Epilogue

885 14 0
                                    

Kabado ako habang nasa tapat ako ng malaking pinto ng simbahan. Kanina pa ako rito nakatayo, hindi naman kanina na sob- ay basta ako'y kabado talaga kaya hindi ko alam kung sobrang tagal ko na ba nakatayo rito o atat lang talaga ako kaya naiinip na ako?

Ayoko magmura kahit sa isip ko dahil nasa simbahan ako. Magbabagong buhay na po ako, Lord. Amen.

"Anak, ano ka ba naman para kang ewan." Tumatawang suway sa akin ni Mommy ng pilit akong sumisilip sa loob ng simbahan. Nakalakad na raw lahat ng abay sabi ni Daddy at ako nalang talaga ang hinihintay na pumasok sa loob ng simbahan.

"Mom, kinakabahan ako. Paano kung mag-back out- aray ko naman!" Inis kong reklamo, hindi pa ako natatapos magsalita eh pinitik na agad ang noo ko.

"Back out? 'Nak, baliw na baliw yata sa 'yo ang lalaking iyon." Tumatawang sabi ni Mommy, napanguso naman ako, narinig ko rin naman nakitawa si Daddy na nasa gilid ko.

"Ma'am, one minute nalang po bubuksan na ang pinto." Sabi nung organizer na lalaki tumungo naman kaming tatlo. Huminga ako nang malalim saka tumayo ng maayos.

Simpleng sweethearts ball gown wediing dress ang suot ko, white na sandals dahil bawal sa akin ang heels. Waterfall braid naman ang hairstyle ko.

Marahan bumukas ang pinto ng simbahan at unting-unti ko nakita ang loob. Luma na ang labas ng simbahan dahil pinatili itong ganito ng mga tao, ngunit sa loob ng simbahan ay makikita mo ang ganda at linis.

Kaunti lang ang imbitado, si Western ang Best Man ni Maverick, nung nakaraan buwan ko lang nakilala si Western, bestfriend pala ito ni Maverick since elementary, sabay sila naging Model pero mas nagustohan ni Western na pasukin ang pagiging singer kaysa model, kakauwi lang niya galing sa London, umuwi lang daw talaga siya para sa kasal namin ni Maverick.

Limang buwan ang lumipas simula nang yayain niya ulit ako ng kasal, malaki na rin ang tiyan ko pero hindi siya katulad ng ibang buntis na lumalaki ng sobra, sabi ni Mommy may gano'n talagang babae maliit magbuntis.

Of course ang Maid of Honor ko ay si Kia na kakauwi lang din galing naman Canada, nagkasakit daw kasi ang Lolo niya sa Father side niya kaya kinailangan niya pumunta roon at hindi na nakapagpaalam sa akin.

Ang mga bridesmaids ko naman ay ang sila Syra, Sienna, Sandra, ang mga pinsan ko, tska si Yuki, at Danaya. Ginawa naman namin Ninang si Ate Felicia at Eiliana. Si Maverick ang nag-decided noon, hindi ako.

Marahan akong lumakad, bawat tao ay nginitian ko, patuloy ako sa paglakad hanggang sa marating namin ang unahan ng altar.

Nakangiti si Maverick habang nakahanda na ang mga kamay na kunin ako sa mga magulang ko.

"I know naman Mav, na aalagaan mo si Sheena, mas mahalin mo ang anak ko at pahalagahan pa siya lalo." Paalala ni Mommy bago lumayo nang kaunti sa akin.

Hindi ko mapigilan maiyak dahil sa nakikita sa mukha ni Mom and Dad, lalo na sa mukha ni Maverick.

Ganito pala ang pakiramdam kapag ikakasal ka na talaga, sa lalaking mahal na mahal mo pa.

Muntik na naman ako ikasal noon pero, hindi ko naramdaman ang ganitong pakirandam ng oras na iyon.

"Alagaan mo ang nag-iisang babae ko, Mav. Pati na rin ang magiging apo namin." Paalala naman ni Daddy bago ibinigay ang kamay ko kay Maverick. Mabilis ako nag-angat nang tingin sa kan'ya saka malaking ngumiti.

"I will, Ma'am and Sir. Handa akong mawala ang lahat sa akin huwag lang ang asawa't ang magiging anak namin." Sabi niya, tinunguan naman siya ni Mom and Dad bago sila tuluyan nawala sa tabi namin, isinabit ni Maverick ang braso ko sa braso niya bago kami tuluyan naglakad papunta sa pinaka altar.

"Sabi ko sa 'yo, hihintayin kita sa altar." Ngumiti namanat ako at mapatungo nalang.

"Thank you for everything, Love. Lahat-lahat ng ipinaubaya mo para sa akin salamat sa lahat, gagawin ko lahat maging mabuting asawa't ina sa inyo ng magiging anak natin." Sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin bago kinuha ang isang kamay ko na may dalawang sing-sing na ibinigay niya sa akin at hinalikan iyon bago kami tuluyan humarap kay Father.

Dalawang sing-sing dahil isa sa una namin kasal kahit hindi raw kami kinasal noon sa simbahan ay gusto niyang bigyan pa rin ako ng sing-sing, ang pangalawang sing-sing ay for engagement at ang pantatlo ay iyong ngayon.

***

Dalawang buwan ang lumipas simula ng ikasal kami, mag-siyam na buwan na ang tiyan ko at malapit na ako manganak. Hindi pa rin namin alam ni Maverick ang gender ng baby namin dahil sinabi ko kay Doctora na huwag sabihin.

Gusto namin parehas magulat sa gender ng baby namin.

"Wifey, mga what date ka raw posible manganak?" Tanong sa akin ni Maverick na nasa paahan ko na ngayon ay inihilot ang paa ko, habang tumatagal kasi ang pagbubuntis ko sumasakit lagi ang paa ko parang laging pinupulikat.

"Hindi ko sure eh pero, baka last week ng May or first week daw ng June." Sagot ko habanag nakapikit.

First week ng june ang birthday ni Maverick, June 7 kaya kung magiging ka birthday niya ang magiging anak namin okay lang sa akin.

Atleast isang handaan nalang para tipid, joke.

"Kamusta pala iyong bagong Branch ng Bakeshop?" Tanong ko hanang nakapikit, malupit din kasi itong asawa ko hindi ka talaga maghihirap eh.

Umalis sa industry ng modelling tsaka ng showbiz mas nagbukas naman ng business, may perfume na nga, may clothing line pa, tapos nagbukas na rin siya ng Bakeshop. At sa pagkakaalam ko balak niya rin magbukas ng jewelry shop.

Utak, kaya mas yumayaman eh. Iyong supermarket nga namin ni kia tama lang ang kita mabubuhay kami sa kinikita namin doon.

"Okay naman, successful." Sagot niya.

Tumungo naman ako.

"Kapag boy ba anak natin, anong pangalan?" Tanong ko at dinilat na ang mata saka nakipagtitigan sa kan'ya.

"Mavi Dezer kapag boy pero kung babae magiging anak natin, I think Fiona Alyson or Shona Alyssa." Sagot niya, well ang ganda naman ng suggestions niya.

"Pa'no kung pagkatapos ko manganak ng isa, hindi na kaya ng katawan ko magbuntis ng isa pa, okay lang?" Tanong ko, baka kasi gusto niya nang maraming anak.

Mabilis naman siyang tumungo bilang sagot.

"I think one is enough, Love. Ikaw ang manganganak, hindi ako. Mas mahal kita kaysa sa sariling gusto ko." Sagot niya, mabilis akong ngumuso dahil hindi ko mapigilan ang sariling hindi kiligin.

Lumapit siya sa akin at mabilis akong pinatakan ng halik sa labi. "It's your choice, ikaw ang magdedesisyon kung isa pa or sapat na ang isa, okay? I love you, always and forever. You're my only wife, the one and only..."

Ngumiti ako at binigyan siya ng smack na kiss.

"Of course, I'm the only billionaire's wife, the one and only. Mrs. Belinda Sheena Salvador- Francia."


The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon