5. Date

101 3 0
                                    

Chapter Five

***
-Alexis' point of view

Tumayo ako sa kama at pumunta na sa banyo. All the time na ginagawa ko yun, nakabusangot yung mukha ko. Eh kasi naman si Matt eh. Oo, ako na yung panget. Hays, nakakabadtrip talaga. Parang ayoko na tuloy makipagdate sa'kanya. Pinagiisipan ko yan habang naliligo ako. Siyempre, hindi yan mawawala sa isipan ko kasi, sino ba namang babae ang gustong mapagsabihan ng panget 'diba? I mean, hindi niya actually sinabi yun pero, sinabi ko lang yun kasi akala ko, sasabihin niya, "Hinde, ang ganda mo kaya kahit ganyan itsura mo. Kaya kitang titigan buong araw, babe." Akala ko yun yung sasabihin niya.

Pero tama nga ang sabi nila. 'Wag mag-assume kasi ikaw lang din masasaktan sa huli. Hays, bakit ko ba iniisip 'to? Hindi ko na lang siya papansinin mamaya. Nakakainis siya. Pero sasama pa rin ako. Hahahahaha. Nagbihis na ako pagkatapos, nagtoothbrush na. Hindi ko alam kung bakit pero mas gusto kong nagtotoothbrush muna bago kumain. Ang weird ko talaga kahit kelan. Anyways, pagkatapos kong magtoothbrush, binlow dry ko na yung buhok ko. Mabilis lang siya matuyo since manipis lang naman yung buhok ko. Then, I put it in a high, sleek ponytail.

Tapos, naglagay ako ng kaunting makeup. Nagdeodorant ako tapos nagperfume at kinuha na yung mga kailangan ko at bumaba na. "Halelujiah! Natapos na rin siya!" Pagpaparinig ni Matt sa'kin. Sa totoo lang? Gusto ko na siyang sapakin ngayon. Pero 'wag na, tinatamad ako eh. Tiningnan ko lang siya tapos nginitian yung girls. "Pst uy, mga ugok. Alis na ako ha? Babye!" Sabi ko. Tapos nagsabi rin naman sila sa'kin ng 'bye, ingat!' tapos lumabas na kami ni Matt ng bahay namin. Actually, hindi kami sabay. Nauuna ako kesa sa'kanya. Anong kala niya? Badtrip pa rin ako sa'kanya 'no. Kaaga-aga eh.

Tumigil ako tapos hinintay ko siya. "H-huy! Bakit ang bilis mong maglakad? Nakakahingal ka, grabe!" Sabi niya nung naabutan na niya ako. Psh, tama yan, mapagod ka. Ang sakit kaya ng sinabi mo kanina. Hays. "Saan tayo pupunta?" Sabi ko ng walang buhay sa boses ko. Tiningnan niya lang ako. "Wala? Wala tayong pupuntahan? Sige, balik na ko sa bahay." Sabi ko tapos pabalik na sana sa bahay kaso hinawakan ni Matt yung braso ko tapos hinarap ako sa'kanya. "Oh? May kailangan ka pa?" Tanong ko sa'kanya in a cold tone. He furrowed his eyebrows at me. Magtatanong sana siya kaso tingin ko, hinayaan niya na lang. So, instead, he sighed. "Tara dun sa park." Sabi niya tapos hinawakan niya yung kamay ko.

Nakaintertwine yung mga kamay namin pero actually, siya lang yung nakahawak sa kamay ko. Ako, wala akong pake. Inis talaga ako sa sinabi niya eh. Nakapunta kami sa park ng tahimik. Nakakunot pa rin yung noo ko, siya naman, panay yung tingin sa'ken. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya sa'ken in a perky voice. Da faq? Kanina lang, ang tamlay niya tapos ngayon parang walang bahid ng katamlayan sa mukha niya. Wow, galing niyang umacting. Pwes, papalabasin ko ang tunay niyang ugali para makaganti naman ako kahit papaano 'no.

"Sa rollercoaster! Gusto ko dun eh!" I faked a perky voice too habang nakangiti ng peke din. Two can play at this game. Nung narinig niyang sinabi ko yung 'rollercoaster', namutla agad siya. I smirked. Alam ko kasing takot siya sa rollercoaster eh. Eh ako, gustong-gusto ko ng mga rides na may thrill. Hinawakan ko yung kamay niya. "Tara na!" Sabi ko tapos hinila siya papalapit sa simula ng pila para sa rollercoaster.

***

Nandito pa rin ako sa park. Ay, may kasama nga pala ako. Kanina pa kami naglilibot-libot dito. Lahat ng madaanan naming mga couples, ang se-sweet sa isa't isa. Pero kame? May space between us. Ang manhid niya kase. Tapos oo, alam kong OA na ako. Pero masakit eh. Sabi nga nila, "Kapag sinabihan mo na maganda ang isang babae, hindi niya yan paniniwalaan. Pero kapag sinabihan mo siya ng panget, buong buhay niya yan paniniwalaan."

So ayun. Walang pakielamanan. Ganito ba kapag nagkikipag-date? Hays, nakakainis talaga. Buong maghapon kaming hindi nagpapansinan. Ni-hindi niya man lang itry na ayusin yung awayan pagitan sa'min. Umupo ako sa bench. Nakakapagod naman maglakad ng maglakad. I sighed. Umupo naman siya sa kabilang side ng bench. Tumingin lang ako sa fireworks na nagsisiputukan sa harapan namin. Mas lalong lumitaw yung fireworks kasi gabi na ngayon. Mga 7:00 pm na ata eh. Nakasandal sa isa't isa yung mga couples sa harapan namin, yung iba naman, nakatingin lang sa fireworks habang nakangiti, yung iba naman, naghahalikan, yung iba, nagyayakapan. Basta, yun yung mga ginagawa nila. Habang kaming dalawa ni Matt, ang laki ng agwat na nasa gitna namin.

The Assistant » Niall Horan (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon