Chapter 14

392 10 0
                                    

Iyong mata ko parang hindi keri dumilat, bwisit. Iyak pa, sheena. Pagkatapos namin mag-usap ni maverick nung madaling araw ay agad kaming natulog na magkayakap, antok na kasi talaga ako tapos iyong mata ko ang sakit.

Tapos eto ako ngayon hirap na hirap dumilat kasi masakit ang mata, tanga kasi sheena natulog nang paga pa ang mata.

"Wifey, come on. Wake-up." Gising na ako! Masakit lang idilat mata ko, naramdaman ko pang-inalog niya ako habang ginigising pa rin.

"Love, gising na ako!" Sigaw ko, sinubukan ko ulit minulat ang mata ko, gumana naman pero mahapdi pa rin, naningkit ang mata ko dahil sa hapdi.

"Then, open your beautiful eyes, and kiss me." Sabi niya. Gusto ko umirap pero nakapikit ako. Kaya huwag nalang. Mukha naman akong tanga kapag ginawa ko iyon.

"Wifey, tayo na. Tumawag si mom." Sabi niya ulit, kumunot ang noo ko at umahon sa pagkakahiga bago umupo nang maayos sa kama. Medyo naidilat ko na ang mata ko pero mahapdi pa rin.

"Kaninong mommy?" Tanong ko, malay ko ba nanay ko or nanay niya. "Si mom."

"I know maverick, kaninong mom?" Tanong ko ulit, ngayon ko lang nalaman na slow pala ang ang asawa ko.

"Our mom." Sagot niya, huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko mauubos agad ang pasensya ko sa kan'ya, kakagising ko pa lang tapos ganto isasalubong niya sa akin, kakabati lang din namin nung madaling araw. Baka magrambol na naman kami kung hindi ko hahabaan ang pasensya ko.

"Sinong mom nga?" Ulit kong tanong, this time naiinis na talaga ako pero pinapakalma ko lang ang boses ko.

"Si mom." Pota. Ayoko na nakakainis! Hindi kinakaya ng anger issue ko! Jusko maverick!

"Taena mo, maverick alam kong si mom, ang tanong ko kaninong nanay! Nanay ko o nanay mo?!" Naubos na ang pasensya kong tanong sa kan'ya, jusmiyo.

"Nanay natin." Tuluyan na ako naubosan nang pasensya, jusko napapadilat ako nang malaki nang 'di oras kahit mahapdi ang mata ko mula sa pag-iyak kagabi.

"Ginagago mo ba ako? Nanay mo o nanay ko ba ang tumawag? Oo nanay natin parehas pero sino ba tumawag? Kung saan ka nang galing o kung saan ako nang galing?" Inis na inis kong tanong, bumilog naman ang hugis ng labi niya at mukhang na-gets na niya ang gusto ko itanong.

Umiling siya at mahina na tumawa. "I'm sorry, wifey. My mother, si mom ang tumawag she want a vacation with us. Kasama ang mommy and daddy mo." Sabi niya, wala ba siyang shooting or project sa dadating na araw?

"Wala kang project?" Tanong ko. "Wala pa, maybe next month pa ang next project. May offer na new two project for me and some famous product na gusto akong gawin ambassador nila but, my manager said titig niya na muna, and pahinga muna raw ako since kakatapos lang ng isang project ko." Sunod-sunod akong tumungo.

So marami siyang time with me? Maglabing-labing na ba kami? Chos.

"Kailan daw vacation sinasabi ni mama?" Tanong ko, mama tawag ko sa mommy niya kasi iyon ang gusto niya. "Later daw aalis na tayo papuntang hacienda agustin." Hacienda? Agustin? 'Di ba pag-aari iyon ng pinsan niyang si brixton, ibig sabihin hindi lang kami nila mommy ang nandoon?!

Nalunok ko ang sariling laway na maisip na halos lahat ata ng kamag-anak niya roon ay hindi ko kaya.

Grabeng kabado na ako, makapal mukha ko pero parang buong angkan niya hindi ko na kaya.

"I-Ibig sabihin, nandoon mga kamag-anak mo?" Paninigurado ko, tumungo naman siya bilang sagot.

