ENCHANTED
Her Point of Veiw
"I QUIT!" I said while giving up in our game, "Hay naku, sabi na eh" reklamo ng pinsan ko, at iling-iling na tinignan ako "Alam mo? Sasabunutan na kita" sabi niya pa
"Sa wala akong mahanap" sabi ko inirapan niya lang ako "Sa hindi ka talaga naghahanap" bara niya na lalo kong kinasimangot, inilingan niya lang ako, at rinig ko pa ang pag buntong hininga niya.
"Alam mo? Ikaw? Sarap mo na talagang ibalibag ano? Gusto mo ba? Nanggigil ako sayo" sabi niya habang sinamaan ako ng tingin pero inilingan ko lang siya. "Sa wala nga akong mahanap, ano ka ba? Wala talaga" sabi ko pero iling-iling lang ang naging sagot niya.
"Ewan ko sayo Kaye, sadyang di ka lang talaga naghahanap" bara niya at umalis na, napatingin ako sa may laptop na nasa harap namin, nirereto niya ako sa mga kaibigan niya na single.
Sa lahat ng pinakita niya, wala talaga akong mahanap na pwede, at ayaw ko sa kanila, hindi ko alam kung bakit. Basta ayaw ko lang, hindi ko feel yung vibes.
"Wala talaga" sabi ko pa pero inirapan lang ako ng loka loka, minsan ay bigla na lang niya akong sasamaan ng tingin o kaya iirapan, ganyan yan everytime na may sasabihin siya tapos aayawan ko.
—————————— 📔 ——————————
As days passed laging ganun ang routine naming dalawa, ang mag bangayan dahil sa retohan. "Why? He's handsome, kind and, girl? Swear, you won't wish for anything, package nga yan" sabi niya na proud pang pinakilala ang kaibigan niya.
"Paano mo nasabing full package aber?" tanong ko, umayos naman siya ng upo at bumuntong hininga akala mo naman ay may napakahabang speech.
"Alam mo? Mabait yun, attitude nga lang minsan pero girl sinasabi ko talaga sayo, napakabait niya at isa pa? Caring din yan, hindi ko lang alam kung sweet pero di ka naman mahilig dun kaya okay lang diba?" sabi niya na proud pa napa-iling na lang ako.
"Bilis na last na yan, bahala ka, pag yan nareto ko sa iba" sabi niya na parang kinokonsensya ako at niyuyugyog pa ang balikat ko. "Bakit ba kase?" tanong ko sa kanya, hindi pa mag process sa'kin lahat
"Kasi nagpapareto din yan at ganun ka din so bakit hindi na lang kayo?" sabi niya ang kulit talaga ng isang ito "Oo na" sabi ko para tumigil na siya tinignan naman niya na parang nag glow yung mga mata niya.
"Sige sige" sabi niya at umalis na napa-iling na lang ako. Hindi ko alam ang gagawin the next day dahil kinukulit na ako ng pinsan ko about sa kaibigan niya.
—————————— 📔 ——————————
Tinitignan ko lang ang cellphone ko habang nakatingin sa may profile ng kaibigan ng pinsan ko. Gaya ng sabi niya hindi naman na daw masama, gwapo, mukhang expensive at mukha ngang mataray.
"Hindi ako na-inform pwede na palang matunaw si Corby kahit sa screen lang" awtomatiko akong napatay ang cellphone ko, grabe. Nilingon ko agad siya at ngiting-ngiti na naman ang loka-loka.
"Okay lang yan, tanggap kita Kaye" sabi niya pa pero inilingan ko lang siya "Alam mo Kaye, tatanggalin ko na yang ulo mo? Iling ka na ng iling" inis na sabi niya kaya natawa ako.
"Oo nga pala, sasama ka sa'kin this Saturday" sabi niya kaya nagtaka ako "Anong meron sa Saturday? May lakad ka?" tanong ko umiling naman siya
"Wala, invited ako sa kasal ni Rose, isasama lang kita, alam ko nandun din si Corby, kawawa ka sa screen mo lang ng cellphone tinitignan, hayaan mo makikita mo na" sabi niya at tumawa sinimangutan ko lang siya.
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
Krótkie OpowiadaniaCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES [Not yet edited] - One Shot Story with different people and characteristics, thank you for still supporting me, I really appreciate it. Enjoy reading the one shot stories I will write Date Published: March 08, 2022