22

279 9 1
                                    

Complicated


I woke up feeling better now. Inilibot ko ang paningin at nang mapagtantong nasa hospital na naman ako ay napabuntonghininga na lang ako.

May bandage ang kanang braso ko at hindi ko alam kung malala ba ang tinamo kong pilay kay Dave. Hindi ko pa kasi nakakausap ang doktor. Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon.

Napahinga ako nang malalim nang magtagpo ang paningin namin ni Jordan. Napahinto pa siya saglit bago tuluyang pumasok. Inilapag niya sa mesa ang bitbit na paperbag bago lumapit sa akin.

"Why are you still here? I mean, salamat sa pagligtas mo sa akin pero hindi mo na ako kailangang samahan pa rito," sambit ko pero ngumiti lang siya.

Napakunot ang noo ko dahil parang hindi naman siya naaapektuhan sa pagsusungit ko. Of course, I want him here but it feels so wrong. Nangako ako kay Aireen na iiwasan ko si Jordan pero ngayon nandito siya.

"Your parents are outside. Nagpaalam lang ako na kakausapin ka saglit," sabi niya at nag-iwas ako ng tingin.

Alam ko na kung anong pag-uusapan namin at sa totoo lang ayaw ko nang ungkatin pa iyon.

I crossed my arms. "May kailangan pa ba tayong pag-usapan? Nakausap ko na ang girlfriend mo at sabi ko lalayuan na kita. Sana huwag mo akong pahirapan."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. Umupo siya sa may gilid ng kama sa tabi ko at pinakatitigan ako.

"I'm sorry if I didn't tell you about her. Pero sana huwag mo akong iwasan. We're still friends, right?"

I laugh without humor with what he said. Friends? Wow. Friend na lang pala ako ngayon. Oo nga pala, noon pa man, kaibigan lang talaga ako.

"Friend? But you kissed me! Do you always kiss your friend?" I asked while looking straight into his eyes.

Napayuko siya. "I know, I'm such a jerk for doing that. But please, don't remove me from your life. And about Aireen, sana walang ibang makaalam ng tungkol sa aming dalawa."

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi man niya sabihin alam kong nag-aalala talaga siya kay Aireen. Pinoprotektahan niya ang private life nito. Naaawa tuloy ako kay Aireen, siguro nasasaktan siya dahil hindi siya magawang ipagmalaki at ipakilala ni Jordan sa harap ng mga tao.

"Your secret is safe with me. Pero sana huwag ka nang masiyadong makipaglapit sa akin, maawa ka naman sa girlfriend mo. Sa tingin mo hindi siya nasasaktan sa tuwing nakakabasa ng balita tungkol sa ating dalawa?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

Hindi ko ma-imagine ang nararamdaman ni Aireen sa tuwing makikita ang mga fans na pini-pair kami ni Jordan. Sigurado akong sobrang sakit sa part niya 'yon.

He sighed again. "You know, my relationship with her is complicated."

My forehead knitted in confusion. "Why?"

"I can't tell you. But I'll try to make it right for the both of us."

Buong maghapon ay nasa isip ko ang sinabi ni Jordan. Gaano ba kakomplikado ang relasyon nila ni Aireen? Hindi ba nila mahal ang isa't isa? Pero base naman sa reaksyon ni Aireen mukhang patay na patay siya kay Jordan. At kung hindi naman nila gusto ang isa't isa, bakit nananatili pa sila sa relasyon? Puwedeng-puwede naman silang maghiwalay.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon