CHAPTER 8: SALLY

401 32 26
                                    

CHAPTER 8
SALLY


Papunta kami ngayon ni Sally sa apartment ko dahil may gagawin kaming project. Naglakad lang kami mula universoty papunta dito dahil malapit lang naman.

Hindi sana ako gagawa ngayon dahil nawala ako sa mood pero ayoko naman na ipakita iyon kay Sally lalo na't nagsabi ako sa kanya na sabay kaming gagawa ng project.

"Maupo ka muna dyan." sabi ko kay Sally nang makapasok kami dito sa apartment ko. Dumiretso akong kusina at kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig. Binalikan ko si Sally at inabot sa kanya ang tubig.

Iniwan ko muna siya na nakaupo sa kama ko habang ako naman ay dumiretso sa CR. Sandali pa ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sally. "Jeric, nagtatawag si Lia." rinig kong sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Napakakulit ng babaeng iyon. Ano naman ang kailangan niya ngayon? At bakit kailangan niya pang magpaliwanag sa akin tungkol sa nakita ko kanina.

"Hayaan mo na 'yan." simpleng sabi ko.

Bigla naman na rumehistro sa utak ko ang nakita kanina. Iyong may kahalikan si Lia. May parte sa akin na naggalit ng wlaang dahilan.

"Shit!" bulyas ko nang mabasa ang laylayan ng damit ko ng tubig.

Hinubad ko ang tee shirt na suot at agad itong pinunas sa basang katawan. Matapos kong punasan ang katawan ay umihi ako.

"Ehem." tikhim ni Sally nang makalabas ako ng CR.

Nakalimutan kong nandito nga pala siya. Agad akong naglakad papuntang cabinet at kumuha doon ng pamalit na damit.

"Tumatawag si Lia kanina." imporma niya sa akin kahit nasabi ma niya iyon kanina. Naupo ako sa harap ni Sally at nilabas ang mga gamit ko.

"Type mo?" bigla niyang tanong sa akin.

Natigilan ako sa pagkuha ng mga gamit ko. Ngumisi ako at umilong sa tanong ni Sally sa akin.

"Hindi mo type. Sure ka?" paninigurado niya.

"Yup! Hindi ko siya type."

Natahimik kaming dalawa at agad na rin nagsimula sa project namin. Nagtaka naman ako kay Sally dahil nakasunod siya ng tingin sa akin at hindi pa nagsisimula pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Type kita Jeric." wika niya at umangat ako ng tingin.

"Joke ba yan? Change topic na tayo. Wag ng tungkol sa 'type' 'type' na 'yan." seryoso kong sabi at tiningnan ko ang reaksyon niya pero umiiling iling ito.

"Type kita Jeric. Gusto kita, matagal na. Kahit noong nasa probinsya pa lang tayo, noong highschool pa lang tayo."

Umiwas ako ng tingin kay Sally dahil hindi ko inasahan ang sasabihin niya.

Maaring mas kagusto gusto si Sally kumpara kay Lia pero ngayong inamin niya ang nararamdaman niya para sa akin ay hindi ko alam ang sasabihin o gagawin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumayo ito sa kinauupuan. Sinundan ko siya ng tingin at naglakad ito papunta sa tabi ko.

Sa hindi inaasahan ay bigla niyang hinawakan ang nagkabilang pisnginko at hinalikan ako. Hindi ko siya kaagad naiwasan pero huli na ng naitulak ko si Sally pakayo sa akin dahil bumungad sa amin ang matalim na tingin ni Lia.

Bukas ang pintuan ng apartment ko kung saan katabi ni Lia ang landlady na hawak hawak ang duplicate ng susi nitong kwarto ko.

"Ang sabi niya Jeric ay girlfriend mo daw siya kaya pinagbuksan ko siya ng pintuan nitong apartment mo." paliwanag nung landlady.

"Hindi niya po ako girlfriend. Pasensya po kung nagsinungaling ako. Chineck ko lang po talaga si Jeric." sagot naman ni Lia at agad itong tumalikod.

Naunang lumabas ang landlady at sunod si Lia.

Bumalik si Sally sa kinauupuan niya habang ako naman ay napahilamos na lang ng mukha gamit ang dalawang kamay.

"May gusto ka kay Lia." sabi niya.

Hindi 'yun tanong kundi isang pangungusap na para bang sinasabi niyang tama ang hinala niya.

"Wala akong gusto kay Lia, kaibigan ko lang siya."

Napailing ako sa kanya at naglakad na palabas para sundan si Lia.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko ngayon. May oarte sa akin na nakokonsensya.

Kanina lang ay nahuli ko si Lia na may kahalikan at sinubukan niyang magpaliwanag. Ngayon naman ay nahuli niya akong hinalikan ni Sally at ako naman itong hinahabol siya para magpaliwanag sa nangyari.

"Lia." tawag ko sa kanya habang pilit nitong binibilisan ang paglalakad kahit nakasuot siya ng heels.

"Lia." tawag kong muli at huminto ito nang makarating sa sasakyan niya.

Nanlumo ako nang makita kong umiiyak siya.

Pangalawang beses ko na siyang nakitang umiiyak at hindi ako sanay na nakikita siyang ganun. Masayahing tao si Lia at kailanman ay hindi mo makikitang malungkot pero palagi ko siyang naabutan na umiiyak na kung saan walang tao, na kung saan kami lang dalawa.

"Magpapaliwanag ako Lia." sabi ko at sinubukan kong hawakan siya sa braso pero umiwas siya.

"I don't fucking care Jeric. Mas kagusto gusto naman si Sally sa akin di ba? Kasi ako? Ano ako? Malandi, mataray at hindi matalino." sigaw niya sa akin.

"Hindi na kita lalapitan kahit kailan. Wag kang magalala." sabi pa nito at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Sinubukn ko pang katukin ang gilid ng bintana ng sasakyan pero umalis na ito.

Naiwan ako sa gilid ng kalsada na hindi maintindihan ang sarili.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at naglakad na pabalik sa apartment. Pagpasok ko ay naabutan kong nililigpit na ni Sally ang gamit niya.

"Magkaiba kayo ng mundo. Sasaktan ka lang niya Jeric, sinasabi ko sa iyo." babala ni Sally bago kumabas ng apartment ko.

Imbes na balikan ang project na gagawin ko sana ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama.

Napatitig ako sa kisame nitong kwarto at naaalala ko ang mukha ni Lia na umiiyak.

Hindi ako mapakali ngayon kaya bumangon ako at kinuha ang cellphone. Hinilot ko ang aking sentido bago pindutin ang number ni Lia.

Tinawagan ko siya. Ilang ring ang hinintay ko bago niya ito tuluyang sagutin.

"I'm sorry Lia. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa iyo pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako ang humalik kay Sally. Siya ang humalik sa akin."

Napakagat ako sa oang ibabang labi nang marinig ko ang hikbi sa kabilang linya.

"Hindi ka malandi. Hindi ka mataray. Matalino ka. Maganda ka. Mabait ka at...

"Kagusto gusto ka Lia."

"Hindi kita huhusgahan kung may kakayanan naman akong kilalanin ka. Maaring iba ang naririnig ko sa iba tungkol sa iyo pero hindi ganun ang tingin ko sa iyo."

"I'm sorry Future Nurse Lia. Goodnight." huling sambit ko at pinatay na ang tawag.






MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

I'm back. Sabi ko magpapahinga ako noong nakaraan pero ang daming nagmemessage ng update hahaha. Hindi ako galit, sadyang naiintindihan ko kayo. Salamat din sa paghintay sa akin at tsaka buti pa yung update ko namimiss niyo, ako hindi.

Everyday na ulit ang update.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon