Kabanata 47

202 26 0
                                    

"Luan..." napakurap kurap ako at lumapit sa kanya.

Kumuyom ang kamay niyang hawak-hawak ang singsing. Sa tingin niya ngayon, nakikita ko mang handa siyang makinig, nagsisimula pa rin akong matakot ng sobra. Ayaw kong maulit ang nangyari noon. Lalo na't ganoon na naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Nakit ko lang ang singsing. I-ibibigay ko sana pabalik kay Helios pero... hindi niya tinanggap. Kaya tinago ko muna, hindi ko naman sinasadyang mahulog 'yan kanina habang hawak ko. Hinahanap ko nga para maibalik kay Helios. Ayaw kong mag-isip ka ng iba dahil sa nakita mo. Pero nakita mo pala."

Pagkatapos ng paliwanag ko ay tumitig lang siya. Unti-unting naging panatag ang kanyang ekspresyon kaya nang hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagyang hinila ay nagpaubaya siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ibalik mo na 'yan kay Helios. Baka maiwala mo pa."

"Anong sinabi ni Helios sa'yo noong binalik mo?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Ayaw niyang taggapin. Hindi ko alam kung bakit."

"Ano pang sinabi? Wala na bang iba bukod doon?"

Nag-isip ako ng mabuti. Mayroon pa pero ayaw kong sabihin iyon kay Luan. Baka iba ang pagkakaintindi niya sa sasabihin ko. Umiling na lamang ako. Huminga siya ng malalim at hinayaan akong yakapin siya.

"Nagandahan ka ba sa kanyang singsing?"

Ngumuso ako at muling nag-angat ng tingin, "Mas nagandahan pa rin ako sa suot ko ngayon. Nagtataka nga ako, eh. Pareho naman sila pero bakit mas maganda itong sa'yo?"

Ngumisi siya. Ngumiti ako at kinagat ang labi. Marahan niyang inilapit ang aking katawan para mayakap ko siya ng mas maayos.

"Baka naman gusto mo itong isuot?"

Umikot ang mata ko sa mga tanong niya, "Ibalik mo na 'yan kay Helios. Sa totoo lang wala akong pakialam dyan. Inaalala ko lang kapag nawala 'yan ng prinsipe masasaktan ang inyong ina. Alam ko kung gaano kahalaga ang ganyan sa inyong pamilya."

Tumango tango siya at hinagkan ang aking buhok. Ngumiti ako at pumikit ng marahan.

"Nandito ang mga taga palasyo ng musika- ay!" boses ni Kieran ang nagpabaling sa amin sa pinto.

Agad siyang nagkunwaring abala sa bawat disenyo ng aking silid. Humiwalay ako kay Luan at hinintay si Kieran na magsalita. Nanatili naman ang kamay ni Luan sa aking baywang. Sumunod kay Kieran ang kanyang ibang kapatid.

"Sinong nandito?" tanong ko.

"Nandito ang mga taga palasyo ng musika. Kilala mo si Rayim, hindi ba?" tanong ni Catleya.

Tumango ako, "Minsan ko na siyang nakilala."

Tumango-tango si Ismael, "Nandito rin ang panghuling prinsipe ng nyebe. Hinahanap ka niya, Luan."

"Si Astro?" gulat na tanong ko.

Nagkatinginan kami ni Luan at naabutan ang pagtango niya kay Ismael. Bumuntong hininga siya at bumagsak ang tingin sa akin. Pinatakan niya ako ng isang halik sa aking noo.

"Tayo na." marahang bulong niya.

Lumalabas na sila. Huling lumabas si Helios. Nagkatinginan kami sandali bago ko pinutol ang tingin at inilipat iyon sa pintuan ng silid. Humakbang palabas si Helios.

"Sandali, Helios." pigil ni Luan.

Tumigil sa paghakbang si Helios pero hindi siya humarap. Sumungaw ang ulo ni Kieran at Damian sa narinig na boses ni Luan.

Hinawakan ni Luan ang aking kamay at lumapit kaming dalawa sa kinatatayuan ng kapatid niya. Nang nakalapit ay doon lang tumingin si Helios kay Luan. Bumagsak ang tingin niya sa singsing na inilalahad ng kapatid at nilipat ang tingin sa akin.

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon