CHAPTER 11
MY FUTURE NURSE LIA
Matapos ang prank na pagkalunod ko ay umalis na ang mga itlog at iniwan kami ni Jeric. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagaalala kanina kaya medyo nakonsensya ako sa ginawa naming prank."I'm sorry Lia." paguulit nito sa akin. Ngumiti ako at isinabit sa balikat niya ang braso ko sabay halik sa kanya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang kamay sa aking beywang at sa wakas ay tumugon na rin siya sa halik ko.
"I'm sorry din Jeric." sambit ko matapos ang halikan namin.
Niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya. Sandali pa ay humiwalay kami sa isa't isa. Ang masungit na mukha ni Jeric ay biglang naging maamo at nakangiti ito ngayon.
"Masaya si itlog." rinig kong pangaasar ni Dylan sa kanya.
Napayuko si Jeric at napakamot. Mukhang nahiya siya sa pangaasar ni Dylan. Sandali kaming nabalot ng katahimikan pero naggulat ako sa sunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng masinsinan sa mga mata. "'Wag mo ng uulitin 'yung prank, nagalala ako ng sobra."
Tumango ako at ngumiti sa sinabi niya.
Humawak ako sa braso ni Jeric at inaya siya na mag-swimming. Sinabi ko na siya na lang ang hindi nag-swimming sa magbabarkada. Nahirapan pa akong kumbinsihin hanggang sa pumayag siya.
Sabay kaming naglakad sa tubig habang nakahawak pa rin ako sa kanya. Tumigil kami sa paglalakad nang umabot na ang tubig sa may dibdib ko.
"Doon pa tayo sa malalim." sabi ko kay Jeric pero wala siyang reaksyon. "Please." pagmamakaawa ko pa sa kanya.
Bumuntong hininga si Jeric at napakamot sa kanyang ulo. "Fine." simple niyang sabi.
Wala sa aking problema kung nasa malalim kami dahil abot ko naman ang tubig. Siya naman ay matangkad kay wala 'ring kaso kung nasa malalim kami, marunong din naman daw siyang lumangoy.
Naglaro kami ni Jeric na magpaunahan na makarating sa pinakamababaw at babalik papunta sa malalim. Palagi akong nanalo pero alam ko naman na sinasadya niya ang magpatalo.
Natigil na lamang kami sa paglalangoy nang parehas kaming napagod pero sandali pa ay muli na naman kaming naglaro.
Nagsimula akong wisikan siya ng tubig hanggang sa gumanti siya sa akin. Ang pagwisik niya sa akin ng tubig ay sakto lang na parang bang iniingatan niya akong 'wag matumba.
"Sweet naman." napalingon kami pareho ni Jeric kay Nikko nang marinig namin ang sinabi niya.
"Ang sweet, baka pati 'yung mga isda kinikilig sa inyo." malokong sabi niya pa.
Nakita ko naman ang papalapit na si Yara sa kinapwepwestuhan ni Nikko at Paul. May hawak itong camera at itinutok sa aming dalawaa ni Jeric. Hinawakan ko siya sa braso at hinila papalapit sa akin.
Naggulat naman ako nang biglang ipulupot ni Jeric ang kamay sa beywang ko. Napangit naman ako at kasabay 'nun ay ang pagpulupot ko rin ng braso ko sa beywang niya. Nagbilang si Yara ng tatlo sabay click sa camera.
Ang unang posing namin ni Jeric ay nasundan pa ng iba't ibang posisyon na siyang inutos ni Yara. May posing kami na buhat buhat ako ni Jeric na para kaming bagong kasal. Meron naman na nasa likuran niya ako. At yung isang posing namin ay magkaharapan lang kami habang nakatingin sa isa't isa.
"Umahon na kayo sa tubig at kumain na." sabi sa amin ni Paul at tumango kami ni Jeric.
Si Nikko naman ay naglakad papuntang tubig at kumonot ang noo ko nang tikman nito ang tubig sa dagat. "Ang tamis na tuloy 'nung tubig sa dagat. Ang sweet niyo." pangaasar niya.
Napalingon ako kay Jeric at namumula ang buong mukha nito. Napakamot ito sa ulo at halatang hindi sanay sa mga pangaasar ni Nikko.
Nang makabalik kami ni Jeric sa cottage ay puro pangaasar ang sumalubong sa amin. Pati sa pagkain naming dalawa ay hindi pinalagpas.
Kakain na sana kami pero iisang plato na lang ang nakita namin ni Jeric. Parehas naman kaming nagtaka dahil maraming plato ang dala namin, may paper plate pa nga kaming dala para sure na hindi magkakaubusan ng plato.
"Share na lang kayong dalawa sa isang plato. Magsubuan kayo." sabi ni Miguel.
"Yieeehh!" pagsuporta ng mga itlog.
Napatingin ako kay Jeric na ngayon ay nagtatago sa likuran ko dahil sobrang pula na ng kanyang mukha.
Nag-share kami ni Jeric sa isang plato at ramdam ko ang pagkailang niya. Ramdam kong sobrang nahihiya siya dahil sa panunukso ng buong barkada kaya naman pinagsabihan ko silang lahat na tigilan si Jeric.
Sinunod ng mga itlog ang sinabi ko kung kaya nalipat ang pangaasar nila kay Nikko. Nagsiabutan na kasi ang iba ng regalo at unang nagbigay ay si Paul.
Napatingin naman ako kay Jeric na unti unti nang naging komportable sa pagkakain. Sandali pa ay naisipan ko na subuan siya at natuwa ako nang ibnuka nito ang bibig at sinubo ang pagkain. Naggulat naman ako nang ako naman ang sinubuan niya.
Kain tayo. Kain by partner.
"Your my fleshlight..." pagkanta ni Nikko habang hawak hawak ang fleshlight na regalo sa kanya ni Paul.
Puro kalokohan talaga ang mga lalaki.
"Wala ba dyang sex doll?" tanong ni Nikko at nagsitawanan ang lahat.
Nasa kalagitnaan ng tawanan at kalokohan ay hinawakan ko si Jeric sa braso. "Tara." pagaaya ko sa kanya sabay senyas na umalis muna kami dito sa cottage.
Umalis kami sa cottage nang hindi nagpapaalam. Naglakad lakad kami sa gilid ng dagat at kung minsan ay nagpapahabol kami sa tubig hanggang sa hindi namin namalayan ni Jeric na halos marating na namin ang dulo.
Naupo kami sa buhanginan at tinanaw ang dagat. Nabalot kami nang katahimikan at hindi ko alam ang gagawin.
"Lia." pagbanggit ni Jeric sa pangalan ko. Lumingon ako at hinintay ang kanyang sasabihin.
Bumuntong hininga siya at nahihiyang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy naiwasan pagmasdan ang maamong mukha niya. Ang kayumangging kulay niya ay bagay na bagay sa kanya. Ang medyo kulot na kanyang buhok ang mas nagpapagwapo kay Jeric.
Masungit at maldito si Jeric. Walang pakialam sa babae bagay na gustong gusto ko sa kanya kahit minsan ay nakakainis.
Nang magtama ang mga mata namin ay tsaka lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
"Magagalit ka ba sa akin kung sabihin kong gusto kita?" nagaalinlangan niyang sabi.
"Kasi sinubukan ko pigilan 'yung sarili ko na wag magkagusto sa iyo. Sinubukan kong layuan ka pero palaging ikaw ang hinahanap at ginugusto ko." pagaamin niya na ikinagulat ko.
Hindi ko alam na nagugustuhan na niya ako. Hindi ko alam. Wala akong ideya.
"Lia gusto kita." sabi pa ni Jeric.
Mas lalong natahimik ang paligid dahil sa narinig ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ngayon.
Mapait akong ngumiti at ibinaling ang tingin sa dagat.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jeric. "Wala kang dapat sabihin o gawin. Umamin lang ako Future Nurse Lia."
"Sa totoo lang ay grabe ang kaba ko na umamin sa iyo. Hindi ko nga alam kung anong nakain ko ngayong araw para umamin. Nakakahiya pero masaya ako dahil sa wakas ay nasabi ko 'yung gutso kong sabihin."
"My Future Nurse Lia." bulong ni Jeric.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.
BINABASA MO ANG
ARCHI.
General FictionLIA & JERIC The picture was not mine, so credit to the owner.