CHAPTER 12: FUTURE ARCHITECT JERIC

404 17 0
                                    

CHAPTER 12
FUTURE ARCHITECT JERIC


Tatlong araw kami sa Bulalakaw Beach at doon kami natulog sa pamamagitan nang pag-camping. Ang magkasama sana sa isang tent ay sina Lia at Yara pero hindi pumayag si Paul. Ang sabi niya ay kami na lang dalawa ni Lia ang magsama. Noong una ay di ako pumayag pero napilitan na lamang ako dahil aasarin na naman nila ako.

Magkausap lang kami ni Lia bago matulog at nasa pagitan din namin ang bag ko kaya imposibleng may mangyari sa amin. Ganun pa man ay sa dalawang araw na pagtulog ay naggigising kami pareho na magkayakap.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan sina Yara, Lia at Paul na pinipicturan ni Nikko. Ngayon ko lang nalaman na close pala talaga silang tatlo.

"Oh kayo naman ng baby mo." sambit ni Nikko sa akin at tinutulak ako papunta kay Lia.

Napakamot na lamang ako ulo nang si Lia na ang humila sa akin papalapit sa kanya. Humarap kami sa camera at kasabay 'nun ay ang pagyakap niya sa braso ko. Hindi lang iyon dahil ang sunod niyang ginawa ay tumingkayad ito at hinalikan ako sa pisngi.

"Sweet!" komento ni Luke at napatingin ako sa kanya. "This is sweet." palusot niya sabay taas ng baso na ang laman ay tubig.

"Matamis na pala ang tubig ngayon." sabi ni Yara.

Nagnakaw tingin naman ako kay Lia na nasa tabi ko dahil inilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng short. Nakita kong nakabukas ang camera nito at nakatapat sa mukha niya.

Ang ganda ni Lia.

Napailing ako sa sarili ko dahil heto na naman ako at nahuhumaling sa kanya.

"Jeric, picture tayo." aniya at inayos ang tapat ng camera sa aming dalawa. Nagbilang siya ng tatlo sabay click dito.

"Ah-hm pwede bang isend mo sa akin?" nahihiya kong taning kay Lia.

"Sure."

...

Ilang oras bago umuwi ay sinabihan ako ni Lia na sa kanya na sumabay, ipinialam na daw niya ako kay Nikko. Nang sabihin niya iyon sa akin ay nahiya ako pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumango.

Nagsimula kaming ayusin ang mga gamit at nilinis na rin namin ang ilang basura.

"Ako na Lia." sabi ko nang makitang bubuhatin niya ang ilang gamit na dala.

Inabot niya iyon sa akin at natigilan naman ako nang maramdaman na parang may nakatingin sa akin. Paglingon ko sa likuran ay nahuli kong nakatingin sa akin ang buong barkada pero agad na inalis ang tingin sa akin nang tiningnan ko sila.

"Grabe ang tamis nitong tubig sabi ni Luke." rinig kong sabi ni Yara. Nakita kong inirapan siya ni Luke at nagsitawanan ang lahat.

Dinala ko ang gamit ni Lia sa sasakyan niya at ganun din 'yung akin. Tulad ng sinabi niya kanina ay sa kanya na daw ako sumabay.

Nang malinis at maayos na ang cottage namin ay tsaka lang kami umalis. Nagpaalam ako sa buing barkada at sinabihan nila akong 'wag masyadong kiligin'.

Hindi ata matatapos ang pang-aasar nila sa akin.

Pagsakay sa sasakyan ay si Lia ang nasa driver's seat dahil hindi naman ako marunong mag-drive.

"Pasensya ka na, hindi ako marunong mag-drive. Kung marunong lang ako, ako na sana ang magda-drive." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Sira, okay lang yun. I-kiss mo na lang ako." aniya sabay biro sa huling sinabi. Namula ang mukha ko kayabumiwas ako ng tingin sa kanya.

Buong byahe ay patago kong pinagmasdan si Lia. Napapangiti na lang din ako sa tuwing nagkwekwento siya tungkol sa sarili niya.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon