Chapter 6

542 12 6
                                    

"Umalis na talaga si maverick?" Tanong ko kay manang na sinasandukan ako ng pagkain, tungo lang naman ang sinagot ulit sa'kin ni manang. "Kumain kana bata ka, may check-up ka pa mamaya sa doctor mo, si kia ang kasama mo pagpunta sa hospital."

"Ay pupunta si kia, sige po manang balik na po kayo sa ginagawa niyo. Kaya ko na po ang sarili ko." Sabi ko saka malaking ngumiti, ngumiti rin naman sa'kin si manang bago umalis sa harap ko, nagsimula na naman ako kumain habang kumakain ako ay binuksan ko ang tv. Agad ako natigilan sa paglilipat ng chanel nang makita ko si maverick na nasa tv, so kaya pala hindi nagpaalam si gago kasi may live interview siya ng gantong oras. Pagkatapos ako lambingin kagabi bago natulog sa tabi ko iiwan niya ako basta, charot dami ko arte sa buhay ko akala mo naman walang alam sa buhay showbiz.

"How's your life Mr. Francia?" Tanong nung babae.

Tumawa si maverick bago ngumiti at humarap sa camera, aba sanay na sanay si gago. Infairness ha ang gwapo niya ngayon lalo na sa suot niyang formal na damit, blue polo shirt 'yun na hanggang siko habang black na pants ang pangbaba niya, mas gwapo siya gawa bukas ang tatlong botones ng polo niya.

"I'm good, and I'm happy too because nandito na ako sa pilipinas, and thanks sa mga nag-welcome sa'kin kahapon." Ngumiti ulit siya sa camera, napanguso naman ako, ah talaga lang masaya siya, joke.

"It's okay na magtanong kami about sa'yo? Nag-tweet kami kanina and maraming fans mo ang may gusto itanong sa'yo." Sabi nung babae, sumubo naman ako ng pagkain at hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv.

"Yeah, sure."

"Okay first question is from, jaycee075, her username on Twitter. Her question is, what course did you finished?"

Luh, gago maski ako hindi ko alam kung anong course ang natapos ng asawa ko, ang bait ko talagang asawa kahit kailan.

"First of all, matagal na akong tapos ng college and, the course I finished is BS marketing." Sagot niya at ngumiti, tumungo tungo naman ako, hindi na ako magtataka kung maaga siya naging billionare. Model siya at age 20 sa pagkakaalam ko, naging top model siya nung 25 years old na siya at kasama sa top 10 highest paid model, at the age 26 years old, nakapagpatayo siya ng sariling business, isang clothung line at isa naman perfume something na hindi ko alam. At the age 27 years old, nakilala na siya sa mundo bilang isa sa mga young billionare, nasa lahi nila ang matatalino sa business at mayayaman kaya hindi na ako nagtataka pa. Ngayon 30 years old na siya at pinasok niya ang mundo ng showbiz, mas malaki na lalo ang income niya, kasi maliban sa pagiging actor, natanggap pa rin siya ng offer sa mga brand na kinukuha siyang model pero, hindi na gaano since, may manager na siya.

"Taena, nacucurious ako sa buhay ng lalaking 'to, pero gutom ako kaya tuloy ang kain." Sabi ko sumubo ulit ng hotdog and fried rice.

"Oh, thank you for answering the question maverick, next question is from, kyla_grace. What's your talent maliban sa mga pag-arte?" Tanong nung babae.

"I can sing, dance, paint, cook, and play electric guitar."

Gago? Marunong siyaa no'n? Sana all nalang talaga, ang asawa ko ay pinagpala habang ako ay lampa.

"Ay wow, amazing kaya hindi na ako nagtataka na mas lalong marami kang fans ngayon." Galak na sabi nung babae, natawa rin ako, syempre asawa ko 'yan.

"Next questions na ulit," sumubo ulit ako ng pagkain, kanina pa ako nandito sa dinning area at ang dami ko na nakain. Hindi naman kasi ako nataba kahit anong kain ko.

"From annie9123, single ka po ba?"

Ay teka, kabado bente pero support sa sagot ng asawa ko, alam ko naman kasi hindi pwedeng sabihin may asawa siya lalo na showbiz at bago pa lang.

"Uhm... No comment." Tumawa si maverick kaya nakitawa rin 'yung babae.

Hindi naman agad ako nakagalaw, I though sasabihin niya oo dahil kapag 'yun ang sinabi niya mas matutuwa ang fans niya dahil single siya.

"I respect that maverick, next question na ulit and last na raw ito. The question is from queenkty. Ideal type ssa girl?"

Ngumiti ulit si maverick bago tumawa at humarap sa camera.

"Wala naman masyado, basta hindi natatakot ipakita ang totoong siya, like kahit anong ugali niya ipapakita niya sa'kin and, I don't care about her imperfections, I'm gonna love her naman kahit ano pa siya." Hindi ko napigilan ang ngumiti, I don't know ayoko maging assuming pero, kahit hindi niya sinabi na may asawa siya ay parang proud naman siyang idescribe ang isang katulad ko. I don't know feeling ko ako 'yung sinasabi niya, ba't ba.

"Wow nakakamangha ka naman, sure ako na kinikilig na ang mga fans mo dahil sa mga sinabi mo."

Tinapos ko na ang pagkain ko at pinatay na ang tv, ewan ko kapante ako sa trabaho na pinasok ng asawa ko, wala akong selos na makita na kahit ano, sure naman kasi ako sa'kin uuwi 'yun.

***

"Oh sheena kaunting buwan nalang daw ha, makakalakad kana ulit katulad ng dati, sabi sa'yo magtiwala ka lang." Sabi ni kia habang tulaktulak niya ako, nandito kami sa mall at kakatapos lang namin sa hospital, eh naisipan ko na mag-mall, bbili lang ako ng damit ko.

"Mga dalawang buwan pa nga eh, lakad-lakad lang daw ako lagi at inumin ang gamot ko para mas mapadali." Sabi ko, tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad pero agad ko pinatigil si kia ng may maninag ako...

Imposible... Bakit siya nandito? Bakit siya nandito s pilipinas? 'Di ba nasa ibang bansa siya.

"Bak—'

"Kia tara na bumalik na tayo..." Kinakabahan kong sabi, ako na mismo ang nag-ikot sa sarili ko.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa puso ko, 'yung mga nangyari sa'kin noon naalala ko, bakit bumalik pa siya? Bakit ko pa ulit siya nakita? Ano bang gusto niya mangyari, bakit pa siya umuwi. Tahimik at masaya na ako sana... 'Wag niya na ako guluhin pa.

"Sheena ano bang nangyayari sa'yo?" Tumigil kami ni kia sa labas ng mall. Yumuko siya sa harap ko para magpantay kami.

Hindi ko napigilan ang sarili ko umiyak, nakita ko agad sa mukha ni kia ang pag-aalala.

"Si Kenneth, bumalik siya kia... Natatakot ako... Baka guluhin niya ako, natatakot ako malaman ni maverick ang tungkol sa bagay na 'yun..."

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon