Chapter 22

4.1K 28 2
                                    

I've decided to revise all the chapters, I mean to change everything but not all. The plot of the story will still be the same but I'll change some of the scenes just to make the story nicer.

THIS CHAPTER HAS BEEN REVISED.
-------------------------------------------------------

Friday na ngayon, dalawang araw na ring nasa Davao si Adrian at dalawang araw na rin akong kila mommy tumutuloy. I actually missed my life before, iyong tipong susunduin ako after school tapos didiretso sa bahay and when the clock hits 7 pm, Mom and Dad will get home then we'll eat together. Simple lang pero masaya kahit most of the times ay alone ako sa bahay cause Mom and Dad are both busy in our businesses.

Dalawang araw na rin pala simula noong biglaang umuwi si Unique sa Madrid, gusto pa nga niyang magkita kami before his flight pero wala na siyang oras kaya naman sa chat niya ako ginugulo. Minsan nga napapa-isip ako kung natutulog pa ba siya kasi sa umaga chinachat ako kahit sa tanghali at mas lalo na sa gabi. Tsk, ibang klase sa pang gugulo.

"Oh, my gosh! I love the feeling of having a week break in math!"

Sa Tuesday pa ang balik nila Adrian dito. All math teachers ang kasama sa seminar na iyon so even the lower years ay walang subject na math pero ang consequence nito ay may make up class starting Saturday next week. Groan. Pero saka ko na iisipin iyon, ang mahalaga ay no mathematics for a week! Hooray!

"Sharene, pwede ba tayong mag-usap?"

Napalingon ako sa nagsalita ar nakita kong si Ken iyon. Kumunot ang noo ko nang mapansing namumutla ito at parang nanghihina. "Hey, are you okay?" Tanong ko. Tumango naman ito at sinabing sundan ko siya.

Nandito na kami ngayon sa roof top ng high school building. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa. "Ang ganda ng araw ngayon, hindi ba?" Sabi niya. "Sayang hindi ko na siya makikita pa."

Natigilan ako sa sinabi niya, "What are you talking about? Wag ka ngang magsalita ng ganyan."

Tinignan niya ako nang may ngiti sa kaniyang labi. Gwapo naman talaga si Ken pero hindi mo naman kayang turuan ang puso mo hindi ba? Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya at gusto ko talaga silang magkatuluyan ni Shin. Tumatama sa kaniya ang sinag ng papalubog nang araw. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa effects ng sun rays sa kaniya.

"Ang ganda talaga, at masaya ako dahil ito ang huling view na makikita ko." Sabi niya pa.

Bakit ba siya nagsasalita ng ganyan? Is he going to die? May sakit ba siya? Nagpapapaalam ba siya o nantritrip lang talaga?

"Ano bang meron, Ken? Kinakabahan na ako."

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Masaya ako na nakilala kita, Sharene. Hindi rin ako nang hihinayang na minahal kita. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at ibabaon ko lahat ng masasayang memories natin hanggang kabilang buhay." Ngumiti ito pero isa itong malungkot na ngiti. "I have cancer and will you believe if today's my last day? Kahit ayaw akong papasukin nila mommy ay nagpupumilit pa rin ako, because I want to see you. You are my inspiration, my motivation and my strength."

Binigyan ko siya ng masamang tingin, "Niloloko mo ako, diba?" Pero ang mga luha ko ay tuloy tuloy na sa pag hulog. Umiling ito at muli akong nginitian.

Paano niya nagagawang ngumiti pa ng ganyan kung ngayon ang huling araw niya para mabuhay at bakit hindi ko ito alam? "Why didn't you tell me? Are you under a chemo? Paanong today is your last day!" Tanong ko kahit pa humahagulgol na ako sa iyak.

My Teacher is my HUSBAND?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon