27

329 7 0
                                    

Work


"Take care there, okay? Tumawag ka kapag dumating ka na doon," bilin ni Mommy pagkababa ko sa sala.

Agad na kinuha ng driver ang bagahe ko para ilagay iyon sa kotse.

"Opo, mommy. Don't worry about me, I can handle myself," I assured them.

Sunod kong niyakap si Dad na nanonood lang sa amin ni Mom.

"Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang," sabi ni Dad at hinalikan ako sa ulo.

I waved at my parents before I entered the car. Ngayong araw ang alis ko papuntang Palawan. Ang sabi ni Tita Amely, may isla raw doon na makakatulong sa akin para magbawas ng stress sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Hindi makakasama sa airport sila Mom at Dad dahil may trabaho sila. Si Tita Amely naman ay abala sa pag-aayos ng kinasangkutan kong isyu. Gusto ko man siyang tulungan, pero tinanggihan niya. Si Kuya ang kasama ko ngayon dito sa kotse.

"Sana maka-move on ka na habang nandoon ka sa isla," biglang sabi ni Kuya kaya natawa ako.

"Seriously? Hindi naman ako ilang taong mag-i-stay doon kaya malabong mangyari 'yan. Ikaw, sana malaman mo kung gaano siya kahalaga sa 'yo."

Natahimik si Kuya at nakakunot-noong lumingon sa labas. Ngumuso ako at hindi na nagsalita.

Sa pagpunta ko sa Palawan, siguro iisipin nila na tinatakasan ko ang isyu sa akin. Well, isa iyon sa mga dahilan pero bago pa man nangyari ang gulo na 'yon, nakapagdesisyon na akong magbakasyon.

I haven't opened my social media accounts since the event. Ni hindi rin ako nag-e-entertain ng mga tawag at texts mula sa iba't ibang taong gustong makasagap ng impormasyon tungkol sa mga nangyari. Hindi ko pa rin nakakausap si Jordan tungkol sa ginawa ni Aireen dahil galit ang pamilya ko sa kaniya.

"Mag-enjoy ka doon, ha? Kami na ang bahala sa mga nangyari. Be happy," Kuya said before hugging me.

Hindi rin nagtagal ay tinawag na ang flight ko at kinailangan ko nang iwan si Kuya doon.

Ilang oras din ang itinagal ng flight patungong Palawan. Nakatulog ako sa byahe at nagising na lang nang malapit ng mag-landing ang eroplano. Ang sabi ni Tita Amely, may susundo na raw sa akin mula dito sa airport at ihahatid ako sa Isla Felice patungo sa hotel kung saan ako naka-check in.

True to her words, there was an SUV waiting for me outside the airport. The driver helped me with my luggage before we went to the hotel.

Nasa sasakyan pa lang ay nasasabik na akong makita ang isla. Nag-search ako tungkol doon at magaganda ang mga nakita kong lugar. At hindi ako nabigo, dahil pagkababa ko sa SUV ay tumambad sa akin ang napakagandang tanawin.

"Welcome to Isla Felice, Miss Amarantha. Ang isla kung saan napupuno ng saya ang mga puso ng tao," bungad sa akin ng isang tour guide na sumalubong. May isinuot siyang kwintas na bulaklak sa akin.

"Thank you," I smiled at him.

Muli kong pinagmasdan ang paligid. Nasa harap ng mismong dagat ang hotel na tutuluyan ko. May mga cottage sa kanang bahagi ng hotel at sa kaliwa naman ay may mga nipa hut. Palubog na ang araw kaya nag-uumpisa nang magkulay kahel ang kalangitan.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon