CHAPTER 2: POSSESSIVE

1.1K 36 76
                                    

CHAPTER 2
POSSESSIVE

Kakatapos ko lang magtrabaho sa isang building bilang janitor. Sa tuwing natatapos ang trabaho ko ay diretso ako kaagad sa ibang trabaho ko.

Janitor ako sa isang restaurant at dalawang ng trabaho ko doon. Sunod na trabaho ko naman ay sa Coffee Shop ni Paul at doon ay hanggang 9PM ang trabaho ko dahil ganung oras din nasarado. At hindi doon nagtatapos ang trabaho ko dahil isa din akong cashier sa 7/eleven.

Kailangan kong magtrabaho dahil hindi naman ako pinanganak na mayaman. Matanda na rin si Nanay para magtrabaho at siya pa ang magbigay ng pantustos sa akin kaya ako na ang nagsumikap.

Naroon siya sa Bicol at may nagbabantay sa kanya ang Tita ko. Buwan buwan ako nagpapadala sa bahay ng pera para sa mga pangangailangan ni Nanay.

Madalas din ang pagtawag sa akin ni Nanay dahil palagi niya akong nami-miss. Gusto ko man umuwi ay hindi pwede dahil nag-aaral ako at nagtatrabaho.

"Jeric!" bungad na tawag sa akin ni Lia. Mabilis ko siyang nilingon at pumunta na rin sa staff room para magpalit ng uniform.

"Hi Jeric!" sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil naggulat ako kay Lia. Paano ba naman kasi ay hanggang dito pala sa labas ng staff room ay sinundan niya ako.

"Bakit mo ba ako tinatawag? Hindi ako bingi. Bakit ka rin sunod ng sunod sa akin? Nanay mo ba ako?" medyo inis kong sabi sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa gawaan ng kape at alam kong  sinundan ako ni Lia pero hindi siya nakapasok dahil may mga customer na at kailangan ko rin na gumawa na ng kape.

"Gusto kita Jeric." lakas loob niyang sabi at ngumisi ako.

Ang tanong, gusto bilang ano?

"Gusto kita..." sabi ko sa kanya at nanlaki ang mata niya. Kumislap at nagningning pa ito na para bang nagustuhan niya ang narinig mula sa akin.

"Gusto kitang paalisin dahil naaabala mo yung trabaho ko." sabi ko at bagsak ang balikat niya matapos marinig ang sinabi ko.

Inirapan ako ni Lia at naglakad papuntang Order Lane. Nang si Lia na ang magoorder ay nakinig ako. Tulad ng nakasanayan niya ay inorder niya ang Latte Macchiato at Matcha Monster.

Hindi pa naman binibigay ang list ng order ni Lia ay ginawa ko na iyon dahil sa tanda ko ang order niya. Sa hindi inaasahan ay namalayan ko na lang ang sarili na nilagyan ko ng pusong disenyo ang ibaba ng kape.

Napailing na lamang ako dahil sa ginawa.

Mula sa pagkuha ng kape na order ni Lia ay sinundan ko ito ng tingin hanggang sa maibigay sa kanya.

"Matunaw ang kaibigan ko." biglang sabi ni Yara at nahihiya akong ibinaling sa iba ang tingin.

"Narinig mo na ata ang tungkol sa amin ni Lia?! Hindi kami nakikipagrelasyon sa iba, hanggang fling lang." aniya na para bang pinagbabantaan ako na wag na wag magkakagusto sa kaibigan niya.

Nagkibit balikat ako at pinagpatuloy ang trabaho. Ang sinabi sa akin ni Yara ay binalewala ko dahil imposible naman akong magkagusto kay Lia.

"Jeric!" tawag sa akin ni Shaina at inabot sa akin ang isang iced coffee. "Paki-deliver naman nito doon sa table na malapit sa bintana" aniya at itinuro yung table na sinasabi niya.

"CR lang ako." sabi niya pa at tumango lang ako.

Agad nagsalubong ang kilay ko nang mapagtantoong ang table na pagdedeliveran ko ng iced coffee ay sa table ni Lia. Pero ang iced cofffee na hawak ko ay hindi niya order kundi order nung lalaking kausap niya.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon