8. Again

96 2 0
                                    

Chapter Eight

***
-Hazel's point of view

Hays, kapagod naman maglakad. Bakit ba kasi ayaw pa akong bigyan nila mommy at daddy ng sarili kong kotse. I mean, 22 na ako ngayon and heck, I really need that for myself.

Pero siyempre, mas gusto kong paghirapan yung pambili ng pera para sa kotse. Kaya ngayon, tiis-tiis muna, Haze. Ginusto mo yan eh.

Pumara ako ng jeep at sumakay na doon. "Bayad ho. Sa may ministop lang ho. Isa." Sabi ko tapos inabot na yung bayad kay manong. Tumingin ako sa labas. Uy, ang ganda naman ng damit na yun.

Flowy siya na dress, baby pink yung kulay niya pero tingin ko, mahal yan eh. Halata naman. I sighed tapos napatingin sa harapan ko.

May couple na naglalandian sa harap ko. Yung lalake, naka-akbay siya sa girlfriend niya. Tapos mukhang magbestfriend lang ang turingan nila. Pero mukha silang couple.

Pinisil nung girl yung ilong ni boy tapos tinanggal nung lalake yung pagkakaakbay niya dun sa babae tapos hinimas-himas yung ilong niya na sobrang pula.

Tumawa lang naman sa'kanya yung babae. Tumingin naman ng masama sa'kanya yung lalake tapos agad na pinisil yung magkabilang pisngi ng babae.

Hinawakan naman ng babae yung magkabila niyang pisngi na pulang-pula rin. Tapos tumawa yung lalake. Hays, kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend?

22 years old na ako oh. Siguro naman, pwede na akong magkaboyfriend 'diba? Tagal ko na siya hinihintay 'no. Sana naman dumating na siya. Nakakasawa rin naman maging single.

Tumingin ulit ako sa labas at nakitang malapit na ako sa ministop. "Para ho!" Sabi ko tapos tumigil yung jeep at bumaba na ako. Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan tapos tumawid na. Naglakad lang ako ng naglakad.

Sinisipa ko lang ng sinisipa yung kawawang bato. Until, may nakabangga ako. "Ah, aray." I mumbled tapos hinawakan yung braso ko. "Oh, I'm so sorry. I didn't mean it." May narinig akong pamilyar na boses at accent.

Napatingin ako dun sa taong yun at nakita ang pamilyar niyang mukha. Grabe, miss na miss ko na siya. Gustung-gusto ko siyang yakapin ngayon.

Pero.. pero baka galit pa rin siya sa'kin. "Hazel?" Sabi niya tapos he squinted his eyes at me. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Sobrang namiss ko siya. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. So, I just stood there, looking like an absolute idiot. "How are you?" Tinakpan ng ngiti niya yung pagkagulat niya at yung kalungkutan na nakita kong sumasalamin sa mga mata niya. I blinked a couple of times tapos nginitian rin siya.

"I'm alright. How 'bout you, Liam?" I said casually. He scratched the back of his neck. Ang pogi niya pa rin hanggang ngayon. "Umm, yeah, I'm alright t-- Oh, shit!" He curse once na may marinig kaming sigawan na papalapit sa'min.

Agad niyang hinablot yung kamay ko tapos tumakbo kaming dalawa. Makikita mo yung taranta sa mukha niya. Pero hindi pa rin maiaalis na sobrang attractive na niya ngayon. Grabe, Hazel.

Pinapamukha ba ni Tadhana ngayon na ito lang naman yung sinayang mo dati? Na ito lang naman yung binasted mo? 'Di ka makarelate 'no? Eto, time travel tayo.

Flashback

Pumunta kami nila mommy at daddy sa London. Sa may Wolverhampton to be exact. Dito daw kasi nila ako papaaralin for just one year lang naman. Kaya naman, pumayag na ako.

Mahirap ang magmove sa different country since sa Pilipinas ako lumaki. Pero okay lang. I'm willing naman to try something new eh. Nagenroll ako sa isang school, fourth year highschool na nga pala ako.

The Assistant » Niall Horan (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon