ang pinto at ini-lock niya pa iyon.
Huminga muli ako nang malalim saka nag-angat nang tingin, agad naman sumalubong sa akin ang masamang tingin ni Maverick, halata pa rin ang galit.
"Let—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya aking pinutol.
"Fuck, balak mo ba itago ang anak natin sa akin?" Tanong niya. Hindi ako naka-imik at napatitig lang sa kan'ya.
Kung kanina ang nakikita ko sa mata niya ay galit o inis, bakit... Bakit ngayon... Parang nasasaktan siya? Ba't parang naiiyak siya na hindi ko maintindihan.
Mabilis ako nakonsensya dahil sa sinabi niya at nakita ko sa mga mata niya. Nasasaktan siya, dahil iniisip niya na may balak akong itago ang anak namin sa kan'ya.
Nasaktan mo siya, Sheena...
"Tell me, Sheena. Balak mo ba sa akin itago iyan? Why? Tell me your fucking reason, Sheena?! Why?!" Sigaw niya, mas lalo lang ako natameme.
Galit talaga siya, galit, naiiyak, inis, at nasasaktan. Iyon ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa ginawa ko.
"Tangina naman eh..." Mura niya, nagbaba ako nang tingin lalo na nang marinig ko ang mahina niyang paghibik.
Potah, Sheena. Ang tanga mo talaga magdesisyon sa buhay, tanga ka...
A boy never cry for a girl but, a man are willing to cry for a woman...
My husband is crying!
"Ano? Sheena, sumagot ka naman... Fuck, willing ako I give-up ang lahat para sa'yo, pangarap ko, ang career ko, I respect your decision when the time na sinabi mo sa akin na gusto mo mag-anak but, takot ka... I respect that! Because I know your past! Alam ko ang lahat! Alam kong natatakot ka maging ina muli dahil sa nangyari sa'yo noon but, why are you going to hide my baby? Our baby, Sheena?! Why?!" Sunod-sunod niyang tanong habang patuloy sa paghibik.
Itinikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili ko na huwag umiyak, ayoko sabayan ang pag-iyak niya pero... Ang marinig ang lahat-lahat? Tangina, ang sakit, Maverick is willing to give-up, everything!
Para sa akin pero eto ako, pinaiyak siya, nasaktan siya...
"I respect you, Sheena, lahat-lahat. Pinagbubigyan kita, kahit selos na selos ako sa bastard mong ex-fiance hinahayaan kita makipagkita sa kan'ya because, I trust you, Sheena, when you told me you're not ready to have a baby again, I respect that too, why? Because it's your body, Sheena, asawa mo ako pero ikaw ang may-ari ng katawan mo, pero ang itago sa akin ang baby natin? About your pregnancy? Fuck, I can't respect that decision, I'm the father, Sheena, I have a rights to know na you're pregnant!" Sigaw niya...
"S-Sorry..." Hindi ko na napigilan ko ang sarili kong hindi umiyak, nanatili akong nakayuko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.
Naramdaman ko naman na natahimik siya.
Kahit nanginginig sa takot dahil sa galit at pag-sigaw niya pinilit ko pa rin tumayo, nanatili akong nakayuko at nakatingin sa sahig habang umiiyak.
Nang tuluyan ko na siyang malapitan ay mabilis ko siyang niyakap at ibinaun ang mukha ko sa dibdib niya.
Wala na akong pakialam kung mabasa ko ang damit niya, ang mahalaga mapagaan ko ang loob niya, alam kong malaki ang kasalanan ko, hindi ko siya masisi kung masigawan niya ako kasi kung ako nasa sitwasyon niya baka nasuntok ko na siya.
"S-Sorry..." Ulit ko at mas idiniin ang mukha ko sa dibdib niya, patuloy pa rin ako sa pag-iyak alam kong gano'n din siya, randam ba randam ko ang pag-galaw ng katawan niya dahil sa iyak.
"Please... Don't tell me, naawa ka lang sa akin kaya nagbago ang—"
"H-Hindi..." Awat ko, ang daya ba't ako nauutal siya hindi, tapos pakiramdam ko ang sikip ng ilong ko dahil sa sipon, kaya ayoko umiyak eh, nagbabarado ang ilong ko.
"N-Natakot lang ako, sorry... Si Avon kasi... Masyado ko inisip ang mga sinabi niya... K-kaya..." Huminga muna ako nang malalim, pakiramdam ko ay kakapusin ako.
Agad ko naman naramdaman ang dalawang braso ni Maverick na pumalibot sa katawan ko, mas idiniin ko ang sarili ko sa kan'ya.
"S-Sorry... Wala naman aking balak itago eh..." Marahan akong umalis sa pagkakayakap at umangat nang tingin sa kan'ya.
Mabilis naman niyang sinapo ang mukha ko gamit ang isang palad niya.
"N-Natakot lang talaga ako, tsaka... Sasabihin ko rin naman sa 'yo once, na matapos ang issue." Pagpapatuloy ko, tumungo-tungo naman siya at hinaplos ang mukha ko. Hindi na siya umiiyak pero mapula ang ilong at mata niya.
Mas lalo lang ako na guilty.
"Sorry, dapat hindi kita sinigawan, mali iyon, sorry, Love. I'm so sorry, tahan na. Pinapatawad na kita, Naiintindihan kita, sorry... Maling sinigawan kita... You're my wife, and I love you, you deserve a love not a pain... Sorry... Forgive me..." Sabi niya sa akin at niyakap ako.
Hindi ko alam pero... Ang swerte ko talaga sa lalaking 'to, kasalanan ko na nga ang lahat nag-so-sorry pa rin siya.
Thank you for loving, thank you for understand me, Maverick... Thank you, God. I know I deserved this man.
"I love you... Sorry, maling tinago ko, promise hindi na ako magtatago ng kahit ano sa 'yo..." Sabi ko, hindi naman siya umimik at naramdaman ko naman na hinahalikan niya lang ang tuktok ng ulo ko.
"Let's get married again, this time hihintayin kita sa altar."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wife (Completed)
RomanceUnedited Maverick Nathaniel Francia was married to a woman he had never met, so when he returned to the philippines and decided to continue there as a model and actor, and finally he would finally see his wife. But he did not think it would be a s...