CHAPTER 7
HIM
Tatlong araw na mula nang gumalinv si Jeric sa sakit niya at ngayon ay hindi ko siya ginugulo o sinusundan dahil nalaman ko sa isa niyang kaklase na marami daw silang ipapasa ngayong week kaya napagdesisyunan kong dumistansya muna. Ayokong maging dahilan ng pagbagsak niya sa subject.Nandito ako ngayon sa cafeteria at kasama ang kaibigan kong malaki ang boobsicles na si Yara. Sa tabi naman niya ay ang fuck boy na si Paul.
Kinuha ko ang milk tea na binili ni Paul para sa amin. Sa tuwing magkikita kaming tatlong magkakaibigan ay palaging bumibili si Paul ng milk tea para sa amin.
"Kamusta may nahaharot ba kayo ngayon?" tanong ko sa dalawa.
Inakbayan ni Paul si Yara at nagkibit balikat lang ito. "Heto at malaki pa rin ang boobsicles."
"Wag mo namang painggitan yung flat." pangaasar ni Paul sa akin at inirapan ko siya.
Flat ang asar sa akin nitong dalawang kaibigan ko pero at least maganda, duh?!
Ganito kami kanulgarka-vulgar na tatlo dahil palibhasa mahilig na humarot pero hindi naman naman pinababayaan ang pagaaral.
Ang sabi nga naming tatlo ay 'Aral now, Harot later'. Bawal kaming humarot ng hindi tapos or hindi naggawa ang dapat gawin.
"Anong meron sa inyo ni Jeric?" tanong ni Paul sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko alam na may alam siya sa amin pero panigurado ako na nalaman niya iyon sa tsismis ng kung sino sino.
"Wag mong paasahin 'yung tao. Wag kong bigyan ng motibo. Masyadong mabait si Jeric." sabi naman ni Yara.
Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya pero ang totoo ay nagpaulit ulit yun sa aking isipan na para bang kinokonsensya ako.
Natigilan naman kaming tatlo nang may isang babae na lumapit. Sa kulay ng id lace niya ay freshman student siya.
"Ikaw po ba si Kuya Paul?" tanong nito at patago kaming natawa ni Yara.
"Ang bantot nung Kuya." sabi Yara.
Pinagcross ni Paul ang braso niya at tiningnan ang babae simula taas pababa. "Ako nga." sabi ni Paul sa kanya.
"Ako po si Camille. Ang sabi po nila ay naghahanap ka daw ng magaalaga sa Lola mo. Pwede po ako." sabi nito.
"May boyfriend ka ba?" tanong ni Paul dito at hinampas siya sa ulo ni Yara. "Itigil ang kalandian." saway nito.
"Pahinging cellphone number mo." sabi ni Paul at nakita ko ang pagkagulat ni Camille doon.
"Po?" inosenteng tanong niya.
"Akin na ang cellphone number mo para matawagan kita. Anong akala mo may gusto ako sa'yo? Di kita type." sabi ni Paul na ikinailing ko.
"Pagpasensyahan mo na si Paul. Nakalinutan niyang uminon ng gamot sa topak." sabi ko habang binibigay ni Camille ang kanyanv number kay Paul.
"Salamat po." paalam nito sa amin at nag-bow pa siya.
Napatingin ako kay Paul na ngayon ay nakangisi habang nakatanaw kay Camille na naglalakad palayo.
Ang masasabi ko lang ay delikado si Camille kay Paul.
Nang sumapit ang time nung dalawa ay nagpaalam na ang mga ito sa akin habang ako naman ay naiwan dahil mamaya pa ang pasok ko.
BINABASA MO ANG
ARCHI.
General FictionLIA & JERIC The picture was not mine, so credit to the owner.