33

221 6 0
                                    

Sexy


"Jordan, kinakabahan ako," sambit ko habang nasa sasakyan kami ni Jordan.

Ngayong araw kami pupunta sa bahay nila para makilala ko nang pormal ang parents niya. At sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako ngayon. Nagpapawis na nga ang kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

He held my hand with his right hand while the other is holding the steering wheel. And with just his simple touch, my nerves calmed down a bit.

"Don't be nervous. They will like you, I promise," he assured me and before I knew it, he already parked inside their garage.

Pagbaba pa lang namin ng kotse niya ay sumalubong na si Ate Jenica. Sobrang ganda niya na kahit nakasimpleng shirt and shorts lang siya ay ang lakas ng dating. No wonder nagustuhan siya ni Kuya.

"Buti at nakarating na kayo. Kanina pa naghihintay sila Mom at Dad," bungad sa amin ni Ate Jenica at iginiya kami sa loob ng bahay nila.

Jordan held my hand as we walked towards their dining hall. The moment we entered the room, their parents stopped talking as we got their attention.

"Jordan! Finally, akala ko ayaw mo nang ipakilala sa amin itong si Amarantha," sabi ng mommy ni Jordan at sinalubong siya ng yakap.

Nabigla pa ako nang ako naman ang yakapin niya kaya niyakap ko rin siya pabalik. Unti-unti nang humuhupa ang kaba ko. Mukha naman pala silang mabait.

"Hi, Amarantha. I'm Attorney Donalyn, but you can call me Tita Dona or much better if mama na lang," saad ni Tita Dona kaya napangiti ako.

Sunod na lumapit sa amin ang daddy ni Jordan. Nakipagbeso ako sa kaniya pagkatapos niyang yakapin ang anak.

"Ngayon pa lang, wini-welcome na kita sa pamilyang ito, Amarantha. You can call me Tito Jerico or papa."

Tumango ako. "Opo, salamat po."

Pagkatapos magkakilanlan ay umupo na kami sa harap ng hapagkainan. Nasa kabisera si Tito Jerico habang nasa kanang side niya si Tita Dona na katabi naman si Ate Jenica. Habang kami ni Jordan ay nasa kaliwang side.

Ang daming pagkaing inilabas ng mga serbidora mula sa kusina. Daig pa ang may okasyon. Hindi yata sila informed na hindi ako malakas kumain.

"Amarantha, we would like to apologize for trying to take away Jordan from you. We knew that was a selfish move, and we regret everything. Sana hindi ka galit sa amin," saad ni Tita Dona nang matapos kami kumain.

Nandito na lang kami ngayon sa kanilang sala. Tumango ako at ngumiti.

"Ayos lang po. Aaminin ko po, sumama ang loob ko sa inyo pero alam ko naman pong nagawa n'yo lang iyon dahil wala na po kayong choice. Naiintindihan ko po kayo," paliwanag ko.

Hinawakan ni Jordan ang kamay ko kaya nilingon ko siya. Nakangiti siya sa akin na parang nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi ko.

"I can hear the wedding bells already. Kailan ba?" biglang sambit ni Tito Jerico kaya nabigla ako habang si Jordan ay nakangiti lang.

"Soon, dad. Soon," he answered.

Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal. At hindi ko rin naman inaasahang mag-propose siya agad sa akin. Gusto kong sulitin muna ang bawat araw. I want to experience being his girlfriend first before I become his wife.

Pagkagaling namin sa bahay nila Jordan ay didiretso na kami sa appointment naming dalawa. Ife-feature din sa isang magazine ang love story namin kaya talagang hahalungkatin ang mga pinagdaanan ng relasyon namin. Wala naman akong ikinakahiya. Alam kong lahat ng tao nakagagawa ng kasalanan dahil sa pag-ibig, basta ang mahalaga alam mong itama iyon.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon