Chapter 12

405 8 0
                                    

"Hoy!" Nilingon ko agad si kia, bwisit na babae 'to nag-iisip tapos sisigawan ako, gaga talaga.

Paano ako hindi mag-iisip? Nakakainis kasi si maverick buti nalang nasa shooting ang pakyu na lalaking iyon, inis ko sa kan'ya sagad sa buto.

"Ano?" Irita kong tanong, nakakainis talaga kasi! May usapan na kasi tapos hindi siya marunong sumunod sa usapan, taena.

Nakaka-gago. Kapag nakapag-usap na kasi, napag-usapan na. Pero si maverick kasi ang kulit kaya inis na inis ako.

"May regla kaba?" Tanong niya, umiling naman. Porket mainit ang ulo, regla agad. Kawawa naman iyong regla lagi nalang nadamay.

"'Wag mo sabihin buntis ka!" Sigaw niya, nabibingi talaga ako sa babaitang 'to. Inis akong kumuha ng unan sa sofa at binato sa kan'ya agad naman niyang sinalo iyon.

"Tanga." Inis kong sabi, tumawa naman siya nang malakas kaya mas nainis ako. Badtrip kana tapos may baliw kapa na kaibigan.

"Eh ano nga? Tanga ka rin eh, pinapunta mo ako rito sa bago niyong bahay, akala ko pa naman igagala mo ako rito, sobrang ganda teh! Tapos uupo lang pala tayo rito sa sofa para panoodin kita mag-isip at mainis, tae kaba?" Reklamo niya, inirapan ko naman siya saka umupo nang maayos.

Dalawang linggo na kami nakatira dito sa bagong bahay namin ni maverick, nung una okay na okay ako kasi nga nasunod iyong usapan namin kaso nakita ko iyong bank account ko kanina, hindi nabawasan kaya nagtaka ako kaya kinausap ko si maverick tapos nalaman ko siya ang nagbayad ng lahat.

Eh usapan nga hati kami! Sino hindi maiinis?! Mag-asawa kami eh dapat nagkakasundo na kami sa isang desisyon. Gago kasi.

"'Di ba nga ang mag-asawa dapat nagkakasundo." Panimula ko, agad naman siyang tumungo sa akin bilang pag-sang-ayon.

Gano'n naman kasi talaga dapat, kapag nag-asawa ka hindi pwedeng ikaw lang ang nagdedesisyon hindi rin pwedeng siya lang dapat ang isang bagay pinag-uusapan para mapagplanuhan at mapagka-sunduan.

"Oh tapos?"

Umayos ako nang upo lalo kasi pakiramdam ko masakit sa pwet umupo, kanina pa kasi ako nakaupo. "Ganto, nagplano kami nung nakaraan na buwan ni maverick na, bibili kami ng bahay, which is ito ang napili namin, nakapag-usap kami na half-half kami, 10 million-"

"Tangina, 10 million?" Gulat niyang sabi hinding-hindi makapaniwala na 10 million ang narinig niya, para kay maverick maliit lang iyon malaki na para sa akin iyon pero, aanuhin ko ang pera kung hindi magiging safe ang privacy namin.

"Oo, ang epal mo na-imik eh!" Reklamo ko, tumawa naman siya. "Sorry naman, teh 10 million? Tangina teh kung may ganan akong pera lalayas na ako ng pilipinas." Tumatawa pa rin niyang sabi, napailing nalang ako. Seryoso akong naglalabas ng sama nang loob tapos ganto ang babaitang 'to ang sarap ibalibag taena.

"Ganto nga kasi, 'wag ka iimik gaganutan kita." Nauubos na pasensya ko, badtrip talaga ako ngayon araw. "Half-half nga bali tig 10 million-"

"Tangina?! Tig 10 million kayo?! Ibig sabihin 20 million? Gago baka pagkatapos ko lumayas ng pilipinas hahanap akong baby boy magpapasaya sa akin!" Masama ko siyang tinignan pagkatapos niyang magsalita, gusto raw malaman kung bakit ako nakabusangot ngayon puro singkit naman siya kapag nagsasalita na ako.

Iyong totoo? Bakit ko pinili maging kaibigan ang babaitang 'to?

"Sorry na teh, okay continue." Utos niya, umirap ako. "Isa pang-epal mo sisipain na kita." Inis kong sabi. "Half-half nga, binigay ko sa kan'ya iyong cheke kung saan nakalagay ay 10 million, I-widraw nalang sa bangko, then akala ko okay na tapos habang nag-aayos ako sa kwarto kanina dahil nakakatayo na ako masyado dahil medyo magaling na ang paa ko, nagulat ako ng makita ko iyong cheke doon, then I-check my bank account hindi siya nabawasan." Pagkwekwento ko at huminga nang malalim, hindi ko kasi talaga maintindihan si maverick eh.

Parang gusto niya lang ay siya ang gagastos sa amin dalawa, gago ba siya? Mag-asawa kami hindi ko siya sugar daddy 'no!

"Tapos?"

"Ayon, tinanong ko siya sabi niya ayaw daw niya magalaw ang pera ko kaya nainis ako, anong gusto niya mangyari sa pera ko? Mabulok sa bangko? Kaya nga ako nagtayo ng maliit na business kahit papaano madagdagan pa ang ipon ko roon." Inis kong kwento at malim na bumuntong hininga.

"Nagtalo kami hanggang sa magkatulog kami kagabi hindi kami ayos, ayoko nang gano'n na... Matutulog na masama ang loob sa isa't isa at may problemang hindi na aayos, ayaw niya naman makipag-usap sa akin kaya ba't ko siya kakausapin." Inis na inis kong patuloy, kanina naghihintay ako kausapin niya ako pero bihis na bihis na agad siya at bumaba na kaya naligo agad ako at agad sumunod sa kan'ya pero nakita ko na sila ni ashley sumakay sa white niyang van.

Sabi ni manang may taping kaya maaga umalis. Tapos sa hapon photoshoot, baka nga raw madaling araw na uwi ni maverick, magpupuyat pa ako para magkausap kami, subukan niyang hindi ako kausapin mamaya baka magising siya naglayas na asawa niya.

"Ma-pride ka." Sabi ni kia.

"Alam ko." Sagot ko, kaya nga gusto ko si maverick unang makipag-usap eh, kasi alam ko sa sarili ko kung gaan katas ang pride ko, one time nga si dad at ako nagkatampuhan isang buwan niya ako hindi kinausap kaya pinabayaan ko na siya hanggang sa umabot ng tatlong buwan wala pa rin nakikipag-usap sa amin, hanggang si daddy na ang sumuko sa amin dalawa.

Kasi nga mataas ang pride ko.

"Lunukin mo rin minsan teh, alam mo kasi kung pananatiliin mo mataas pride mo baka iwan ka niya." Sabi niya, kaya umarko ang isa kong kilay.

Iiwan niya ako? Eh edi iwna niya! Nabuhay ako ng dalawang taon wala siya sa tabi ko, sus.

Tska hello, hindi ako iiwan ng lalaking iyon, sa amin dalawa siya ang unang nagmahal.

"Tandaan mo, may dugong pilipino si maverick, oo marunong 'yan magtagalog pero mas nabuhay iyan nang matagal sa ibang bansa teh, hindi iyan iyong tipo ng lalaking kapag nakipaghiwalay ay aabot ng taon bago mag-move on? No, teh. Baka magulat ka one or two weeks pa lang may bago na iyan, ikaw din." Hindi ko alam kung na nanakot ba si kia kaya niya sinabi iyon, o paalala.

Pero tama siya eh, sa ibang bansa si maverick mas nabuhay, mas sanay iyon sa buhay ng mga taga usa.

Baka iwan nga ako ng lalaking iyon, kapag nagbago? Taena talaga si kia trip lagi akong pinag-o-overthinking, bwisit.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon