ONCE UPON
Her Point of Veiw
"TASHA!" NAPALINGON ako sa may tumawag sa'kin, napa-irap ako ng makita ko kung sino yun
"Hoy, wag mo akong irapan ah? Baka gusto mong dukutin ko yung mata mo" sabi ng magaling kong best friend.
"Anong kailangan mo Richard?" tanong ko at binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko "Wala naman Natasha" sabi niya at tumabi sa'kin, tinigil ko ang ginagawa ko at binalingan siya.
"Pwede ba Rich, wag mo ako tawagin sa buo kong pangalan! Epal ka!" sabi ko, pero inismiran niya lang ako
"Ako pa? Ikaw kaya nauna! Ginaya lang kita" sabi niya pa, Rich and I are best friends since then, we are always like this and we use to it.
"Ano ang kailangan mo? Kung mag-aaya ka na naman ay naku out na agad ako" sabi ko rinig ko naman na tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Hindi na, atsaka bagong buhay na ako noh" sabi niya kaya inirapan ko siya at niligpit ang gamit ko, tinignan ko ang phone ko at ng makita ang oras ay nag-decide ako na magpahatid na lang kay Rich sa bahay.
"Pauwi ka na?" tanong niya at tinulungan ako sa pagligpit ng mga gamit ko "Hindi siguro?" sabi ko pinitik naman niya ang noo ko, kaya sinimaan ko siya ng tingin
"Alam ko, hindi ako bobo" sabi niya natawa naman ako
"Ah, pero mali ka dun sa part na hindi ka bobo kase oo yun" sabi ko pero inilingan niya lang ako, tinulungan na niya ako naman ako.
"Wag kang mag-alala pareho lang naman tayo" sabi niya pa
"Pwede ba Rich? Ikaw na lang, wag na ako" sabi ko at tumawa pa ganun din siya. He tap my head and help me carry my things, when we go out, I saw his car was parked near us.
"Hindi ka na naman susunduin ano?" tanong niya tumango naman ako, rinig ko ang bulong niya na parang disappointed na naman siya. "Sakay na, ako na maghatid sayo" sabi niya
Sumakay na ako sa kotse niya, nilagay niya muna sa may back seat ang mga gamit ko bago siya pumasok sa driver seat. "Sorry, kailangan mo naman gawin 'to" sabi ko
Tumango lang siya sa'kin "Sanay na ako Tasha, lagi naman" sabi niya sumandal na lang ako sa back rest ng upuan. Pinilit ko ang sarili ko na maging casual sa harap niya kahit na hindi ko naman na kaya.
I can lie to everyone, but my best friend is another exception together with my family. Si Rich ang takbuhan ko sa lahat ng bagay kaya lulutuin ako nito ng buhay pag nag sinungaling ako sa kanya.
Narinig ko naman na tumunog ang phone ko. "Sagutin mo na at sabihin mo na sinundo na kita nahiya naman ako" sabi niya kaya sinagot ko ang tawag
[Hello]
[Susunduin na kita? Nasan ka na ba? Papunta na a—]
[Hindi na, sinundo na ako ni Rich, wag ka na pumunta]
[Ganun ba? Sorry]
[Okay lang, magpahinga ka na]
[Naka-uwi ka na ba?]
[Hindi pa, pauwi pa lang]
[Sige ingat ka]
[Bye]
[Bye]
After that ay in-end ko na ang tawag, nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko. "Ano? Nag sorry na naman? Ano pa bang bago?" may sarcastic na sabi niya napa-buntong hininga naman ako sa sinabi niya.
YOU ARE READING
Compilation of One Shot Stories
Krótkie OpowiadaniaCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES [Not yet edited] - One Shot Story with different people and characteristics, thank you for still supporting me, I really appreciate it. Enjoy reading the one shot stories I will write Date Published: March 08, 2022