Chapter One
***
-Alexis' point of view"May trabaho ka na?" Tinanong ko si Gail once na nakapasok na siya sa bahay namin with a tired face might I say. "Damn girl, ang haggard mo na." Pagpapatuloy ko. She glared at me. "Ikaw kaya buong araw na nakababad sa araw tapos singhutin mo lahat ng ilalabas na usok ng mga sasakyan, sa tingin mo, magiging presko ka pa rin ba, ha?" Pikon na sagot ni Gail sa'kin tapos umupo sa sofa.
"Woah, ang init ng ulo mo. Eto, inom ka muna tubig. At tsaka teka nga, hindi mo pa nasasagot yung tanong ko eh. Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Tanong ko ulit sa'kanya. She looked at me tapos binaba yung basong may lamang tubig kanina. "Actually, oo, meron na." She said normally tapos sumandal dun sa sofa.
Nanlaki yung mga mata ko. "Talaga?" Sabi ko, hindi makapaniwala. Tumingin siya ng masama sa'kin. "Biro lang ba yan?" Biglang sulpot ni Jade sa usapan namin habang naka-tuwalya lang. Napatingin kaming dalawa ni Gail sa'kanya with a disgusted face. "Magsuot ka nga muna ng damit dun, bastos neto eh." Binatukan ko siya. She glared at me. "Eto, kung makabatok eh." Sabi ni Jade sa'kin tapos tumingin ulit kay Gail.
"Nakakuha ka nga ng trabaho?" Tanong niya ulit kay Gail. "Weh?" Biglang sulpot naman din ni Hazel, nasa kusina siya eh. "Milagro na ba 'to?" Sulpot din ni Daisy na nasa hagdanan, tapos tuluyan na siyang bumaba. Tumingin si Gail sa'min na para bang sinasabi ay 'really guys?'. "Oo," Hindi pa tapos ni Gail yung sinabi niya pero biglang sumingit si Jade. "Oh?! Humayghad!" Jade said with fake enthusiasm. "'Di pa kasi tapos, 'diba." Iritang sabi ni Gail.
"Ay sorry, nadala ng emosyon." Sabi ni Jade habang nakangisi. "So, anong trabaho mo?" Tanong ni Hazel sa'kanya. "Sales lady sa isang mall." Sabi ni Gail in a boring tone. "Ha?! Ang hirap kaya nun! Ilang oras kang nakatayo sa heels tapos kailangan mo pang ngumiti kahit inis na inis ka na! Pa'no mo matitiis yun?!" Pag-rereact ko. "Grabe naman 'to kung maka-react. Buti nga may trabaho na ko eh. Kesa naman sa'yo, ikaw na lang yung walang trabaho." Pagtataray ni Gail sa'kin.
"Eh, may trabaho na kayong apat, kaya no need na kong magtrabaho 'no." I shrugged tapos bumalik ulit sa counter at ininom yung kape ko. "Eh pa'no na lang kaya kung wala kami 'no? Pa'no ka na? At tsaka, 'wag mong iasa lahat sa'min, be independent, Alexis." Sabi ni Hazel. Haay, ang nanay ng tropa, nanenermon nanaman. I rolled my eyes at her. "Edi maghahanap ng trabaho. Madali lang naman 'yan." Sabi ko. Daisy furrowed her eyebrows at me tapos lumapit sa'kin then, binatukan niya ako. "Loka, mahirap maghanap ng trabaho." Sabi niya sa'kin. "Maka-batok naman 'to." Sabi ko sa'kanya habang nakatingin ng masama.
"Karma. Maka-batok ka rin kanina eh." Sabi ni Jade tapos agad-agad na pumasok sa CR habang nakangisi. Tumingin lang ako ng masama sa'kanya. "Try mo kaya, for once, maging independent, Alexis?" Sabi ni Daisy tapos umakyat na ulit. "Oo nga naman." Sabi ni Gail tapos pumunta na rin sa taas. Tumingin ako kay Hazel. "Pwedeng tulungan mo ko?" I pleaded gamit yung puppy dog eyes ko. "No. Do it your own." Pagmamatigas ni Hazel tapos bumalik na sa sofa at nanunood na lang ng TV.
I sighed. Edi 'wag. 'Wag nila akong tulungan. 'Pag ako talaga, nakahanap ng magandang trabaho, idudukdok ko sa mga mukha nila yun. Teka, andiyan pala kayo? Hehe, ako nga pala si Alexis Magsaysay, 21 years of age na, pero wala pa ring trabaho. Gusto ko sanang maging nurse, kaso nga lang, bumagsak ako sa education course. Ayokong maging teacher kaso nga lang, no choice na rin, sobrang daming kumuha ng course na gusto ko eh. Hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho kasi ayoko naman talaga ng course na kinuha ko eh.
Pero, papatunayan ko sa'kanilang apat na, kaya ng isang Alexis Magsaysay ang maghanap ng trabaho ng walang tulong from them at, magsisimula na ako bukas na bukas. Anyways, kahit na medyo nagtatampo ako sa mga 'to, ipapakilala ko pa rin naman sila sa'inyo, siyempre. Unang-una ay si Jade Flores. Siya yung pinakabata sa'min actually pero, matalino yan. Kaya nga yan naka-graduate agad eh. Kapag sa ibang bagay, loka-loka yan pero 'pag studies na ang pinaguusapan, aba, seryoso na yan. Pero siya rin yung pinakanakakatakot magalit sa'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/29895927-288-k538334.jpg)
BINABASA MO ANG
The Assistant » Niall Horan (Taglish)
Fanfic"I'm jealous of the moon, because she knows all of your 5 AM secrets. And your sheets who get to touch every part of you as you fall asleep while I keep a close eye on this empty pillow, waiting for your weight to keep it warm. But the sun, he is t...