DreamThe sun is already rising when I stopped running around our subdivision. The cold breeze of the morning blows towards my face that made me sigh.
Birds start to fly, while the trees are dancing with the wind.
Nagtungo ako sa malapit na bench at naupo dito. Hinihintay kong kumalma ang paghinga ko mula sa pagtakbo ng halos isang oras.
I took a deep breath and smiled. Napakaganda talaga sa pakiramdam ng sariwang hangin pagkatapos tumakbo. It feels like I am recharging.
After a few minutes of resting, I stood up and walked my way to our home.
Kasalukuyang naghahanda ng almusal ang mga maids namin pagpasok ko sa bahay. Kadalasan kasi ay ganito kaaga nagigising ang parents ko dahil may pasok sila sa trabaho.
"Ara, good morning. Ang aga mo yata ngayon?" sambit ni mommy pagkababa niya ng hagdan kasunod si daddy.
I kissed their cheeks as they sat down on our dining table. Uminom ako ng tubig bago sila sinagot.
"I jogged around the subdivision. Marami akong nakain kahapon kaya kailangan kong mag-burn ng calories. I need to maintain my figure," I told them.
"You really want to pursue modeling, huh?"
Napalingon kaming tatlo kay kuya na mukhang bagong gising. Magulo pa ang buhok niya at naniningkit ang mga mata. Paniguradong nagpuyat na naman siya kagabi.
He kissed our parent's cheeks while he approached me just to mess my hair. Pinalo ko ang kamay niya.
"Of course! That's my dream since I was a kid, to be a model. So please, payagan n'yo na ako," sabi ko sa kanila.
I looked at dad and to my brother with puppy eyes. Silang dalawa kasi ang tumututol sa na maging model ako. Wala raw kasi silang tiwala sa ganitong career at kadalasan daw ay nababastos ang mga model.
Pero hindi naman lahat gano'n ang kapalaran. Si Tita Amely nga bata pa naging model pero hindi naman daw niya naranasang mabastos sa trabaho. Depende na lang talaga 'yon sa mga makakasalamuha ko.
Dad sighed. "Fine. If that's what you want. I'll support you but no mature projects for now. Focus on your studies first."
I squealed and hugged my dad. I can't believe that he will finally let me become a model. Sobrang tagal ko na silang pinipilit tungkol dito pero palagi talaga silang umaayaw.
"Thank you, daddy!" I said and glanced to my brother. "Paano ba 'yan, kuya? Pumayag na si daddy so, wala ka nang magagawa kundi pumayag."
He glared at me. Tumingin siya kay dad habang kunot ang noo. "Dad, alam mo naman kung ano ang patakaran sa ganiyang trabaho. Kapag marami nang fans 'yang si Ara baka ang susunod na project niyan mas mature na."
I pouted. Sobrang hirap niya talagang i-convince. Pareho sila ni dad na super strict pagdating sa akin. Ngayon pa lang ay naiisip ko nang kawawa ang magiging anak niya in the future.
"Kuya, I can handle myself. Just trust me, okay?" I assured him.
"Your sister is right. Trust her with this. Suportahan na lang natin ang pangarap niya," sabi naman ni mommy.
Bumuntonghininga si kuya at hindi na umimik pa. Nagkatinginan kami ni mommy at pasimple niya akong nginitian. Kaunting pilit pa, paniguradong papayag din si kuya.
Ayos lang naman kung tumutol pa siya ngayon, hindi naman niya ako matitiis. Sooner or later he will finally accept that this is my dream, to become a professional model not only here in the Philippines but also internationally.
![](https://img.wattpad.com/cover/236670434-288-k538325.jpg)
BINABASA MO ANG
Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓
RomanceAmarantha San Diego wants to become a professional model that's why she does not want any distraction in her life. But when she meets Jordan Emerson, an actor who's hiding something from the media, she will do her best to ignore him for the sake of...