Chapter Two
***
-Alexis' point of view*Sent* yan yung nakalagay sa screen ko ngayon after kong i-send na yung informations na kailangan nung nag-alok nung trabaho sa'kin. "Sinend mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jade sa'kin. At oo, nakabihis na siya ngayon. Salamat naman sa Diyos. "Oo." Matipid kong sagot. 'Wag nating kalimutan na badtrip ako ngayon. "Baket?!" Tanong niya ulit. Hay, kahit kailan ang OA talaga neto. "Gusto ko eh." Sabi ko sa'kanya ng walang emosyon. "Sira! Hindi mo alam kung sino ba yung nagpadala nun! Malay mo, sindikato pala yun? Bago nilang modus operandi!" Sabi ni Jade.
Hindi ako nagpatinag. Wala akong pakielam kung sindikato man yang nag-send niyan. Gusto ko na ng trabaho ngayon para maidukdok ko na sa mga mukha nila na ang isang Alexis Frances Magsaysay ay kayang makahanap ng trabaho ng walang tulong ng iba. "Walang akong pake." Sabi ko ulit tapos nag-facebook na lang. Pero, after a few minutes, bigla nanamang may nag-send ng email sa'kin. Binuksan ko ito at nakitang nadoon yung details ng meet-up namin bukas. Sarah daw yung pangalan nung babae na makikipag-meet-up sa'kin.
3:00 pm daw yung oras sa coffee shop malapit lang sa bahay namin kung saan magkikita. Aba, ayos pala ha. 'Di ko na kailangan mamasahe. Pwedeng-pwede nang lakarin tsaka okay na dun. Tambay din ako ng coffee shop na yun eh. Kaya kilala na 'ko ng mga staffs at may-ari dun. Kaya kapag sindikato man yang makikipag-meet-up sa'kin, kakampi ko yung mga staffs doon kaya okay na. Hindi na ako nagreply dun sa email at nag-facebook na lang ulit. "Siraaaa! Makikipagmeet-up ka sa'kanila bukas?! Leche naman, Alex eh! Nawawala ka na ba sa ulira mo?! Pa'no ku--" Hay na'ko, ayan nanaman siya. Naiinis na ko ha. "Ano?! Pa'no kung sindikato siya?! Pa'no kung eto yung modus operandi nila?! Ganun ba yung sasabihin mo?! Kanina ka pa! Paulit-ulit na! Kanina lang, gusto niyo kong maghanap ng trabaho, kung kelan naman nakahanap na ko ng trabaho, sasabihin mo na mali yun! Ano ba talaga?! Naiinis na ko ha! Pucha." Sigaw ko tapos kinuha na yung laptop ko at umalis muna ng bahay.
Gusto ko munang magpahangin ngayon. Gusto ko munang kumalma kasi, kanina, nawala na yung pasensya ko eh. Nakakainis na kasi eh. Paulit-ulit na lang tapos ang gulo-gulo pa nila. Kaninang wala akong trabaho, gusto nila akong maghanap ng trabaho. Tapos ngayong nakahanap na ako, sasabihin naman nila na baka sindikato yung nag-send nun. Naiirita na ko ha. Madali lang kasi mawala yung pasensya ko eh, lalo na kapag paulit-ulit yung sinasabi nung tao. Siguro, mamaya ko na lang kakausapin si Jade. Medyo napagtaasan ko siya ng boses dun eh. Naglakad muna ako hanggang sa makapunta ako dun sa coffee shop na sinasabi ko sa'inyong tinatambayan ko lagi. "Oh, miss Alex, buti naman at naisipan niyong dumalaw dito." Sabi ni Matt sa'kin.
Ka-close ko na rin siya dito, tuwing gabi ako mostly tumatambay eh sakto namang night shift siya lagi. Mabait 'tong si Matt. Pogi nga 'to kaya maraming tumatambay rin dito na mga babae para lang makita siya pero ako lang lagi yung kinakausap niya. Edi siyempre, kilig naman ako dun kasi crush ko naman siya. Pero, hindi ko lang pinapahalata. "Oo eh. Badtrip kasi ako sa mga kaibigan ko." Sabi ko tapos nagpalumbaba sa table. Nagpalumbaba rin siya tapos tumingin sa'kin. "Bakeeeeet?" Tanong niya in a very cute voice. Yung pambata. Tumingin ako sa'kanya tapos natawa. Tumawa rin siya. "There you go. Napangiti kita." He said with a smile. "Psh, 'ge lang." Pambabara ko tapos tinanggal ko yung ngiti sa mga labi ko kahit na sasabog na ata ako sa kilig sa loob-looban ko. "Ay. Makabara naman 'to. So, bakit ka nabadtrip sa mga kaibigan mo?" Tanong ulit ni Matt pero ngayon, makikita mong seryoso na siya sa tanong niya.
I sighed. "Kasi, ganito yun, yung kaibigan kong si Gail, nakahanap na siya ng trabaho. Tapos, ako na lang yung walang trabaho and tinanong nila, ano raw kaya yung mangyayari sa'kin kung wala sila? Sabi nila, kailangan ko na daw maging independent. So ayun, naghanap ako ng trabaho online. Tapos, merong email na nagpop-up sa screen ko. Nakita yun ni Jade. Sabi niya, baka daw sindikato yun o kung anuman. Pero wala akong pakielam, gusto ko ng trabaho kasi, gusto kong mapatunayan sa'kanila na ang isang katulad ko ay pwede rin naman makahanap ng trabaho. Kaya ayun, sinend ko yung informations na kailangan nila about me. Tapos sabi nung nag-send sa'kin ng email na dito daw kami magme-meet-up. Sarah daw yung name nung babaeng makikipagkita sa'kin." Pagpapatuloy ko sana yung sasabihin ko kaso, bigla naman akong initerrupt neto ni Matt.
BINABASA MO ANG
The Assistant » Niall Horan (Taglish)
Fiksi Penggemar"I'm jealous of the moon, because she knows all of your 5 AM secrets. And your sheets who get to touch every part of you as you fall asleep while I keep a close eye on this empty pillow, waiting for your weight to keep it warm. But the sun, he is t...