11. Trouble

110 3 1
                                    

Chapter Eleven

×××
-Jade's point of view

"Amboring namaaan." I whined and tilted my head back. Nandito kami ngayon ni David sa sala. Yung iba, nasa kwarto. Kaya, kaming dalawa lang dito. Naramdaman kong tumingin sa'kin si David. "Tara, labas tayo?" Offer niya. Napatingin naman ako sa'kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa'kanya with furrowed eyebrows. "Sa mall, sa park, sa peryahan. Kahit saan. I don't mind, basta kasama kita." Sabi niya tapos ngumiti sa'kin. Ginulo ko yung buhok niya habang nakangiti rin. Kinilig ako dun actually, pero itatago ko na lang yun sa ngiti ko. Ahihihihihi.

"Sige. Bihis lang ako." Sabi ko tapos tumayo sa sofa at umakyat sa kwarto ko. I wore a simple shirt na color blue, tapos simpleng jeans at simpleng sapatos. I tied my hair into a ponytail kasi ewan ko, naiinitan ako ngayon eh. Tapos yun, I add a little bit of coverage tapos nagpabango at kinuha na yung mga kailangan ko then, bumaba na ulet.

Nginitian ko si David. "Tara na." Sabi ko tapos tumayo siya at lumabas na kami ng bahay. Napagdesisyonan namin na maglakad na lang since, sobrang lapit lang naman ng mall from here. Tsaka, para iwas gastos. "Jade?" I heard him called my name.

"Hmm?" I hummed in response. "Nasabi ko na ba sa'yo na ang ganda mo?" Sabi niya sa'kin. Napatingin naman ako sa'kanya tapos tumawa ng onti. "Oo, nasabi mo na." Sabi ko tapos kinurot yung ilong niya. "Aray, ang sakit nun, Jade." Sabi niya habang hinahawakan yung ilong niya.

"Ang cute kasi ng ilong mo eh." Sabi ko. "Ilong ko lang ang cute?" Sabi naman niya. Natawa ako. "Oo, ilong mo lang yun cute." Sabi ko tapos nakita ko siyang nagpout. "Kasi ikaw, gwapo ka." Dagdag ko naman. Napatingin siya sa'kin habang nakangiti. "Hindi na ako makapaghintay na maging girlfriend na kita, Jade." Sabi niya bigla.

Sinuntok ko naman siya ng mahina lang sa braso niya. "Hindi agad makapaghintay?" Sabi ko. "Oo eh." Sabi niya tapos inakbayan ako at mas lalong nilapit sa'kanya. Ako naman, 'di nalang ako nag-inarte. Gusto ko rin naman kasi siya eh. Ang ewan ko naman kung tatanggalin ko pa yung pagkakaakbay niya sa'kin 'no.

At yun na nga, nakapunta na rin kami sa mall. Wala lang kaming masyadong ginawa. Tingin-tingin lang. Window shopping. Kase, mga wala kaming pera. Ahahahahaha. Pero, naglaro rin kami sa Quantum ng Just Dance. I know, sobrang typical pero, pampalipas oras lang naman namin 'to eh.

At guys, alam niyo ba, ang hot sumayaw ni David! Nagbubulungan nga yung mga babae na nanonood sa'min kanina eh tsaka may nagchecheer pa sa'kanya. Oh ano, taray lang eh. Famous kasama ko. Ahahahaha. At pagkatapos nun, kumain kami ng ice cream.

As usual, sa'kin yun chocolate, sa'kanya yung vanilla. Ewan ko nga kung bakit hindi niya pinili yung chocolate eh. I mean, masarap ang chocolate kase vanilla, right? Magcomment kayo ngayon kung ano ang mas masarap. As in now na. (Sorry, napilitan lang ako kasi, baka tanggalin ako ni author sa storya na ito eh.)

Nakaupo lang kaming dalawa sa food court habang nagkwekwentuhan. Ang dami niya kwento at siyempre, ako rin. Hindi mo naman maiaalis sa isang babae ang pagiging madaldal 'diba? Tapos nun, sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, may bigla akong narinig na tumawag kay David.

Ang pamilyar ng boses niya at ewan ko kung bakit. Tapos, napatingin si David sa likod ko at tumayo siya habang nakangiti. "Hey! It's great to see you again!" Sabi niya. Ako naman, nakakunot yung noo ko habang tumatayo. Wow ha, sino ba 'tong tumawag sa'kanya at napilitang mag-english 'to si David?

Humarap ako at, nagkatinginan kame. "You?!" "Ikaw?!" Sabay naming nasabe habang nakaturo sa isa't isa. Humhayghad, I can't believe it! Bakit ko pa nakita ulit 'tong lecheng masungit na mayabang na nilalang na 'to? At ang taray ha, nakashades pa siya at nakared na flannel.

'Ba, ano? Artista lang ang dating? Hindi ko nga siya kilala eh and if I know, never 'yang magiging artista since napakasama ng ugali niya. "Magkakilala kayo? I mean, you know each other?" Tanong ni David sa'ming dalawa. "Unfortunately, yes." Sabi nung gunggong na mayabang.

"Unfortunately ka diyan! Sapak gusto mo?" Sabi ko habang pinapakita sa'kanya yung kamao ko. "What did she say?" Tanong niya kay David. "Um, nothing. Can we take a seat?" Sabi ni David habang nakatingin sa'kin. Pero nakatingin lang ako dun sa gunggong ng masama.

"So, why are you here?" Tanong ni David nung nakaupo na siya sa harapan namin. Wait, bakit nga ba ulet katabi ko 'tong ugok na 'to? "Uh, we have a concert here." Sabi niya tapos pinatong sa table yung forearms niya. Bakit parang sumikip yung upuan? Umusog ako palapit sa'kanya tapos muntik na siya mahulog.

"Oops." Sabi ko innocently tapos umupo ulit ng maayos at nginitian si David. Nakakunot lang naman yung noo sa'min ni David. Tumingin ng masama sa'kin yung ugok tapos pumatong sa hita ko. Shet! Ang bigat niya! Tinulak ko siya doon sa gilid at tumilapon ulit siya sa sahig. Tumawa ako ng onti.

Tumayo siya tapos bumalik ulit sa upuan. Pero, ginawa niya yung ginawa ko kanina. Umusog siya tapos nahulog ako sa sahig. "Aray!" I yelped tapos sinamaan siya ng tingin. "Oops." Sabi niya din, ginaya yung sinabi ko kanina. Tumayo ako tapos dinuro siya. "You have no respect! You're not a gentleman!" Sabi ko sa'kanya.

Tumayo rin naman siya tapos binaba yung kamay ko na nakaturo sa'kanya. "You are the one who have no respect. You're the one who did it in the first place! And you did it two times!" He exclaimed. "But you're still not a gentleman! Even if I did it two times to you, you shouldn't do it to me! I'm a lady for God's sake!" Sabi ko naman.

"So what if I'm not a gentleman? You shouldn't have done it in the first place so I wouldn't have done that to you either! And I don't care if you're a lady! You still don't have manners!" Sigaw niya pabalik sa'kin. "Guys!" Narinig namin na sumigaw si David tapos parehas kaming napatingin sa'kanya.

"What?!" We both said at the same time. Gaya-gaya talaga 'to kahit kelan. "You both are making a scene." Bulong niya sa'min, halatang nagpipigil ng galit. Napatingin naman kaming dalawa sa lahat ng tao sa paligid. And sure enough, lahat sila nakatingin sa'min. Yung iba nga, vinivideohan pa kami eh.

Oh shit.

×××
-Author's note

Hi guys! Sorry kung medyo late na ako nakapagupdate but guess what? Wednesday pa rin ngayon at umabot pa ako sa pasahan! Wahahahaha, parang estudyante lang ako na magpapasa ng project eh 'no. Pero, I hope you like it guys at please vote, comment and follow me :)

Mahal ko kayo at ingat kayo palage!

-W&B

The Assistant » Niall Horan (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon