FRESH EYES
His Point of Veiw
SO SUDDENLY I'm in love with a stranger
I can't believe she's mine
Now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes
So suddenly I'm in love with a stranger
I can't believe she's mine, yeah
And now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes
*Beep* *Beep*
Napatingin ako sa may kalsada at doon nakita ko ang isang babae na kumakapa sa may hangin agad akong tumakbo at hinila siya sa gilid ng kalsada.
Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga ko at binalingan ang driver "Pasensya na po" paumanhin ko sa driver ng kotse na muntik ng makasagasa sa kanya.
"Miss, may balak ka bang magpakamatay? Bakit ka ba tumatawid sa gitna ng kalsada?" tanong ko pero bago pa siya makasagot ay kinapa niya pa ang braso ko.
Wait? Is she blind?
"Ah sorry mister, bulag po kasi ako, at hindi ko na alam ang dinadaanan ko" sabi nito at bigla na lang akong tinalikuran, saan naman kaya pupunta yun? Bulag yun diba?
Kinakapa niya ang paligid niya habang naglalakad, pinagmasdan ko siya hanggang sa makita ko na lang ang sarili ko na sinusundan siya. Teka?
"Why I'm even following her?" tanong ko sa sarili ko habang sinusundan pa din siya, hindi ko alam kung saang lugar na ba ito pero wala akong pakealam, there's a part of me na parang gustong alamin kung saan siya nakatira.
"Saan na yun? Nag teleport? Ang bilis naman" sabi ko ng mapagtanto ko na wala na yung babaeng sinusundan ko. Ang bilis naman niya, saan naman yun nagpunta?
"Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" napalingon ako sa may likod ko ng may magsalita, doon ko napagtanto na yun yung babae, may hawak siyang kahoy, dos por dos.
"Ramdam kita, kanina ka pa? Bakit mo ako sinusundan? Anong kailangan mo?" sabi niya
"Ah, miss, ako 'to yung tumulong sayo kanina sa may kalsada, ah ano kase na curious lang ako sayo kung paano ka uuwi at baka masagasaan ka" paliwanag ko at mukhang naniwala naman siya at binaba ang dala niya.
Tumawa naman siya at ako naman ang naguluhan. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Na love at first sight ka noh? Sa bagay, ang ganda ko naman HAHAHA, joke lang, alam mo two years ko ng ginagawa ito, pero kung concern ka salamat pa din"
She said then smiled at me, by that I found her beautiful. What? "Ano? Sasama ka ba sa'kin? Sa bahay ko?" tanong niya at doon ko lang narealize na nalampasan na pala niya ako.
"Ah sige, sa bahay mo?" tanong ko humawak naman siya sa braso ko, hinayaan ko na lang,
"Ako nga pala si Shantel, ikaw?" tanong niya
"Jeff" sagot ko tumango naman siya "Paano mo malalaman bahay mo?" tanong ko dahil bulag siya diba? So paano niya malalaman?
"Ah syempre sinusundan ko lang itong tali, makakarating na ako sa bahay nito" sabi niya at pinakita ang hawak niyang tali, hindi ko yun nakita nung una dahil hindi halata.
"Gaano na katagal?" tanong ko natawa na naman siya, masiyahin siyang tao "Sinabi ko na kaya kanina, two years, dalawang taon ko na itong ginagawa kaya sanay na"
Two years?!
Grabe, ganun na katagal? Sobrang tagal na, ang tapang niya "Grabe ang tagal na, wala ka man lang bang kasama? Ikaw lang mag-isa?"
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
ContoCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES [Not yet edited] - One Shot Story with different people and characteristics, thank you for still supporting me, I really appreciate it. Enjoy reading the one shot stories I will write Date Published: March 08, 2022