Kabanata 42

225 23 0
                                    

Kung buhay naman pala si Ashanti bakit hindi niya nagawang balikan si Kashro? Bakit nasa mundo siya ngayon ng mga tao imbes na sa mundo ng mga immortal? Hindi niya ba inaalala ang mga naiwan niya?

Hindi ko alam ang nangyari kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Nakapangalumbaba ako sa bintana namin, hapon na at hinihintay ko na lang na lumubog ang araw at mapalitan ito ng buwan.

Panay ang pagbuntong hininga ko sa mga naiisip. Idagdag pa ang hindi pagsulpot ni Luan. Ilang araw na ring hindi nagpapakita si Astro gaya ng kanyang sinabi noong huling pag-uusap namin.

Ang nakikita ko lang tuloy ay si Helios na panay ang bisita. Gustong gusto siya ni ina kaya sa tuwing dumadalaw si Helios ay nagluluto si ina ng meryenda. Naisip ko tuloy na ipakilala na rin si Luan pero hindi pa siya nagpapakita.

"Ate!" tawag ni Claudia sa akin at umupo siya sa tabi.

Pareho naming dinungaw ang nagkukulay kahel na kalangitan, "Tapos ka na sa assignments mo?"

"Ang ganda ng langit." aniya.

"Oo, wala pa ang buwan pero mas gaganda ang kalangitan kapag nasa itaas na ito."

Ngumuso siya at tumingin sa akin, "Maganda rin naman ang langit kapag nasa taas ang araw, ah."

"Alam ko, Clau." bahagya akong natawa.

Natahimik kaming dalawa. Naramdaman ko ang titig niya kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako habang naglalakbay ang tingin sa buo kong mukha. Puno ng adorasyon ang kanyang mga mata.

"Mahihiya ang buwan sa ganda mo, ate."

Pabiro ko siyang inirapan, "Kailan ka pa natutong magbiro ng ganyan?"

"Hmm? Hindi ako nagbibiro. Totoo kaya!"

Ngumiti ako at natigilan nang may naisip, "Claudia..."

"Hmm?"

"Anong nararamdaman mo kay Yuri?" hinarap ko siya.

Umawang ang labi niya at nagbaba ng tingin, "Si Yuri para sa akin... isang mabuting kaibigan. Palagi siyang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong, o kahit hindi. Maihahalintulad ko siya kay kuya Apollo. At pareho ko rin silang mahal, ate."

"Sinasabihan mo si Yuri ng salitang mahal kita?"

Tumango tango siya, "Hindi ba turo niyo na dapat kong sabihin ang tunay kong nararamdaman? Sinasabi ko kay Yuri na mahal ko siya dahil totoong mahal ko siya. Gaya ng nararamdaman ko kay kuya Apollo tapos sa'yo, ate."

Nakagat ko ang labi ko, "Claudia, hindi naman ganoon dapat. Hindi ka dapat nagsasabi ng ganoon sa isang tao."

Bakas ang kalituhan sa mukha niya, "Paano pala?"

"Paano kung iba ang pagkakaintindi ni Yuri sa sinasabi mo? Paano kung isipin niyang mahal mo siya?"

"Mahal ko naman siya talaga, ate."

Halos irapan ko siya, "Mahal mo siya bilang ano?"

"Kaibigan-"

"Iyon nga, Claudia. Paano kung iniisip niya na mahal mo siya bilang kasintahan o higit pa?"

Natahimik siya at nag-isip ng malalim. Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa kalangitan. Nagsisimula nang dumilim ang paligid.

"Kung wala kang balak na sagutin si Yuri mas mabuti pang sabihin mo na kaagad sa kanya habang maaga pa. Baka umaasa lang siya sa wala, Claudia. Mas mabuting magkaliwanagan kayong dalawa."

Bumuntong hininga siya, "Magkaiba kayo ng sinasabi ng lalaking iyon."

Napatingin ako sa kanya, "Sinong lalaki?"

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon