23

264 7 0
                                    

Bad


Nakalabas din ako ng hospital pagkatapos ng tatlong araw. Hindi na rin naka-bandage ang braso ko kaya mas maayos na akong nakakakilos ngayon.

"Huwag ka na kaya munang magtrabaho?" Napaangat ako ng tingin kay Dad. "Why don't you take a leave? Magbakasyon ka na muna?" dagdag pa niya.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon. Nakita kong tumango-tango si Kuya na parang sang-ayon siya kay Dad. Alam ko nang sasabihin niya ito. Maganda nga namang magbakasyon muna ako pero hindi puwede.

I swallowed the food first before I answered.

"Hindi po puwede, dad. Marami po akong pending na photoshoots dahil ilang araw din po akong nawala. Siguro next time na lang po ako magbabakasyon," paliwanag ko.

Sa ilang araw ko sa hospital ay kinansela ni Tita Amely lahat ng appointments ko kaya naman ang dami kong nakatambak na trabaho. Bukas nga ay may photoshoot pa ako at hindi ko pa alam kung sino ang  makakasama ko.

"I'm just worried about you. Baka maulit na naman ang nangyari," sambit ni Dad.

I smiled at him. "Dad, it won't happen again. I promise," I assured him.

"Basta, kapag gusto mong magbakasyon sabihan mo kami at nang makapag-leave din kami sa trabaho," bilin ni Mommy sa akin kaya tumango ako.

"Opo, mom," pagsang-ayon ko sa kaniya.

Pagkatapos naming maghapunan ay sakto namang dumating si Tita Amely. Kagagaling lang daw niya sa trabaho at dumiretso na rito.

"Amara, tomorrow you will have a photoshoot with Jordan."

Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi ni Tita. Mabuti na lang at hindi na kami kumakain. Nasa kuwarto na kami ngayon dahil dito niya kami gustong mag-usap.

She squinted her eyes on me. "Are you okay?" she asked.

I nodded. "Yes po, tita. Nagulat lang ako. Bakit po pala si Jordan ang kasama ko bukas?"

Sumandal si Tita sa backrest ng inuupuan niya bago huminga nang malalim. Mukhang pagod na talaga siya pero dumaan pa siya rito para paalalahanan ako sa gagawin ko bukas.

"Well, you two are the most requested models for this year. Sasabihin ko na rin ito sa 'yo ngayon para hindi ka na magulat. You will be doing a sexy photoshoot with him."

My eyes went wide when she said that. Mature photoshoot? With Jordan? Oh damn! I'm doomed!

Hindi ako agad nakatulog nang dahil sa sinabi ni Tita. Kinakabahan kasi talaga ako sa gagawin ko para sa photoshoot. What if I messed up? Idagdag pa na lingerie ang isusuot ko.

"Miss Amara, tapos na po ba kayo?" tanong ni Ate Celine mula sa labas nang fitting room kung nasaan ako ngayon.

I glanced at my reflection again to see if I looked fine already. I am wearing a red two-piece set of lingerie and a black ankle strap heels. It shows too much skin and I feel like I'm not wearing anything.

Mabuti na lang kahit revealing ang suot ko ay natatakpan pa rin ang dapat na takpan.

Ate Celine did a great job on achieving a fierce look for my makeup. My lips were in full red lipstick and my eyes were emphasized by a black eyeliner.

Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon