Chapter 19

5.1K 52 0
                                    

I've decided to revise all the chapters, I mean to change everything but not all. The plot of the story will still be the same but I'll change some of the scenes just to make the story nicer.

THIS CHAPTER HAS BEEN REVISED.
--------------------------------------------------

"Walang hiya ka, Shin! Pinsan mo pala yung gwapo na iyon hindi mo man lang sinabi sa amin. Naki-share pa nga siya ng table sa atin sa cafeteria noon diba?"

"Oo nga. Ganon lang talaga kami, hindi namin pinapakilala ang isa't isa as cousins unless may occasion."

Today is monday and my friends are talking about Shin's cousin- si Unique. Right, I remember it now. Hindi nga lang pala sa amusement park at Palawan kami ng meet, kundi pati rito sa school's cafeteria.

"Hoy, sabi ng cousin mo sa akin sa Madrid siya nag-aaral. Niloloko niyo ba akong mag pinsan?" Hindi ko mapigilang itanong kay Shin. Kasi if my memory serves me right, iyon ang sabi niya last friday night.

Kumunot ang noo nito tila inalala ang lahat, "Ah oo, totoong nag transfer siya rito pero pinabalik siya sa Madrid ni Tito Matthew. I think he only stayed here for a month lang. Against talaga si Tito sa pag-aral at pag stay nya rito. Maybe he's just afraid na makakalimutan na siya ni U at mag decide na mag stay na lang sa side ng mom niya."

I learned from Shin that Unique was from a broken family. He was only five when his parents got separated. A year later, their divorce was finally approved and since them, him and his father flew to Spain and stayed there for good. Every summer or term break, nag babakasyon siya rito sa Philippines to be with his mom. Papa's boy daw si Unique sabi ni Shin kaya nasa poder siya ng kaniyang ama at hindi sa ina.

I suddenly felt bad for him. It must be hard for him to grew up without a mother's care and love. Maiisip ko pa nga lang na wala si mommy sa bahay, naiiyak na ako iyon pa kayang lumaki siya na wala ang ina?

U.S
Today 7:45 AM

Goodmorning, sunshine!

After the party, he constantly texting me. Ilang beses ko na rin siyang blinock pero madami siyang nakaprepare na sim.

Natanong ko siya noong isang beses na tumawag siya, "Ang dami mo ring sim card no? Tutal mukha namang madami ka pang stock at reserba diyan, isasama ko na sa listahan ko ng number mo na blinock ko ang number na ito so bye!"

Pero bago ko pa maibaba ang tawag at maiblock ang number, sumigaw na ito sa kabilang linya. "Wait! Shit! Last card ko na 'to!"

Gusto kong matawa pero pinigilan ko, "What? Mayaman ka naman, kaya mong bumili ng thousands of sim cards."

"But it's already midnight. Wala na akong mapag bibilhan. And I thought we're already friends? We had a great night last night, pero ito ka blino-block pa rin ako."

"When did I say that we're friends na ba? Assuming!"

"Whatt?" Exaggerated na turan nito. "You're good at holding grudges, no? Hindi mo pa rin ako napapatawad sa amusement park at sa Palawan? Those are unintentional."

Hanggang sa wala na akong nagawa kundi ang hindi siya iblock. Yung midnight call na iyon ay umabot ng hanggang alas cinco, wala naman kaming masyadong pinag-usapan. Kung anu-ano lang din ang pinag kwekwento niya at hanggang sa nag tetext-an na rin kami. Pero madalas ang call since tamad akong mag type ng reply.

My Teacher is my HUSBAND?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon