CHAPTER 9
KIKO
Isang linggo na ang nakalipas mula nang makita ni Lia na hinalikan ako ni Sally. Mula din noong araw na iyon ay iniwasan ko muna si Sally at sa tingin ko ay alam naman niya kung bakit ko siya hindi pinapansin.Hindi ko rin nakita ni anino ni Lia sa campus o lahit sa Coffee Shop pero paratimg may nagpapabigay sa akin ng pagkain sa loob ng campus at kahit pagkatapos ng trabaho ko sa Coffee Shop.
Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na sa kinauupuan. Nagpaalam ako sa mga kausap kong kaklase at sinabing mauuna na ako.
Paglabas ko ng room ay nadatnan ko si Paul na nasa labas at mukhang hinihintay ako.
"Napadaan ka?" tanong ko sa kanya.
"Nag-text si Nikko, nasa court daw siya nanood ng volleyball."
Kinuha ko saglit ang cellphone at may text din sa akin si Nikko tulad ng sinabi ni Paul. Sabay kaming naglakad papuntang court pero habang nasa hallway at hindi na namin naiwasan na pagusapan si Nikko.
Ang sabi ni Paul ay palaging nanood si Nikko ng training ng volleyball girls, mukhang isang volleyball player at kinahuhumalingan ni Nikko.
"Iyon din ang pansin ko, minsan kaming nagkausap ni Nikko pero gindi ko siya maintindihan dahil puro volleyball ang binabanggit sa akin sa tuwing magkasama kami." kwento ko kay Paul at napangisi ito.
"In love si Totoy." sabi pa ni Paul at napailing na lang ako.
Nang malapit na kami sa court ay saktong pagdating naman ni Dylan. Agad itong pumagitna sa amin ni Paul at inakbayan kami.
"Mga pare." wika nito at ngumiti lang ako habang si Paul naman ay parang naiinis na tinitigan si Dylan.
Same vibes si Nikko at Dylan sa barkada pero mas maliga lang si Nikko kumpara dito.
"Kamusta Archi Boy? Anong plano natin sa buhay? Di ba ang mga archi maggaling magplano?" malonong sabi nito.
"Bakit kayong mga Aviation Student, marunong babkahing magpalipad ng kotse?" pilosopo kong sagot at tumawa ng malakas si Paul.
"Boom! Parang Neneng B ang kanyang katawan." pakanta na may halong asar ni Paul kay Dylan.
Nang makapasok sa loob ng court ay naabutan naming timeout ang mga players. Mila sa malayo ay nakita agad namin si Nikko na may hawak na hand towel at bottled water na binigay sa isang player.
Tiningnan ko ang babaeng kaharap ni Nikko. Nakasuot ito ng jersey na kulay violet na siyang representang kulay nitong Vera University.
"Di ba si Adi 'yung kausap ni Nikko?" halosnhindi makapaniwalang sabi ni Dylan. Sabay kaming napatingin ni Paul sa kanya.
"Oh?!" sabi ni Paul.
"Famous 'yan si Adi. Bukod sa matalino at volleyball captain ay model din 'yan."
Muli kong tiningnan iyong kausap ni Nikko na nagngangalang Adi. Tsaka ko lang napansin na number 1 ang numero ng nasa jersey nito.
Napakunot naman ang noo ko nang may maramdamang nakatingin sa akin. Inilibot ko ang paningin at doon sumalubong ang malungkot na mga mata ni Lia.
Sandali kaming nagkatitigan pero agad din itong umiwas ng tingin. Nakasuot si Lia ng jersey at naka short din. Pawisannito at mukhang kasama siya sa naglaro kanina.
Nanatili ang tingin ko kay Lia at nakasunod lang ang mga mata ko. Parang nagirapan naman akong huminga nang lapitan siya ni Kiko na kaklase niya.
Pinanood ko si Kiko sa kung paano niya inabot ang nottled water kay Lia at kung paano naman niya ito tinanggap. Kumuyom ang aking kamay dahil sa nakita. Hindi pa doon nagtapos nang makita kong hinayaan ni Lia na punasan niya ni Kiko ng pawis.
"Pre! Okay ka lang?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Dyaln at winawagayway ang kamay sa harap ko. "Sinong tinitingnan mo?" usisa pa niya.
Umiling ako at mapait na ngumiti.
Ngayon ko aaminin na nagseselos ako. Nagseselos ako kay Kiko. Ako dapat iyon eh.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa pwesto ni Nikko. Malayo pa naman kami pero naririnig na namin ang mga pambobola nito doon kay Adi.
"Crush na kita since birth." rinig naming sabi ni Nikko at sabay sabay kaming napailing nila Dylan at Paul.
"Congrats!" pabalang na sagot ni Adi kay Nikko pero hindi doon nawala ang ngiti ni Nikko.
Nang makita kami ni Nikko ay nagpaalam ito kay Adi at agad kaming nilapitang tatlo. "Kaya pala missing in action ka kasi may chicks ka." sabi ni Paul.
"Tss. Nagtatampo ba ang mga honeybunch ko?" tanong nito sa aming tatlo at pinisl pa isa isa ang mga pisngi namin.
"Sira!" sabay na sabi ni Dyaln at Paul habang ako ay nagkibit balikat lang.
Nagusap lang kami ng konti sa loob ng court pero umalis na rin at pumuntang Coffee Shop ni Paul dahil may paguusapan daw kami at nang tanungin ko ay tungkol daw ito sa birthday ni Nikko.
Hindi muna ako pinatrabaho ni Paul dahil kasama daw ako sa usapan ng barkada. Ilang beses din niyang binagggit sa akin na parte ako ng pagkakaibigan nila kaya hindi dapat ako mahiya at dumistansya.
Mga pasado ala-syete ng gabi ay nakumpleto ang buong barkada. Halos marami kami at magkakakilala na talaga sila. Pinakilala naman ako ni Paul sa mga hindi pa sa akin nakakakilala.
Hindi ko tuloy maiwasan mapaisip kung paano nila napanatili nila yung pagkakaibigan hanggang ngayon sa kabila ng mga magkakaiba sila ng University na pinapasukan at maging course na kinuha.
Nasa kalagitnaan ng paguusap at tawanan ay nakuha ang atensyon naming lahat ng bagong dating na sina Yara at Lia.
Tiningnan ni Lia ang lahat pwera lamang sa akin na halatang sinadya niya. Agad naman na tumayo si Paul at ibinigay ang upuan kay Yara.
Hinawakan ako ni Paul sa balikat at sinenyasan na paupuin ko si Lia. Nagdalawang isip pa ako noong una pero tumayo na lamang ako at binigay sa kanya ang upuan.
Nagpatuloy ang usapan tungkol sa nalalapit na birthday ni Nikko. Nagkanya kanyang suggest kung saan magcecelebrate hanggang sa napagdesisyunan ng lahat na sa Camarines Norte daw dahil maraming mga island doon.
Nang matapos ang usapan ay isa isa nang nagpaalam ang lahat hanggang sa kokonti na lang kaming natitira dito sa Coffee Shop.
Napatingin naman ako kay Lia dahil kaming dalawa lang ang walang kausap. Abala pa kasi ang iba sa pakikipagwentuhan.
Bakante ang upuan sa tabi ni Lia at naisipan kong umupo doon. Lumingon sa akin si Lia pero agad ding itinuon ang atensyon sa cellphone.
"I'm sorry Lia." diretsahan kong sabi.
"Hindi mo kailangan mag-sorry. Wala ka namang ginawang mali." sagot niya sa akin ng hindi man lang ako tiningnan.
"Kaibigan ko lang si Sally."
"Oh ano ngayon? Congrats!" pilosopo niyang sagot sa akin.
"Where's my future Lia na maliga at makulit?"
Imbes na sagutin ako ni Lia ay tumayo ito at blangko akong tiningnan. Napakamot na lamang ako sa ulo nang umalis ito at nagpaalam na kila Nikko at Paul na uuwi na.
Nakasunod ang tingin ko kay Lia ng lumabas ng coffee shop at matapos 'nun ay inilabas ko ang cellphone.
TO FUTURE NURSE LIA:
I'm sorry. Ingat la sa paguwi.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
Wala sa plano kong i-drop ang pangalan ng University nila pero binaggit ko na rin dito sa chapter na ito HAHAHA.
VERA UNIVERSITY!
BINABASA MO ANG
ARCHI.
General FictionLIA & JERIC The picture was not mine, so credit to the owner.