Kabanata 21

241 28 0
                                    

"Hindi pa lumalaki ngunit halata na ang tiyan mo, kamahalan. Mukhang aabot na lang ng ilang linggo." bahagyang hinawakan ni Anna ang tiyan ni Helena.

Nasa bulwagan kami ng kababaihan. Kada araw ay kailangan naming magbigay galang sa reyna at inang reyna ng palasyo. Parte ito ng batas nila na kailangan kong sundin. Nitong nakaraang araw lang ako nagsimulang gayahin ang mga nakagawian nila.

"Ilang linggo pa lang ang nakalipas mula noong sinabi ng hari na buntis ang reyna." mangha kong sinabi.

Ngumisi si Catleya habang umiinom ng dugo, "Dalawang buwan lang ang pagbubuntis ng mga kagaya namin, Stella. Naiiba kami sa mga tao. Dapat kang masanay."

Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako at hindi lubos maisip na naiiba sila sa akin.

Bumuntong hininga ang reyna. Pansin kong kanina pa siya parang may iniisip na problema. Sumimsim si Anna sa kanyang iniinom habang pinagmamasdan din si Helena.

"May problema ba, kamahalan?" tanong ni Anna kalaunan.

"May natanggap ang hari na liham na alok ng pagpapakasal."

Umawang ang labi ni Anna at napasinghap naman si Catleya. Mukhang malaking problema nga iyon base sa kanilang reaksyon.

"Sinong binibini?" tanong ni Catleya.

"Isang prinsesa mula sa malayong kaharian ng lupa."

Napapikit ng marahan si Anna, "Kung sakaling pumayag ang hari, sinong prinsipe kaya ang ipakakasal?"

"Si Helios kaya?"

Napatingin si Anna kay Catleya, "Matalino si Helios at mas kailangan siya sa palasyo natin."

"Isa sa mga prinsipe ang ipapakasal ng hari?" singit ko noong naunawaan na ang usapan nila.

Tumango si Helena, "Kung papayag si Lazarus sa kasunduan ng kabilang palasyo."

"Pero tiyak akong papayag si kuya. Kailangan ang pagpapakasal para mapatatag ang hawak na kapangyarihan." saad ni Catleya.

"Paano 'yan, kamahalan? Wala pa kayong anak na lalaki ni kuya. At ang mga prinsipe naman natin ay..." nagkibit balikat si Anna.

"Hindi naman... masamang tumanggi." nag-aalinlangan kong sinabi.

"Kapag tatanggi ang hari sa alok, kailangan niya ng mabigat na dahilan. Prinsesa sa isang kaharian ang nag-alok ng kasal at hindi kung sino lang." sambit ni Anna.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na sinubukang magsalita. Tama siya. Baka maging ugat pa iyon ng hindi pagkakaunawaan. Bakit kasi sa palasyo ng mga bampira pa nila naisipang magpadala ng liham?

"Pag-usapan na lang sa susunod-"

"Pwede ang panghuling prinsipe." saad ni Catleya.

Umingos si Anna, "Si Damian? Guguho ang buong palasyo kapag nangyari 'yan."

"Masyado pa siyang bata. Halatang wala pa ang pagpapakasal sa isip niya." ani ng reyna.

Tumango lang si Catleya. Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa kasal hanggang sa nagpasya na silang matulog. Niyaya ako ni Catleya na matulog sa kanyang silid pero hindi ako sanay lalo na't kakagising ko lang.

Napag-usapan ang kasal pagsapit ng gabi habang kumakain. Naipaalam na iyon ng hari kanina sa pagpupulong kaya ngayon ay pinag-uusapan na lang nila ng pribado.

"Maraming prinsipe ang palasyo, kuya. Mga anak ng kapatid ni ama at ina." sambit ni Ismael na tila ayaw rin makasal.

"Anak ng hari mismo ang ipapakasal, Ismael. Dapat kapantay niya rin." ismid ni Catleya.

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon