TRUSTING YOU
Her Point of Veiw
"ANDY, NANDYAN na ang sundo mo!" tawag sa'kin ng ka-workmate ko, niligpit ko na muna ang mga gamit ko bago ko inayos ang sarili ko.
"Hello" napalingon ako kung sino yun, I smiled when I saw Eric leaning on the door of my office. "Saglit lang" sabi ko bago ko inayos ang laman ng bag ko, nag-double check din ako if wala na akong naiwan.
"Let's go" sabi ko, kinuha naman niya ang dala ko. "How's the day?" he ask me while were in the elevator. "I'm good, asual" sagot ko tumango naman siya.
"Glad you're doing fine" sabi niya, lumabas na kami ng elevator, nagpunta kami sa may parking lot. Nang makasakay sa kotse niya ay hinatid na niya ako papunta sa may building ng condo ko. "Thank you love" sabi ko he just smiled at me.
"I can't escort you now love, my friends call me for 911" he said and I just nodded. "I'm okay love, go ahead, they need you" sabi ko at niyakap muna siya bago ako bumaba ng kotse niya.
Pinagmasdan ko na muna na umalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob ng condominium.
Nag-register na muna ako sa may receptionist bago ako pumunta sa elevator. Nang bumakas yun sa floor ko ay lumabas na ako at dumiretso sa unit ko.
Pagkahinto ko sa pinto ay napa-iling na lang ako kung kaninong card ang nahulog, looks like I know who's inside.
Ginamit ko ang card ko para mabuksan, ng mabuksan ko na ay pumasok na ako sa loob. "The owner is here" sabi ko at hinubad ang sandals ko.
"Andy!" agad kong nilingon ang kaibigan ko.
"You drop your entrance card of my unit" sabi ko
"Sorry Bes, ginamit ko kase ang passcode kanina, di ko mahanap yan, nahulog pala" sabi niya, napa-iling na lang ako at inabot sa kanya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko
"Just telling you, I'm getting married" sabi niya kaya natuwa ako para sa kanya "Oh my gosh!" sabi ko at niyakap siya,
"Congratulations" sabi ko, kumalas naman ako.
"I'm so happy for you bes!" I said, knowing she's going to settle down made me in peace, she deserves it. "Thank you, ikaw kailan? Wala pang balak?" tanong niya natawa naman ako.
"Eric and I still have individual plans, we want to prove ourselves first" sabi ko pero inismiran lang niya ako "Naku, ang tagal niyo na kaya! Pero sa bagay, mukhang bongga ang magiging kasal niyo" sabi niya pa.
"We settle in simple wedding soon Sandy, just family and friends and most important people in our lives" sabi ko tumango naman siya, pinagmasdan ko ang singsing sa daliri niya
"It's beautiful" sabi ko tumango naman siya.
"Yeah it is, tinatanong ko nga kung magkano kaso ayaw naman niya sabihin" sabi ni Sandy, tumawa naman ako. She and her fiance are almost five years now, they deserve each other.
Sandy and I just talk about some stuffs, like her wedding plans, future plans, and so on. Minsan na lang kasi ulit kami magsama ng kaming dalawa lang kaya sobrang dami din naming napag-usapan. Minsan kasi ay kasama namin ang mga boyfriends namin sa dinner so di kami nagkakaroon ng girl's talk.
We just spent the whole night talking about different topics, nag sleepover din siya sa condo ko dahil di daw siya masusundo ng fiance niya. And that's much okay to me, mas magkakaroon kami ng time sa isa't-isa diba? More topics and chicka.
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
ContoCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES [Not yet edited] - One Shot Story with different people and characteristics, thank you for still supporting me, I really appreciate it. Enjoy reading the one shot stories I will write Date Published: March 08, 2022