Baka judger kamag-anak niya?! Hindi naman siguro? Kasi mabait naman parents niya sa akin pati iyong pinsan niyang si kalen at brixton na parang yelo kausap pero nakikita ko kung gaano ka sweet sa mga asawa at girlfriend.

Parang sa kanilang tatlo si maverick iyong clingy na showey. Na kahit saan ata kami wala siyang pakialam kung may makakita sa ka-sweetan niya. Isa pa iyon sa talagang naiinis ako sa kan'ya, celebrities siya, hindi lang siya tao sa earth.

Kaya kapag gusto niya kumain kami sa labas umaayaw ako, kasi baka may makakita sa amin at masira pa ang showbiz carrier niya. Ayoko naman mangyari iyon, dahil pinaghirapan niya gawin iyon 'no.

Tapos masisira lang dahil sa isang date?!

"Gago ka ba?! Baka gisahin ako?!" Kabado kong tanong sa kan'ya, malakas naman siyang tumawa at mukhang natutuwa pa sa reaction ko. Tamo ang isang 'to, alam mo iyong kinakabahan kana at sa sobrang advance mo mag-isip, parang may theory kana agad na naububuo sa utak mo.

Pero may asawa ka na nagawa pang tumawa dahil kinakabahan ka. Baliw na 'to.

"'Wag ka nga tumawa, order nalang tayo almusal o pal—"

"Wala sila manang, walang tao sa mansion." Putol niya sa sinabi ko, umawang naman ang bibig ko at hindi makapaniwala. Gago?!

"Gago?! Asan sila?" Gulat ko pa rin tanong, itong si maverick nasisiraan na ata ng bait.

"Binigyan ko sila ng break lahat, love. Besides one-two weeks ang vacation natin sa hacienda agustin." Paliwanag niyang sagot, gusto ko mainis kasi nag-desisyon na naman siya na hindi ko alam kaso maliit na dahilan naman iyon kaya hayaan ko nalang, tutal siya naman itong nagpapa-sweldo sa mga tao dito.

"Tulungan mo ako magh—"

"You're clothes I already pack, hinihintay lang talaga kita magising, handa na ang lahat. We can just go to drive thru para sa breakfast natin bago tayo tumuloy sa bahay nila mommy." Sabi niya, gago ready na ready ah. Parang planado na hindi.

Astig din lalaking 'to ready na ready, dora yarn?

Tumungo nalang ako kaya umalis na ako sa kama at nag-ayos nang sarili, pagkatapos ko maligo at mag-ayos ay agad kaming umalis ni maverick sa bahay at bumyahe papunta sa bahay nila mama.

Mabilis naman kami nakarating doon at nakita agad namin ang puting van, nakatayo sa harap noon ang magulang ko at magulang ni maverick.

Ipinarada ni maverick ang sasakyan bago ako inalalayan makababa sa passenger seat, sunod naman niyang inintindi ang gamit naman at inilipat ang mga iyon sa van. Hindi na kami nakadaan sa starbucks dahil nagmamadali raw sila mama.

Mamaya nalang daw kapag nabyahe nalang.

Ngumiti ako kay mama at humalik sa pisngi niya, gano'n din kay papa.

Sunod naman ako lumapit kay mom and dad na mabilis akong niyakap.

"Baby ko! Namiss kita! Buti nalang sumama kayo ng asawa mo, minsan lang kami ng daddy mo here." Ngumiti ako kay mommy. "Miss you too, mom."

"Good morning, mama and papa." Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni maverick, ngumiti siya sa akin at lumapit sa tabi ko. Agad ko naman naramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko.

Hindi ko maiwasan hindi kiligin. Gwapo ba naman ng asawa ko, sino hindi kikiligin.

"Good morning, maverick. So gwapo talaga!" Puri ni mom sa kan'ya, habang tinunguan naman siya ni dad.

"Mama, and papa. Pwede ko na ba kunin ang asawa ko? Baka kasi nangangalay na siya, ayoko pa naman siyang mapagod." Paalam niya, agad naman siyang tinunguan ni mom and dad, kaya tumalikod na kami sa kanila at naglakad na papunta sa van habang nanatili ang braso niya sa bewang ko.

"You look beautiful, every day, wifey." Bulong niya sa akin bago ako inilalayan umupo sa loob ng van, umiwas naman ako nang tingin kasi baka mamula ako, hindi na ako cool kapag gano'n.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon