CHAPTER 5
THANK YOU
Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lutong dala ni Nikko. Dapat ay ipapatikim nilang mga students ang niluto sa mga Professor dito sa University pero hindi ginawa ni Nikko."Paktay ka mamaya sa Prof. mo Nikko." pangaasar ni Paul sa kanya.
"Mahal na mahal niyo talaga ako koh?!" may tampong sabi ni Nikko.
"Hindi ko sa kanila pinatikim kasi gusto ko sa inyo ipapatikim. Ganun ko kayo kamahal mga honeybunches." paliwanag niya at akmang yayakapin niya kami isa-isa ay nagsilayuan sina Miguel, Dylan at Paul bukod lamang sa akin.
Niyakap ako ni Nikko sa braso at hinyaan ko lang siya doon. Nasanay na ako sa kanya na clingy talaga siya pagdating sa barkada. "Buti pa si Jeric." aniya. "Kaya mahal na mahal ko ito ay!"
"I love you honeybunch." sabi ni Nikko sa akin at sa loob loob ko ay natatawa lang ako tulad ng mga kaibigan naamin walang ibang ginawa kundi ang mag-enjoy sa panonood sa amin.
"I love you too." pagsakay ko kay Nikko at nagsigawan ang tatlong sina Dylan, Miguel at Paul.
"KISS! KISS!" sigaw nila. Natigil na lamang sila nang sawayinami ng isang Professor.
Nagpatuloy kami sa pagkakain at kwentuhan. Tulad ng nakasanayan ay hindi nawala sa usapnman ang tungkol sa mga babae. Pasimuno lagi doon si Paul.
"May magandang freshman na Engineering Student." pagkwekwento ni Miguel.
"Weh?! Anong pangalan?" mabilis at alertong sabi ni Paul.
Kinuha ni Miguel ang cellphone at may ipinakita sa amin na larawan ng isang babae. Totoo ang sabi niya, na maganda nga ito.
"Camille ang pangalan." sabi ni Miguel at tumango tango kami.
Napatingin naman akonkay Paul na nakatitig pa rin dun sa larawan nung babae. "Ang liit ng boobs." aniya at napailing kami doon. "Mas maganda pa din dyan ang Yara ko." pagmamalaki niya sa kaibigan.
Nang matapos kumain ay kanya kanya kami sa sarili naming mundo. Sina Dylan, Miguel at Nikko sy nagcecellphone habang kami naman ni Paul ay nagsosolve.
"Marunong ba kayo nung kaldag?" tanong ni Nikko at may ipanakitang sayaw sa amin na ang gumagalaw ay ang beywang.
"Kantot lang ang alam ko." diretshang sabi ni Paul. Itinaas nito ang kanang kilay at tiningnan si Nikko. "Mapaturo ka?"
"Wag po. Bata pa po ako.🥺" nagmamakaawang sabi ni Nikko at tumawa kami dahil sa acting niya. Para siyang ewan!
Natigil kami sa mga kalokohan nang may ipakita si Paul sa kanyang cellphone. Natahimik ang lahat at pinanood namin ang babaeng nagsasayaw sa tiktok. Napangiti naman ako dahil hindi ko alam na marunong din pala siyang sumayaw.
Ang galing naman ni Future Nurse Lia.
Nang matapos ang video ay tiningnan ko kung anong username ni Lia sa tiktok at tinandaan ko iyon. Marunong na siyang kumanta, marunong pa siyang kumanta.
Sumapit ang ala-una ay nagpaalam na ako sa kanila dahil may pasok pa ako. Nang makarating sa room ay wala pa ang Prof namin kaya kinuha ko an cellphone ko at nagdownload ng tiktok. Pagka-download nito ay una kong sinearch ang username ni Lia at sinimlan kong panoorin ang mga content niya.
Kung ano-ano ang content ni Lia sa tiktok. May mga nagsasayaw at nakakanta siya. Meron din naman video na kasama niya si Paul at Yara na mga matatalik niyang kaibigan. Ang ibang video naman ay kasama niya ang mga magulang niya at ang ilan ay mga video shot ng mga pagkain.
Finollow ko si Lia at nagreact din ako sa lahat ng video niya na napanood ko. Hindi na rin ako nakapagpigil dahil nagcomment na din ako.
...
Buong maghapon ay nakadama ako ng pagod dahil sa daming gawain. Balak ko rin na 'wag munang pumasok sa mga trabaho ko dahil hindi kaya ng katawan ko.
"Jeric!" tawag sa akin ni Lia at patakbong lumapit sa akin. Mataman akong ngumiti ang maabutan niya ako at sumabay siya sa paglalakad.
Tahimik lang ako habang naglalakad at si Lia naman ay nakikiramdam sa akin. Naggulat naman ako bigla niyang ilagay ang kamay sa aking leeg at sunod sa aking noo. "Ang init mo Jeric." nagaalala niyang sabi.
"Pumunta tayong clinic." sabi niya pa pero umiling ako. "Uuwi na lang ako. Kulang lang ako sa tulog." pagdadahilan ko pero umiling siya at hinawakan ako kamay.
Mabilis kaming nalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa sasakyan at tinulungan na makapasok sa passenger seat.
"Hindi ka kulang sa tulog, may sakit ka." saway niya sa akin at mahina akong tumawa. Tiningnan niya ako ng masama at inirapan. "Walang nakakatawa sa sakit." inis niyang sabi sa akin.
"Pwede ka ng mag-nurse." pabiro kong sabi at muli niya akong inirapan.
Minsan napapaisip ako kung hindi ba sumasakit ang mata niya sa kakairap.
Pinaandar ni Lia ang sasakyan at tinanong ang bahay ko peo sabi ko ay naka-apartment lang ako. Tinanong niya ako ng address ng apartment ko at sinabi ko naman. Ang mga sumunod na nangyari ay halos hindi ko na maalala dahil nanghihina ako at pinagpapawisan masyado.
"Sabi ko sa iyo na wag mong pagurin ang sarili mo."
"Sorry na po." sabi ko sa kanya.
Nang makarating sa apartment ay tinanong niya kung anong number at saang palapag ang room ko at sinabi ko naman. Nang makarating kami sa pintuan ng room ko ay siya na mismo ang nagkuha ng susi sa bag ko. Idineretso niya ako sa kama at inihiga ng maayos.
Inalis niya ang sapatos ko at agad akong kinumutan dahil nilalamig na ako ng sobra sobra. Hinawakan niya ulit ako sa noo at leeg. Akmang aalis siya ay hinawakan ko siya sa braso at pinigilan.
"Can you be my nurse today?" tanong ko at tiningnan niya ako sa mga mata.
"Hindi kita iiwan, aalagaan kita." aniya.
"Matulog ka muna at magluluto ako ng makakain mo para makainom ka ng gamot."
Marahan niyang hinawi ang buhok ko at tinapik pa iyon. Iniwan ako ni Lia na dito sa kama at unti unting bumigat ang takulap nh aking mata nang dahil na tin sa pagod at sakit.
Thank you Future Nurse Lia.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
BINABASA MO ANG
ARCHI.
General FictionLIA & JERIC The picture was not mine, so credit to the owner.