"Wifey." Agad sumama ang mukha ko nang marinig ko ang boses niya, jusko kakagising ko lang ba't may epal na pagala-gala rito.
"Ano?" Walang gana kong tanong, inaantok pa ako at wala pa akong kain bwisit.
Gutom na ako, masama ako kausapin kapag gutom ako. Please lang kahit pakainin muna ako ng lalaking 'to bago niya ako guluhin.
Umuwi siya rito kagabi at bago pa siya tuluyan makatulog sa tabi ko, syempre inaway ko muna siya, hindi ko nga maintindihan ba't pa 'to umuwi ulit.
Hindi ba siya na turn off sa asawa niya? Asawa niyang lumpo, pilay, or whatever.
"Sama ka sa 'kin mamaya." Yaya niya, agad naman sumama ang mukha ko at binigyan siya nang naiinis na tingin. Agad naman siyang tumayo sa kama at tumayo sa harap ko.
"Hehehe, feeling ko dumating na 'yung order kong food wait, kunin ko lang." Sabi niya, hindi pa ako nakakaimik ay tatakbo na siyang pumunta sa pinto at tuluyan lumabas.
Siraulo na yata.
Marahan ko itinuon ang mga kamay ko sa drawer na nasa tabi ko. Kaya ko naman maglakad ng walang saklay or wheelchair eh, kaso ang bagal tapos pakiramdam ko, bawat oras tataob ako, kaya tuwing nasa kwarto lang ako naglalakad, pati walang taong nanonood sa 'kin kung paano maglakad ang isang pilay.
Halos limang minuto rin ang ginawa kong lakad bago ako tuluyan nakarating sa cabinet ko kung nasaan ang mga damit ko, agad naman ako napalingon sa dalawang maleta sa gilid ko, sure akong kay maverick 'yun.
At talagang seryoso ang gagong 'yun dito tumira kasama ko? Siraulo, papahirapan muna kita. Taena hindi ako makaka-move on sa two years na hindi ka man lang nagpakita. Magdusa ka.
Kinuha ko lang 'yung yellow smock dress, undies, and white shorts.
Pumasok agad ako sa bathroom para maligo.
Pagkatapps ko mag-ayos ay akmang tatawag na ako sa baba para humingi ng tulong para makababa ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Epal.
Epal siya para sa'kin, walang mag-mo-move on sa two years!
"Pakainin mo muna ako bago mo ako kausapin." Sabi ko agad, gutom na talaga ako, kapag gutom ako wala akong lakas para makipagbangayan.
"Kaya nga nagdala ng food 'di ba." Sabi niya at itinaas ang dalang paper bag, at 'yung isa halata namang pizza.
At himala ah, puro tagalog. Very good maverick. Ayoko ng english.
"Ano 'yan?" Masungit kong tanong. "Yema cheesecake, black coffee, and cheese pizza." Malaki ang ngiti niyang sabi, parang bigla nagbago ang mood ko.
"Lapit kana rito dati!" Excited kong utos, tumawa naman siya pero, wala mhna akong pakialam. Ibang usapan kapag pagkain, tapos favorite ko pa!
"Wow, bati ako?"
"Nope, pero akin na 'yung pagkain, tsaka anong bati ako?! Bati na tayo rapat," Sabi ko, narinig ko naman 'yung ngisi niya bago inabot sa 'kin 'yung pagkain. Agad ko binuksan ang box na may pizza at 'yung maliit na box na may yema cheesecake, umupo naman siya sa harap ko. Hindi ko na siya pinansin at sinimulan kumain, ipinatong ko muna ang black coffee sa drawer dahil baka matapon.
Nakadalawang slice na yata ako ng pizza at nakailang kagat na ako sa cake ng mapansin kong hindi siya kumukuha.
"Kumain kana ba?" Kunot noo kong tanong, pinapanood niya lang kasi ako kumain. May inis ako sa kan'ya pero hindi naman gano'n kasama ugali ko para hindi siya pakainin 'no, jusko.
"Hindi pa, but it's fine." Sabi nito at ngumiti sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay, bago umupo ng maayos at umisod ng kaunti palapit sa kan'ya.
"Ah." Sabi ko, at inilapit sa bibig niya ang pizza na kinakain ko. Like duh asawa ko naman siya so walang problema if ipakain ko sa kanya 'to, unless ma-issue siya.
"Huh?"
"Nganga." Utos ko, kumunot naman ang noo niya.
"Kinagatan mo na 'yan eh." Sabi niya, mariin ko naman nakagat ang pang-ibabang labi ko bago siya pinaningkitan. Arte nitong gagong 'to!
Pakyu ka talaga!
"Ah ayaw mo? Asawa mo naman ako ba't ayaw mo lumapat 'yang kinagatan ko sa bibig mo." Ngumuso ako para mukhang nagtatampo ako kahit hindi naman. Lakas din ng sapak ko.
"No I me— Fine," sabi niya bago binuka ang bibig at kinagat ang pizza, malaki naman akong ngumiti sa kanya bago pinagpatuloy ang pagkain.
"Oh ito," inilapit ko naman sa bibig niya ang fork na may cake, agad naman niya sinubo 'yun habang titig na titig sa'kin, hinayaan ko lang siya ag patuloy lang sa pagkain at pagsubo sa kanya. Mukha tuloy akong nanay nagsusubo ng anak.
"Last na kasi!" Pamimilit ko pero, umiling siya. Busog na kasi ako pero ayokong may matitirang pagkain, isang slice nalang na naman kasi ng pizza ang natira tapos kalahati nalang dahil nakagatan kona.
"Model ako wifey, need ko alagaan ang body ko." Dahilan niya. "Jusko naman maverick! Epal ka talaga! Kapag kinain mo ba 'to mawawala ang abs mo?!"
Inis ko siyang tinititigan, umiling nalang siya bago kinuha ang slice ng pizza na hawak ko, ngumiti naman ako bago inayos ang mga box ba wala ng laman. Inayos ko ang mga 'yon at nilapag sa sahig, gano'n nalang ang gulat ko ng pagkalingon ko sa bahagi niya ay sobrang lapit niya sa 'kin.
"Ginagawa mo," ani ko, gago sobrang lapit niya.
"Open your mouth." Utos niya. "At bakit?"
"Basta."
Kahit naiinis ay nginanga ko ang bibig ko, gano'n nalang ang inis ko ng ilagay niya roon ang natitirang pizza pero, agad napaltan ang inis ko nang gulat dahil sa ginawa niya.
Kinagat niya ang kabilang parte ng pizza habang kagat ko ang isa, nakagat lang ako pero, hindi ko kinakain 'yun, habang siya ay kinakain 'yun hanggang sa marating niya ang pinaka labi ko.
Mariin ko nahawakan ang manggas ng polo niya ng maramdaman kong pati ang bahagi na kagat ko ay kinain niya na, pero hindi siya tumigil hanggang sa tuluyan niya mahalikan ang labi ko.
Marahan ako napapikit at mas humigpit ang hawak sa damit niya, naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko bilang supporta.
Jusko! Bakit naman ganito ang unang halik ng magaling kong asawa?! Ba't parang matagal kong hinahanap na— hindi ko maintindihan!
Agad ako nakaramdam ng kiliti nang maramdaman ko ang isang kamay niya sa leeg ko habang tuloy siya sa paghalik sa 'kin.
I don't know but, I like it. Parang nakakagaan siya ng loob, parang nakakawala siya nang inis...
Marahan ako napadilat ng marahan niyang alisin ang labi sa labi ko, malapit pa rin ang mukha niya sa'kin habang hindi inaalis ang tingin sa'kin bago siya ngumisi.
"Yummy, sweet and salty but, I like it."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Wife (Completed)
RomanceUnedited Maverick Nathaniel Francia was married to a woman he had never met, so when he returned to the philippines and decided to continue there as a model and actor, and finally he would finally see his wife. But he did not think it would be a s...