CHAPTER 1: NOT GUILTY

1.4K 59 36
                                    

CHAPTER 1
NOT GUILTY

   
"CHICKS!" sambit ni Nikko at Dylan habang nakatingin sa isang larawan ng isang babae na nakasuot ng maiksing dress at halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang hapit ng tela sa katawan nito.

Napailing ako sa kanila dahil si Yara ang babaeng tinitingnan nila. Iyon kung kaibigan ni Paul na bagong pasok lang sa Coffee Shop.

Natigilan naman sina Nikko at Dylan nang may humablot sa cellphone na hawak hawak nila. Sabay sabay kaming napalingon kay Paul at ipinakita niya kay Nikko at Dylan ang pagdelete sa picture ni Yara.

"Wag si Yara!" sambit ni Paul at nagsimula nang kumain ng pagkain na dala dala ni Nikko para sa amin.

Hindi naman sa pagiging tsismoso pero ang alam ko ay halos ng nasa barkadahan ay may gusto kay Yara. Totoong maganda iyon pero hindi siya ang mga tipo ko.

"Honeybunch." tawag sa akin ni Nikko at humarap naman ako sa kanya. "Subuan mo ako." aniya at ginawa ko naman. Napailing na lamang si Paul matapos kong pakainin si Nikko.

Sa barkadahan namin ay pinauna sa listahan nang maloko ay si Nikko.

"Selos ka noh?!" pangaasar ni Nikko kay Paul at tumawa ng malakas si Dylan.

Ako ang pinakatahimik sa amin lahat. Literal na mahiyain ako at hindi rin kasi ako yung tipo na pala salita tulad ni Nikko na halos buong araw ay puro daldal at tsismis ang balita sa amin. Talo pa niya minsan ang babae sa pagiging madaldal at tsismoso.

Wala kaming pasok na apat sa ngayon kaya napagpasyahan namin na pumuntang court para manood ng girls volleyball.

"Wala ka bang gustong babae, Jeric?" tanong ni Paul sa akin at umiling ako.

"May ipapakilala ako sa iyo mamaya." bulong niya sa akin at nakatanggap siya ng sapuyong kay Dylan. "Wag mong idamay sa pagiging babaero si Jeric." puna nito at ngumisi lang ito.

Nagsimula ang laro ng girls volleyball at nakuha ng atensyon ko ang pamilyar na mukha. Inalala ko pa kung sino siya pero agad akong natigilan nang mapagtantong iyon yung babaeng makulit na si Lia.

Nagsimula ang laro at hindi ko maiwasan ang panoorin ang bawat kilos at laro niya. Mukhang nagkakasala na rin ako dahil napapatingin ako sa maputi at mahaba niyang legs.

Unti-unting dumami ang nanonood kaya mas tumaas ang tensyon sa laro. Tahimik lang ako nanood habang sina Paul, Dylan at Nikko ay sumisigaw pa. Hindi ko alam kung sino ang sinusuportahan nila lagi silang nagchecheer kahit sino ang makapuntos. Maya maya pa ay nahuli kong may kinikindatan si Paul na isang volleyball player at napangisi na lamang ako.

Nang matapos ang laro ay bumaba kami at nakipagsiksikan sa mga tao na hindi ako sanay. Lumapit sina Paul sa isang volleyball team at sumunod lang ako sa kanila.

Sandali pa ay tinawag ako ni Paul at inabot sa akin ang isang water bottle na ipinagtaka ko. "Ibigay mo sa kanya." utos niiya sa akin sabay turo sa isang babae na hindi ko gugustuhin na lapitan dahil ang babaeng itinuro niya ay si Lia.

Inabutan pa ako ni Paul ng hand towel at sinabing ibigay ko rin daw yun. Napakamot ako sa ulo at halos manigas sa kinatatayuan nang makalapit sa amin si Lia.

Tumingin sa akin si Lia pero nanatili ang tingin ko sa sahig. Ibinigay ko sa kanya ang water bottle at hand towel nang hindi man lang siya tinitingnan.

"Thank you Jeric." sambit ni Lia na mas lalong ikinayuko ko dahil sa hiya.

Inakbayan ako ni Paul at pinalapit kay Lia. "Magkakilala na kayo?" usisa niya.

"Oo, sinamahan ko noong nakaraan si Yara sa Coffee Shop mo at nakilala ko ito si Jeric." paliwanag ni Lia.

Mas inilapit ako ni Dylan kay Lia at sandali pa ay may camera na nakatutok sa amin na si Nikko mismo ang may hawak.

"Ang cute niyong dalawa." sabi ni Nikko kasabay nang pag-click ng camera.

Nagsimulang uminit ang pisngi ko at ramdam ko ang pamumula ng aking tainga nang dumikit ang balikat namin ni Lia. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako may naramdaman na kakaiba.

"Iwan na namin kayo." sabi ni Paul at makahukugan na tumingin sa akin ang tatlo. Kinindatan pa ako ni Nikko bago nila ako tuluyang iniwan kasama si Lia. "Jeric alis na kami." paalam nila at tumango tango na lang ako.

"Salamat sa water bottle at hand towel." sabi niya sa akin.

"Kay Paul ka magpasalamat, inutos lang niya sa akin na ibigay ko sa iyo 'yan." masungit kong sabi at nakita kong inirapan niya ako.

May lumapit na ilang mga freshman students sa kanya at nagpapicture. Kumunot naman ang noo ko nang may mga lalaking nagpapapicture sa kanya na lalaki.

"Alis na ako." paalam ko at agad niyang hinawakan ang aking kamay.

"Wait lang! Hintayin mo na ako Jeric." binawi ko sa kanya ang kamay at umiling.

"Wag kang umasta na close tayo." sabi ko at natigilan siya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na ako at naglakad palayo.

Nang nasa kalayuan na ako ay lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nakatingin pa rin sa akin si Lia. Umiling na lang ako habang naglalakad palabas ng court.

Maganda si Lia pero tulad ng mga naririnig ko at usap usapan ng mga lalaki ay hindi daw ito marunong magseryoso sa mga lalaki. Mahilig daw ito magbigay ng motibo pagkatapos ay iiwan ka na parang bula.

Wala mang kasiguraduhan kung totoo ang mga iyon pero mas mabuti nang layuan ko siya dahil mukhang wala siyang magandang maidudulot sa akin katulad na lang sa trabaho na kinukulit niya ako.

"Jeric!" tawag sa akin ni Sally na kaklase ko sa Architecture. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

"Sabay na tayong pumunta sa room." nahihiya kong sabi.

Kung may isang babae man akong pwedeng magustuhan ay si Sally iyon. Parehas kaming galing sa probinsya at magkaibigan na simula noong highschool. Maganda din naman siya, mabait pa at matalino.

Napatingin naman ako sa tali ng bag namin nang itali niya ito. Nilingon ko siya at napailing ako sa ginawa niya.

Ano pa nga bang aasahan ko kay Sally. Eh mahilig niyaang itali ang bag namin sa isa't isa.

Sa hindi inaasahan ay naramdaman kong may nakatingin sa akin nang masama. Inilibot ko ang paningin at doon nagtama ang mata namin ni Lia na ngayon ay parang galit, hindi pala 'parang' kundi galit talaga siya.

I'm not guilty. Wala akong ginawang masama.

🙂





MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon