CHAPTER 13
CALL
Kasalukuyan akong nakikinig sa Professor ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ito at tadtad ng text at tawag ni Nikko. Dahan dahan akong lumabas ng room at tsaka sinagot ang tawag."Hello." sagot ko dito.
"Honeybunch puntahan niyo ako ni Paul dito sa presinto. Isama mo na rin si Luke." aniya na ipinagtaka ko.
"Anong ginagawa mo sa presinto?" tanong ko.
"Ah eh, wala trip ko. Basta puntahan niyo ako tsaka na ako magpapaliwanag." sagot niya.
"Papunta na po 'yung Attorney ko." rinig kong sabi ni Nikko sa kabilang linya. "Tinawagan ko po siya." sabi pa nito bago tuluyang patayin ang tawag.
Bumalik ako sa room at kinuha ang gamit. Nakita ko naman ang pagsunod ng tingin sa akin ni Sally at tila kwinekwestyon ako kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang umamin ako kay Lia. Mas naging magka-close kami. Walang iwasan o ilangan na nangyari. Masaya ako na kahit papaano ay hindi niya ako iniwasan matapos kong umamin.
Simula nang umamin ako sa kanya ay hindi na rin kami nagkausap ni Sally o nagkasama.
Magkaibigan kami ni Lia at kuntento ako doon. Hindi naman ako naghahangad ng sobra doon lalo na't kung alam kong wala at imposible niya akong maggustuhan.
Palagi siyang nasa cafe ni Paul. Tulad nang naksanayan niya ay inoorder nito ang paborito niyang kape. Kadalasan din ay nakikihalubilo siya sa ibang staff at barista. At may pagkakataon na tinutulungan niya ang kaibigan niyang si Yara.
Gabi-gabi ay sabay kaming umuwi. Nagcocommute lang ako noon pero ngayon ay hinahatid ako ni Lia pauwing apartment. Nakakahiya man sa kanya pero sabi niya sa akin ay hindi ko kailangan mahiya dahil magkaibigan kaming dalawa.
Hindi rin niya nakakalimutan na paalalahanan ako na kumain sa tamang oras, na magpahinga at 'wag masyadong pagurin ang sarili sa trabaho. Minsan hindi ko maiwasana ng kiligin sa kanya.
Sa pagiging maalaga at maaalalahanin niya ay hindi maitatanggi na nababagay siyang maging Nurse.
Habang naglalakad papunang Engineering Building ay nagtext ay kay Luke, iyong polsci ang course. Nagtext na rin ako kay Paul na papunta ako sa kanya at sinabi ang sitwasyon ni Nikko.
Naglakad kami ni Paul palabas ng campus dahil nagda-drive na si Luke para daanan kami. Sa ibang University kasi ito nag-aaral.
Huminto ang isang kulay pulang sasakyan sa harap namin ni Paul at agad kaming sumakay dito.
"I leave my classes for Nikko. Just make sure that he will no waste our time." sabi ni Luke na siyang nagdadrive.
Nagmamadali kaming pumunta sa presinto na tinext ni Nikko sa amin. Nang makarating sa police station ay agad namin siyang hinanap at natagpuan namin siyang kinakausap ang isang police.
"Andyan na po pala 'yung Attorney ko." sambit ni Nikko at nanlaki ang mata naming tatlo sabay baling kay Luke.
"Attorney Luke." pagtawag ni Nikko.
Patakbong siyang lumapit sa amin at nagaalangan na sabihin kung bakit nandito siya sa prisinto.
"What happened?" seryosong tanong sa kanya ni Luke at napakamot ito sa ulo.
Hindi pa sana si Nikko magkwekwento pero tinakoy siya ni Luke na iiwanan namin siya kapag 'di sinabi ang tunay na nangyari.
Matapos niyang magkwento ay sabay kaming napailing ni Luke samantalang si Paul ay tumatawa lang at parang proud pa sa nangyari. Parehas sila ni Nikko na nagtatawa ngayon at hindi sineseryos ang nangyari sa kanya.
"Great experience pre." sabi pa ni Paul.
Ang kwento ni Nikko ay sumaya siya ng jeep kanina. Nagtaka kaming tatlo dahil may sasakyan naman siya, bakit kailangan pa niyang mag-commute. Ang sagot niya sa amin ay sinusundan niya si Adi, iyong model na volleyball player.
"Sabi nung holdaper, holdap ito. Syempre walaa kong pera kaya sabi ko sa kanya, sama ako sa iyo, wala din akong pera."
"Akala ko prank lang pero ang ending napagkamalan akong kasabwat nung holdaper. Yung tunay na holdaper nakatakas pero ako... nagbibiro lang naman talaga ako noong sinabi ko na sasama ako sa kanya."
"Honeybunch, tulungan mo ako. Patay ako nito kay Mom." pagmamakaawa nito kay Luke.
"Mommy's boy." asar ni Paul dito at ngumuso ito.
"Uwu." sambit ni pa ni Nikko. Umiiling si Luke habang nakahawak sa kanyang sentido.
Sabay sabay kaming naglakad papalapit sa pulis na siyang nagaasikaso kay Nikko. Binanggit niya sa amin ang nangyari at mga posibleng mangyari.
Kinabahan kaming tatlo nila Nikko at Paul nang sinabihan kami ng pulis na posibleng makulong siya ngayon pero nagsalita si Luke at ipinagtanggol niya ito.
Isang oras ang inabot namin sa prisinto hanggang sa nakabayad kami ng tuluyan ng danyos sa ginawang kalokohan ni Nikko.
Habang nasa loob kami ng sasakyan ay nagmamakaawa si Jeric na 'wag sabihin sa iba ang nangyari. Kami ni Paul ay tumango lang samantalang si Luke ay asar na asar sa kalokohan niyang ginawa.
Nanatili lang kaming tahimik at kung minsan ay niloloko ni Nikko si Luke na dumudugo na ang ilong niya sa kaka-english nito.
"Mangangaral na lang ito, english pa." sabi ni Nikko.
"Tss." masungit nitong tugon.
Inihatid kami ni Luke sa campus at matapos 'nun ay umalis na rin siya.
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras. Tapos na ang kalse namin kanina at wala na akong sunod na klase mamayang hapon.
Pinindot ko ang messages at hinanap doon ang pangalan ni Lia. Napahawak ako sa kilay at nagdadalawang isip kung aayain ko ba siya sa pagkain.
Sandali akong natigilan nang maramdaman kong nakatingin sa akin si Paul. Ibinaba ko ang cellphone at hinintay ang sasabihin niya.
"Nabanggit sa akin ni Lia 'yung tungkol sa iyo. Hindi ako tutol sa nararamdaman mo. Kaibigan ko kayo parehas ni Lia pero maramdamin ang babaeng iyon kaya may isa lang akong pakiusap, 'wag mong saktan si Lia."
"'Wag na 'wag mong saktan si Lia." aniya at mahina akong sinuntok sa balikat.
Tumango ako sabay ngiti. "Pangako pre, hindi ko sasaktan si Lia." sigurado kong sabi.
"Kay Jeric suportado pero noong nagkagusto ako kay Yara hindi mo ako noon pinayagan na ligawan siya. Ang unfair mo sa akin." panghihimutok ni Nikko na parang bata.
"Siguro may gusto ka talaga kay Yara." pangaasar nito kay Paul.
"Sira ulo. Hindi ko 'yun gusto hanggang kaibigan lang talaga."
Tinawag ko si Paul at nagpasalamat ako sa kanya. Malapit at magkaibigan sila ni Lia at tulad ng sinabi ko ay hindi ko sasaktan ang kaibigan niya.
Mananatili akong tapat sa pangako.
Si Lia ang babaeng iniingatan at minamahal.
Nagisip ako ng itetext ko kay Lia. Naka ilang delete ako ng mga tinaype ko hanggang sa tuluyan kong sinend ang isang message sa kanya.
TO FUTURE NURSE LIA:
Sabay tayong mag-magmeryenda. Okay lang ba?☺️Ilang segundo pa ay nagreply kaagad siya pero taliwas ito sa inaasahan kong reply niya.
FROM FUTURE NURSE LIA:
Naaalala mo pa ba ako?
Kumunot ang noo ko sa nabasa at hindi alam kung anong ibig niyang sabihin. Magta-type na sana ako nang isasagot ko sa kanya nang may text siyang muli sa akin. Napailing na lang ako at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig.
FROM FUTURE NURSE LIA:
Ako ito, si Natoy.
Yung mahal na mahal ka.
MISTERCAPTAIN
ProfessorMaraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update. Simula po kagabi ang update at everyday na akong maga-update.
9:00-12:00 PM everyday update
BINABASA MO ANG
ARCHI.
General FictionLIA & JERIC The picture was not mine, so credit to the owner.