THE MAN WHO CAN'T BE MOVED
His Point of View"MOVED ON na pre, maraming babae dyan, wag kang mag stay sa isa"
"Hindi pa end of the world pare"
"Meron pa diyang iba"
Naririndi na ako sa mga kaibigan ko, dahil kanina pa nila ako pinag-titripan, di pa daw ako nakaka-moved on sa ex ko, kay Emily.
"Akala niyo ba ganun lang kadaling makalimot? Mahirap kaya" sabi ko pero tinawanan lang nila ako.
"Alam mo pare, try mo kayang mag play time? Hanap ka ng ibang babae para makalimutan mo si Emily" suggest ni Kyle, na sinang-ayunan nila Eman at Brent. Hays.
"Araw-araw ka na kasing ganyan" sabi ni Brent tinapik naman ni Eman ang balikat ko "Hirap maging lover boy eh" iling-iling na sabi pa ni Eman.
—————————— 📔 ——————————
"Kilala mo si Cheska? Balita ko may gusto sayo yun? Ano pare? Pa-set ko na date niyo?" sabi ni Eman,
Halos araw-araw kaming ganito, hahanap ng babaeng mai-dadate tapos next day, iba na naman ulit, isang buwan na ang nakalipas at dahil sa pinag-gagawa ko ay masasabi kong naibaon ko na si Emily sa limot.
"Sige pare, mamayang 5pm" sagot ko nagtawanan naman sila.
"Nagbago ka na nga pareng Clyde" puri ni Kyle at tinapik pa ang balikat ko, ganyan sila katuwa na nagbago na talaga ako.
Alam kong mali ang manakit ng damdamin ng iba, pero gusto kong kalimutan si Emily. Bahala na kung anong magiging balik sa'kin ng karma, pagkatapos nito.
—————————— 📔 ——————————
"Lecheng buhay ito! Wala ng matinong lalaki ngayon na mag-seseryoso! Lahat lolokohin ka lang! Nakaka-gago! Punyeta!" rinig kong sigaw ng isang babae malapit dito sa tulay dire-direstso lang ako at palakas ng palakas ang boses ng babae.
"I want to end my life, this is useless and hopeless" sabi nito at doon nakita ko ang babae nakatayo sa gilid ng tulay, handa ng tumalon. Tumakbo agad ako at hinila siya paalis doon.
"Anong problema mo at sasayangin mo ang buhay mo?" tanong ko.
"Ano rin bang problema mo at pinigilan mo ako? Wala ka na dun!" sabi niya at akmang babalik doon ng pigilan siya.
"Hindi porket may problema ka, ang solusyon mo ay magpakamatay" inis na ding sabi ko, natahimik naman siya at napayuko. Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang hikbi niya
"Bwiset kasi itong puso ko eh, may problema na nga, nagmahal pa din, alam ng puro sakit lang ang ibibigay sayo, ang sakit kasi" sabi niya habang dinuduro ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
"Kung kailan nagmahal ng seryoso doon pa gagaguhin" humihikbing sabi niya. I feel her, ganyan din ako noon.
"Naiintindihan ko yang nararamdaman mo, kasi ganyan din ako pero, hindi yan dahilan, para sayangin mo ang buhay mo" sabi ko
Bigla naman niya akong niyakap at doon umiyak, pero ewan ko din sa sarili ko basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na niyakap na lang din siya at hinagod ang likod niya.
—————————— 📔 ——————————
That day, I didn't know that I found myself loving someone again, falling again but different person now.
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
Short StoryCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES [Not yet edited] - One Shot Story with different people and characteristics, thank you for still supporting me, I really appreciate it. Enjoy reading the one shot stories I will write Date Published: March 08, 2022