CHAPTER 6: ALAGANG LIA

574 35 77
                                    

CHAPTER 6
ALAGANG LIA


LIA

Naiinis ako Jeric pero mas nangibabaw yung pagaalala ko. Sobrang dami niya kasi ng trabaho tapos palagi pa siyang nalilipasan ng oras. Paano na lang siya ngayon kung hindi ko siya nilapitan kanina?

Iniwan ko siya kanina at lumabas sa apartment niya para bumili ng mga kakailanganin ko sa pagluto. Wala kasi siyang stock ng pagkain.

Mabilis naman na luto ang chicken soup at ginawa ko. Kumuha ako ng kutsara at kumuha ng kapiranggot para tikman ito. Hinipan ko muna ito bago tuluyang tikman.

Masarap. Masarap ako echos!

Kumuha ako ng mangkok at nilagyan iyon ng sakto lamang dahil baka hindi maubos ni Jeric. Dahan dahan akong naglakad habang bitbit ang isang mangkok na chicken soup na niluto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ni Jeric ay mahimbing itong natutulog ngunit nilalamig pa rin. Hindi naman ako nahirapan na gisingin siya dahil isang beses ko lang ni yugyog ang kanyang balikat at naggising na rin ito.

Tinulungan kong makaupo si Jeric at inayos ko ng kumot na nakabalot sa kanya. "Kumain ka muna." sambit ko.

Hinwakan ko ang mangkok na nakapatong sa plato at inilapit iyon kay Jeric. Akmang kukunin niya sa akin ang pagkain pero sinaway ko siya.

"Ako na." may diin kong sabi.

Nagsandok na ako ng sabaw at hinipan iyon para mabawasan ang init. Nakatingin naman sa akin si Jeric na para bang sinasabi na hindi niya kakainin ang hinipan ko.

"Wala akong rabies. May sakig na lahat lahat aarte ka pa." mataray kong sabi at wala siyang naggawa kundi ang ibuka anb bibig. Isinubo ko sa kanya ang pagkain at kinain naman niya ito.

Mabilis na naubos ni Jeric ang pagkain dahil gutom ata ito. Matapos 'nun ay pinainom ko siya ng gamot at pinagpahinga na rin.

Sinabihan pa niya ako na umuwi na pero hindi ako pumayag. Ang sabi ko ay uuwi lang ako kapaga maayos na ang pakiramdam niya.

"Aurora Borealis" mahinang bigkas ko habang pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa pader nitong apartment.

Puro Aurora Borealis ang mga larawan dito at hindi na nakakapagtaka na ang kulay ng mga gamit ni Jeric ay green. Marahil dahil na rin ata ito sa kulay ng Aurora Borealis.

Ang sa pagkakatanda ko sy color pink and pale green ang common color ng Aurora Borealis.

Isa lang ang kwarto dito sa apartment ni Jeric kaya wala akong pwedeng higaan. Pagkatapos kong maghugas at maglinis ay nahiga na lamang ako sa sofa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtiktok muna. Pagbukas ko pa lang ay bumungad na sa akin ang kaibigan ni Paul na si Nikko.

"Infairness, maggaling siyang sumayaw." sambit ko nang mapanood ang sayaw niya.

Hindi rin niya pinalagpas 'yung pagdub 'dun sa trending na... Utot na pinasok sa ref, tumigas.

Nakilala ko si Nikko dahil ang kwento sa akin ni Paul ay kinder pa lang sila ay magkaibigan na daw yung dalawa. Sabay pa nga daw silang nagpatuli noon.

Ang alam ko rin ay may gusto si Nikko kay Yara. Minsna itong nagmessage sa kaibigan ko at sinabing ganun nga. Pero halos naman ata ng mga kaibigan ni Paul ay may gusto kay Yara, iba din takaga kasi ang kamandag 'nung bestfriend kong 'yun.

Ilang minuto pa akong nagscroll sa tiktok hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mata. Dito muna ako matutulog dahil hindi pa naman maayos ang kalagayan ni Jeric.

...

Naggising ako nang may mainit na nararamdaman sa aking leeg. May nakapulupot din sa aking beywang na kamay. Pagmulat ko ay laking gulat ko nang bumungad sa akin si Jeric.

Nakayakap siya sa akin habang nakasiksik ang mukha sa aking leeg. Hindi ako makaggalaw dahil nakabalot sa amin pareho ang kumot niya.

Inilayo ko ng konti ang mukha ko para makita ang mukha ni Jeric. Sa tingin ko ay maayos na ang pakiramdam niya at wala na siyang lagnat.

Pinagmasdan ko ang maamo na mukha ni Jeric. Medyo naaawa din ako sa kanya dahil ang dami niyang trabaho. Hindi ko mapigilian at masisisi dahil naiinis lang siya kapag sinasabihan siya tungkol sa mga trabaho niya.

Hinawakan ko ang mukha ni Jeric at iniwasan ko ang maliit na pimple baka kasi lumaki pa ito kapag nahawakan ko. Pero infairness ang cute ng pimple niya kasi malapit ito sa kanyang matangos na ilong.

"Magandang Umaga." naggulat ako kay Jeric nang batiin niya ako. Agad kong inalis ang kamay sa mukha niya. Hindi ko namalayan na naggising na pala siya.

"Good Morning." nahihiya kong bati.

Umalis sa pagkakahiga si Jeric sa tabi ko at tuluyan nang tumayo. "Pasensya na kung tumabi ako sa iyo." sabi niya habang nagkakamot sa kanyang ulo.

"Sus! Ok lang 'yun." sabi ko. "Sanay naman ako na may katabing lalaki, katulad ni Paul pero walang nangyayari." dugtong ko pa at tumango lang siya.

"Salamat pala sa pagalaga sa akin."

"Sus! Wala 'yun, kahit alagaan pa kita habang buhay eh." bulong ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Chineck ko ang kanyang leeg at noo kung maiinit pa. Napangiti naman ako dahil wala na siyang lagnat. Kailagan na lang niya magpahinga para hindi mabaynat.

"Magpahinga ka na muna. Bumalik ka na doon sa kama mo." utos ko sa kanya habang nakatalukbong sa kanya ang kumot.

"Tabihan mo ako." sabi niya na ikinagulat ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta kama niya. Nauna siyang mahiga at tumabi naman ako. Magkaharapan kaming dalawa kaya medyo nailang ako.

Ngayon lang ako unang beses na nailang sa lalaki. Sa loob loob ko ay pilit kong pinapabagal ang tibok ng puso ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

Wala akong gusto kay Jeric at malabo iyong mangyari dahil ang totoo niyan ay nilalandi ko lang naman siya ay este mas gusto at komportable lang talaga ako sa mga lalaki kaysa sa mga babae.

Hinapit ako ni Jeric sa beywang at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. "Kung wala kang sakit ay baka isipin kong may gusto ka sa akin." sabi ko sa kanya.

"Sana nga wala akong sakit para maintindihan ko ang sarili konkung anong ginagawa ko ngayon." sagot ni Jeric.

"Thank you po ulit sa pagaalaga sa akin Future Nurse Lia."

"Walang anuman po, magpaggaling ka, Future Architect Jeric."

Bumintong hininga ako at ngumiti sa di malamang dahilan. Matapos 'nun ay dahan dahan akong pumikit dahil may parte sa akin na gusto kong samahan si Jeric sa kahit ano at kahit saan.

Delikado ako ngayon pero nasisiguro ko naman na kaya kong pigilan ang pagkagusto sa kanya.

Wala lang si Jeric para sa akin.






MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.

ARCHI.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon