Chapter 21

5K 56 1
                                    

I've decided to revise all the chapters, I mean to change everything but not all. The plot of the story will still be the same but I'll change some of the scenes just to make the story nicer.

THIS CHAPTER HAS BEEN REVISED.
-------------------------------------------------------

Since hapon na kami nakarating dito sa Bataan, we decided to stay here sa Las Casas since we're too tired to explore Bataan. Ilang oras din kasi ang byahe namin mula Manila up to here. Sobrang traffic.

Since Las Casas is a huge hotel, nag-ikot ikot at nag picture. We also tried the boat, may man made river kasi sila dito at umiikot iyon sa buong place. Sinabi noong bangkero iyong names ng mga bahay doon and some of its history.

Nang matapos sa pamamangka, we proceeded to the hotel's dining. Six pm na rin kaya naisipan na rin naming mag early dinner at dahil sobrang inaantok na ako ay konti lang ang kinuha ko kahit buffet naman ang dinner. After we eat, bumalik na kami sa casa.

"Do you have itinerary for tomorrow?" I asked while applying lotion. Katatapos ko lang din kasing mag shower.

Napahinto siya sa lalakad papunta sa bathroom dahil sa naitanong ko, umiling ito bago pumasok sa loob. Pambihira, unexpected ba ang lahat? Tipong natripan niya lang pumunta ng Bataan? Porket long weekend ang lakas ng loob mag-aya ng out of town vacation although di niya ako inaya dahil sapilitan niya akong sinama. Shakes head.

I was scrolling through my phone when he came out of the bathroom. He walks towards me and sat on my side while drying his hair using a towel. "Oo nga pala, we have an out of town seminar on Wednesday." He said informing me.

I give him a quick glance before continuing browsing on my social networking sites. "Wednesday? After ng holiday?" I asked, 'cause if that's the case bakit kami nandito? Shouldn't he be preparing for the seminar?

"Oo."

I closed my phone's screen then looked at him. "Where? Tsaka, why are we still here if you have seminar pala? You should preparing your things for the seminar."

Tumayo siya at hinang ang towel, "Sa Davao, it's a one week seminar kaya nilulubos ko na ang long weekend para makasama ka. I won't be able to see you for a week at mamimiss kita kaya tayo nandito." He said at tumabi ulit sa akin sa kama. "And don't worry about it. I already prepared everything. I'll just drop you to your parents' house on Wednesday. Doon ka muna while I'm away. After dropping you, didiretso na ako sa airport."

"But, hindi ka ba mapapagod? It's a one and half to two hours na byahe and for sure hindi kayo agad magpapahinga non." Pilit ko pa. Kahit sa loob loob ko ay kinikilig na ako. But I have to restrain my self from feeling it kasi we had an agreement although he already admitted that he love me but he is Adrian Montemayor, a playboy, heartbreaker, womanizer, fuckboy at kung ano pang synonyms ng mga salita na iyan. He will eventually get tired of me, papalit-palit siya ng babae at ayokong mapasama sa mga listahan niya ng mga babae so I have to keep myself from falling. I have to.

In the end, siya pa rin ang nasunod. Nainis pa nga sa akin dahil parang ayoko siyang makasama. Nanumbat nanaman tulad ng, "Kapag yung lalaking iyon ang nag-aya, okay lang sa'yo kapag ako, ayaw mo! May relasyon na ba kayo?" blah blah blah. Facepalm.

Kinabukasan ay nag-ikot kami sa Bataan. We visited Mount Samat even the museum. Balak din sana niyang umakyat ng bundok pero wala kaming gamit pang-akyat. Thank God, cause I don't wanna. Hihintayin ko na lang siya sa hotel.

As of the moment ay kumakain kami sa isang restaurant dito sa Bataan, sikat daw kasi ito rito at masarap ang pagkain.

"Where do we go next?" Tanong ko habang kumakain.

He shrugs, "Where do you wanna go?"

Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya, wala talaga siyang plano for this trip. Bakit hindi na lang kami mag kulong sa Las Casas at mag sun bathing na lang don hanggang sa umuwi kami? Tss.

"Are you seriously asking me?" Pag tataray ko. "Umuwi na nga tayo, ano namang alam ko rito sa Bataan!"

Inilabas niya ang kaniyang phone. "I actually have plans, eh. May ginawa akong itinerary. Let's go visit churches after eating our lunch. Bukas na lang iyong iba kasi baka mapuntahan natin lahat ngayon." Casual lang na sabi nito.

And so, that's what happened. Madami kaming napuntahan na simbahan. Lahat ay luma, mga pinatayo noong panahon pa ng mga hapon and the structures are still intact, I mean matibay pa ito. Since I love old structures, I really appreciated the churches. Nagdasal din ako sa lahat ng simbahang pinuntahan namin. Sabi kasi nila, malaki raw ang chance na matupad ang wish mo kapag first time mo sa isang simbahan. But that's only a rumor.

After our last stop sa isang church ay bumalik na kami sa hotel. Doon na rin kami nag dinner. I was so damn tired from the tour, kahit nakaupo lang naman ako buong byahe.

Dumapa ako kaagad sa kama pagkapasok sa kwarto, Adrian on the other side went to the bathroom to take a shower. Samantalang ako antok na antok na.

Naalimpungatan ako noong maramdaman kong may gumigising sa akin. I groan, "Let me sleep."

"Mag shower ka muna. Pawis ka mula sa tour kanina."

I groaned once again and covered my face with a pillow. "Then atleast change your clothes."

Tinanggal ko ang unan sa aking mukha at tinignan siya ng masama. "Antok na ko..." sabi ko at ngumuso. Panira talaga ng tulog.

Hinalikan niya ang nakanguso kong labi. It's been a while now since the last time I kissed those lips. I respond to his kisses kasi we already done it for few times already. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nag eenjoy.

Humiwalay ito at napadaing naman ako. Natawa ito sa aking ekspresyon, sinadya yata bitinin ako. "Kailangan mo na ring mag toothbrush. I'll kiss you 'til you'll get enough of it when you already brushed your teeth."

Sa inis ko ay inihampas ko sa kaniya ang unan. Walang hiya, lagi na lang ba niya akong pag tritripan? Nang makapasok ako sa banyo ay inamoy ko ang sarili kong hininga, hindi naman mabaho amoy beef steak nga lang.

At ngayon, lahat ng antok ko ay nawala. Maraming salamat sa kaniya. Groan.

My Teacher is my HUSBAND?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon