PROLOGO

2.2K 65 49
                                    

PROLOGO
JERIC I. DELA TORRE


Patago kong sinulyapan ang babaeng kanina pa ako sinusundan ng tingin. Kasama siya ni Yara na bagong employee namin dito sa Coffee Shop na si Paul mismo ang may-ari.

Ngayon ang unang araw ng trabaho ni Yara at tinuruan ko siya ng mga gagawin. Ang kaibigan na kasama niya ay kanina ko pa napapansin na tinititigan ako kaya hindi ko maka-focus sa trabaho ko.

"Kape Machiatto." muling order nito. Pangatlong order na niya ngayon ng kape at ako ang kinakabahan para sa kanya dahil baka nagpapalpitate na siya.

Pinindot ko sa monitor ang prder niya at tinanggap ang kanyang bayad. Binaggit ko naman kay Yara ang order para siya mismo ang gumawa ng kape.

"Here's your change Ma'am." sambit ko at iniwasan ko na tumingin sa maganda niyang mukha.

"I'm Julia." pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Next." sambit ko para umalis na siya sa harap ko. Nakita ko ang pagsipa niya sa habgin na para bang nadismaya sa inasal ko.

Sa galawan niya at pormahan niya ay alam kong laman siya ng bar at club. Ramdam ko rin na trip niya lang akong landiin tulad ng ginagawa ng mga kaklase ko.

Ang isang babaeng tulad niya na mayaman ay ang isa sa dapat layuan at iwasan ko. Hindi ko naman nilalahat ang mga mayayaman pero ang ilan talaga sa kanila ay matapobre na akala mo kung sinong makapangyarihan.

Pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho ko hanggang sa sumapit ang closing nitong Coffee Shop. Sa akin ipinagkatiwala ni Paul itong shop niya kaya inaalagaan ko ito na parang akin din.

Nangangailangan ako noon ng pera at trabaho at tulad ng mga naririnig ko sa ibang estudyante sa campus ay lumapit lang daw ako kay Paul E. Mendiola na isang Engineering Student.

Noong una ay nahihiya at natatakot akong lumapit sa kanya pero nilakasan ko na lang din ang loob ko dahil sa matinding pangangailangan. Nang lapitan ko siya ay maayos niya akong kinausap at pinakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya hanggang sa isinama na niya ako sa brarkadahan nila.

Barkadahan na tinawag nilang ugok.

"Una na ako Jeric, salamat din." paalam ni Yara at tumango ako sabay ngiti sa kanya. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas ng shop. Isa din sa bilin sa akin ni Paul ay alagaan ko ang kaibigan niyang si Yara.

"Hello!" biglang sulpot ng babaeng nagpakilala sa akin kanina na si Julia.

"Magsasarado na po kami. Pwede ka ng lumabas." sabi ko at nanatili ang ngiti niya sa akin. Akala ko ay mahihirapan ako na palabasin siya dito sa shop pero lumabas na rin ito.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na siya pero wala pang tatlong minuto ay muli siya bumalik. Nakakunot ang noo ko na tiningnan siya at napahawa ako sa aking sentido nang tumulong siya sa akin sa paglilinis at pagaayos dito sa shop.

"Wala po ako sa inyong ipapasweldo." sambit ko sa kanya.

"Don't worry, a kiss will do." aniya na ikinagulat ko. Mas nanlaki pa ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi.

"See you tomorrow, Future Architect Jericho I. Dela Torre." sambit niya at patakbong lumabas nitong shop.

Naiwan akong nakatulala at napahawak na lamang sa aking labi. Ngunit sa kabila nun ay napapatanong ako kung paano niya ako nakilala at paano niya nalaman na isa akong Architect Student.

Napailing na lamang ako at muling nag-play sa utak ko kung paano niya ako hinalikan sa labi.

That woman stole my first kiss.






MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon