Wakas

439 39 2
                                    

Mga walang silbi. Pairap akong nag-iwas ng tingin sa mga bantay ng palasyo na nag-uusap sa tabi-tabi. Mabilis kong tinawid ang lagusan tungo sa mundo ng mga walang kwentang nilalang. Mula noong namatay ang aking ama ay nag-iba na ang pagtingin ko sa mga mortal.

Ayaw ko sanang gawin ito pero dahil sa pag-uusap namin kanina ng mga kapatid ko ay napilitan akong pumayag.

"Luan, bakit hindi na lang ikaw ang magbantay sa kakahuyan? Hindi ba ay hilig mo naman 'yon noong bata pa tayo?"

"Huwag ako, Kieran. May iba pa akong gagawin." agap ko.

Binalingan ako ni ina kaya nag-iwas ako ng tingin. Ayaw ko ng pumunta pa ulit sa kakahuyang iyon. Pinagbawal sa amin ang pag-inom ng dugo ng tao pero baka magawa ko 'yon sa oras na makakita ako ng isang mortal na naliligaw.

Gusto kong magbayad sila sa ginawa sa aking ama. Ang mga mortal ay walang lugar sa kanilang kinagagalawang mundo.

"Ano naman ang gagawin mo, Luan?" tanong ni ina.

Sinipat ko siya, "Basta mayroon."

Bumuntong hininga siya, "Nagdadahilan ka lang naman. Alam kong wala ka rin naman ibang aatupagin kundi ang mga babae sa walong palasyo. Luan, ikaw na ang paboritong usapan ng mga babaeng immortal. Hindi ka ba nahihiya, huh, anak?"

"Bakit naman siya mahihiya, ina? Tiyak lumalaki pa ang ulo niya." si Kieran na gusto kong saksakin.

"Tigilan mo nga ako," binalingan ko silang lahat, "Hindi lang naman ako ang walang ginagawa sa palasyo. Si Damian, Kieran, Ismael, Blad, at Helios."

"Tinuturuan ko si Anna kung paano makipaglaban." agap na katwiran ni Blad.

"Ako naman, abala ako sa pagsama kay ina sa pagbisita niya sa iba't ibang lugar na nasasakupan natin." si Kieran.

"Ganoon din ako."  saad naman ni Damian.

"Abala ako sa gawain sa palasyo." si Ismael.

"May babasahin pa akong aklat sa aking silid." si Helios.

"Ikaw na, Luan." pinal na utos ni ina.

Umiling ako at tinanaw ang buwan sa kalangitan. Isa pang ayaw ko ay wala akong ibang nagagawa rito kundi ang matulog sa puno. Kung hanggang kailan ako rito ay hindi ko alam.

Bumaba ako at nagpasyang maglakad lakad na lang muna. Payapa ang gabi at nakikita ko ng malinaw ang mga ligaw na mga makamandag na ahas at baboy ramo sa kagubatan. Mayroon ding baka ng kung sino sa malayong banda.

Napatigil ako nang nakakita ng maliit na bahay. Wala itong masyadong ilaw at tingin ko'y kandila lang ang kanilang gamit. Kung sa bagay, hindi abot ang kuryente sa kakahuyan. Napangisi ako. Hindi ko aakalaing may makikita akong bahay dito. Masyado nang tago ang lugar.

Tumuloy ako sa paghakbang pero muling natigilan nang nakaramdam ng kakaibang presensiya. Pagtingin ko sa harapan ay tumambad sa akin ang medyo gulat na si Helios. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

"Anong ginagawa mo rito, Helios? Akala ko ba sa palasyo ka lang?" agarang tanong ko.

"Sinusundan kita. Akala ko kung saan ka na naman pupunta."

"Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ko gusto ang lugar na ito pero napilitan akong magbantay dahil kay ina. Iniisip mo bang kaya kong mamasyal hanggang sa kanilang bayan?"

"Hindi nga ba?"

Tumawa ako sa tanong niya, "Dinadalaw mo ba ang nakatakda sa'yo na tinanggihan mo? Malapit lang ba ang bahay no'n dito? Bumalik ka na sa palasyo. O kung gusto mo..."

Shadows of Darkness (Mortal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon